“MGA HIJO DE PUTA!” sigaw ni Zakh sa mga tauhan nito nang makarating ito sa hideout nila. Nang makatanggap ito ng tawag mula sa isa sa mga tauhan nito kanina ay dali-dali itong nagtungo roon, at wala na nga roon si Ysolde.
Matalim na titig ang ipinukol ni Zakh sa limang tauhan nito na nasa harapan nito. Malinga-lingang pagbabarilin ito ng binata dahil sa galit na nararamdaman nito ngayon.
“Mga inutil!” muling singhal nito. “Kabilin-bilinan ko sa inyong magbantay kayo ng maigi para walang may makapasok na ibang tao rito. Pero ano ang ginawa ninyo? Ang tatanga ninyo! Mga wala kayong silbi.” Umigting muli ang panga nito at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Padabog nitong binitawan ang baril sa ibabaw ng lamesa. “Mga lintik!”
“E, boss... marami po kasing tauhan si Hideo—”
“I don’t care!” sigaw nitong muli dahilan upang matigil sa pagsasalita ang lalaki. Hinarap ito ni Zakh. Nanlilisik ang mga matang tinitigan ang tauhan. “Wala akong pakialam kung marami man siyang tauhan. Ang gusto ko lang ay bantayan ninyo si Ysolde. O kung nakatunog na kayo na nandito si Hideo, sana itinakbo agad ninyo si Ysolde para hindi siya nakuha ni Hideo. Mga bobo!”
Napapayuko na lamang muli ang lalaki.
Nagparoo’t parito ng lakad si Zakh. Hindi pa rin matanggap ang mga nangyari. Hindi pa rin nito matanggap na muling nawala sa kamay nito ang dalaga na ilang linggo ring hinanap para maisagawa ang mga plano nito tungkol sa kayamanan at negosyo ni Bernard. Kung alam lamang nito na ganoon kaagang matatagpuan ni Hideo si Ysolde, sana kahapon pa lamang ay pinilit o tinakot na nito na mapapirma ang dalaga sa well and testament ni Bernard para nailipat na nito sa pangalan ang lahat ng ari-ariang iniwan ng Papa ni Ysolde. Paano pa nito iyon gagawin gayo’ng wala na ang dalaga? Saan ulit nito hahanapin si Ysolde? Panigurado si Zakh na mas pakaiingatan na ni Hideo ang dalaga.
“Damn it!” muling pagmumura ni Zakh pagkuwa’y binalingan ulit ang natirang mga tauhan. “Do something Morgon. Hanapin n’yo ulit si Ysolde. At huwag na huwag kayong babalik hanggat hindi n’yo siya nadadala sa harapan ko.”
“Pero boss—”
“Lintik! Ayokong makarinig ng kahit anong salita. Lumayas kayo at hanapin ninyo si Ysolde kun’di ako ang papatay sa inyo.” Sigaw nitong muli.
Nagkatinginan na lamang ang limang kalalakihan.
“Opo boss.” Sabi ng isang lalaki. “Tara na.” Kaagad itong naglakad palabas ng gusaling iyon habang kasunod nito ang apat na lalaki.
“Kung bakit kasi hindi na lang niya ginawa ang plano niya. Pinatagal-tagal pa! Ayon tuloy at nabulilyaso siya,” bulong na sabi ng isang lalaki habang napapailing pa ito.
“Kaya nga! Mabuti sana kung malaki ang sinasahod niya sa atin.” Pagsang-ayon naman ng isa pang lalaki.
“Ayoko na! Kakalas na ako sa kaniya. Bahala siyang hanapin niya ng mag-isa si Ma’am Ysolde. Hindi na ako babalik dito,” sabi naman ng isa pang lalaki.
“Sasama na ako sa ’yo pare.” Ang isa pang lalaki.
Huminto naman sa paglalakad ang lalaking tinawag kanina ni Zakh na Morgon. Tiningnan nito ang mga kasama. “Kung kakalas na kayo kay Boss Zakh, umalis na kayo. Hindi ko kayo pipigilan.” Anito.
“Paano ka pare?”
“Hindi ako kakalas sa kaniya. Ngayon ako mas kailangan ni boss. Wala na siyang tauhan na mauutusan.”
Ngumiti naman ng nakakaloko ang isang lalaki. “Iyon ba talaga ang dahilan mo Morgon? O baka naman hinihintay mo lang na mamatay si boss para masolo mo si Shiloh?”
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...