CHAPTER 25

971 24 3
                                    

SA ITAAS ng isang building lumapag ang helicopter na sinakyan namin ni Hideo. Ito rin ang rooftop na binabaan namin no’ng nakaraan.

Kagaya kanina, inalalayan ako ni Hideo na makababa sa sasakyan at magkahawak kamay kaming pumasok sa pinto ng rooftop. Hanggang sa makarating kami sa isang fine dinning Restaurant na narito sa loob ng gusaling ito. I’m not sure if Hideo own this place. Karamihan kasi ng mga empleyado na nakakasalubong namin simula kanina ay panay ang bati sa kaniya. Although he didn’t bother to speak para sumagot sa mga ito, tumatango naman siya.

“Good evening, Signore! This way please!”

Anang isang lalaki na sumalubong sa amin sa entrance ng kainan na ito. Maybe he was the manager.

Hindi ganoon karami ang tao at mabibilang lamang kung iilang lamesa ang okupado. Dinala kami ng lalaki sa isang lamesa na nasa gitna ng kainan.

“Your food will be serve any minutes, Signore Hideo.” Sabi pa ng lalaki.

“Thank you!”

Binitawan ni Hideo ang kamay kong hawak-hawak niya pagkuwa’y naramdaman kong hinawakan naman niya ang likod ko. Pagkatapos ay ipinaghila niya ako ng upuan at inalalayan na umupo roon.

Lihim akong nagpakawala nang malalim na paghinga. Hanggang ngayon kasi ay labis pa rin ang kilig na nararamdaman ng puso ko. Ang mga paru-paro sa sikmura ko ay hindi pa rin humuhupa.

“T-thank you!” tipid pa akong ngumiti sa kaniya nang umupo na rin siya sa tapat ko.

Simula kanina, napapadalas na ang pagngiti niya sa akin. At aaminin ko, mas lalo siyang nagiging guwapo sa paningin ko ngayon dahil sa ngiti niyang iyon. Mas lalo akong kinikilig sa kaniya.

“Why are you staring at me like that?”

“Um,” sabi ko at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya. Saglit akong yumuko at muling humugot ng paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Nang mag-angat ako ng mukha ko, he was still looking at me. Ngumiti ako sa kaniya. “N-nothing. N-naninibago lang ako ngayon.”

“Why?” tanong niya. “Because of my actions? Because of my smile?”

“Yeah!” diretso ngunit tipid na sagot ko sa kaniya. There is no reason for me to deny that to him. “N-nakakapanibago lang. I mean—”

“Don’t you like it?” mabilis na tanong niya sa akin.

“No!” umiling pa ako. “I mean, I like it...” napalunok ako ng laway ko at muling nag-iwas ng tingin sa kaniya. Grabe naman kasi kung makatitig ang Hideo na ito. Pakiramdam ko, nag-iinit ang buong mukha ko dahil sa mga titig niya sa akin. Nakakailang na ewan. Gustohin ko mang makipagtitigan sa kaniya, pero hindi ko magawa. Wala akong lakas na gawin ’yon sa kaniya.

Mayamaya ay nagulat na lamang ako nang tumayo siya sa puwesto niya. Hinila niya ang upuan palapit sa puwesto ko pagkatapos ay umupo siya.

“H-hideo?”

“I want you close to me.”

Ilang saglit akong napatitig sa mga mata niya. Paulit-ulit na naririnig ko sa utak ko ang sinabi niya. I want you close to me. Jesus! Gusto ata talaga ni Hideo na mabaliw ako dahil sa kaniya!

Bubuka na sana ang bibig ko para magsalita, pero dumating naman ang dalawang waiter at in-serve sa lamesa namin ang pagkain. Wala na akong nagawa kun’di ang tipid na ngumiti na lamang sa kaniya.

***

ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaki sa ere habang nakaupo ito sa madilim na parte ng Restaurant. Mayamaya ay sumenyas ang isang kamay nito upang palapitin dito ang isang tauhan nitong nakatayo naman isang dipa ang layo mula sa puwesto nito.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon