DAHAN-DAHAN kong hinawakan ang doorknob ng opisina ni Papa. Nang mabuksan ko iyon ay sinilip ko muna kung naroon siya sa loob. Nakita ko naman itong nakaupo sa tapat ng lamesa nito kaya nakangiting itinulak ko na nang tuluyan ang pinto at pumasok doon.
“Hi Pa!” Masigla at nakangiting bati ko kay Papa.
Nag-angat ito ng mukha upang tingnan ako.
“Oh! Yes, honey? What are you doing here?” nagtatakang tanong nito sa akin.
Naglakad ako palapit sa puwesto nito at humalik sa pisngi nito bago ako umupo sa visitor’s chair na nasa gilid ng lamesa.
“Um, Papa...”
Nakatingin lamang sa akin si Papa nang seryoso. Alam kong hindi nito nagustohan ang pagpunta ko rito ngayon sa opisina nito.
“Puwede po ba akong magpaalam sa inyo?” tanong ko.
Kita ko naman ang biglang pangungunot ng noo nito. “Why, where are you going?”
“Can I sleep over at Shiloh’s house?”
Yeah! I’m already twenty seven years old, pero kailangan ko pa ring magpaalam sa Papa ko kapag aalis ako ng bahay kahit kaibigan ko naman ang kasama ko. Well, masiyado lang over protective sa akin si Papa. Ayaw lamang nito na may masamang mangyari ulit sa akin just like five years ago. Because of an accident that happened to me and mama then... dahilan ng pagkawala nito sa buhay namin noon, masiyado na naging oa at over protective sa akin si papa. Dahil na rin sa may nagtangka sa buhay ko nitong mga nakaraang araw kaya mas lalo ito naging mahigpit at maingat pagdating sa akin. At hindi ko naman sinusuway ang mga gusto nitong mangyari—maliban na lamang sa isang ito. Kung bakit nagpapaalam ako na mag-sleep over ako sa bahay ng bestfriend kong si Shiloh.
“Why?”
I gently let out a sigh. “E, gusto ko lang pong maka-bonding si Shiloh. We haven’t seen each other for a few weeks na po kasi,” sabi ko.
Papa sighed too and leaned back in his chair. Alright! I think I know what he will tell me next.
“Honey, alam mo kung gaano kita pinakaiingatan—”
Laglag ang mga balikat na napatungo na lamang ako. Yeah right! Sabi ko na nga ba, e!
“Look baby...”
“I know, Pa.” Malungkot na saad ko para hindi na nito ituloy ang iba pa nitong gustong sabihin sa akin. Kabisado ko na kasi ’yon.
“Go on. Giuseppe is outside waiting for you. He will take you home.”
I sighed again then stood up in my seat. “Bye, Papa!” Saad ko at naglakad na rin palabas ng opisina nitp.
“Ms. Ysolde!”
Kaagad na lumapit sa akin si Giuseppe, pati ang apat na body guard ni Papa na laging nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. Nakakainis man na may mga lalaking nakaitim na polo shirt na panay ang sunod sa akin, but I can’t do anything about it. Hindi ko sila puwedeng itaboy. Kasi gaya nga sa sinabi ko... hindi ko sinusuway ang sinasabi ni Papa. He just wanted to protect me.
“I want to go home, Giuseppe,” malungkot na sabi ko at nagpatiuna nang naglakad sa pasilyo.
Nasa tabi ko si Giuseppe at nakaagapay ko ito sa paglalakad ko. Ang dalawang bodyguard naman ni Papa ay nasa unahan namin, samantalang ang dalawa pa ay nasa likuran namin.
“Sa ngayon ay wala kang ibang puwedeng gawin kun’di sundin ang gusto ng Papa mo,” sabi nito sa akin. “Kapag nahuli na ang taong nagtangka sa buhay mo... babalik din sa normal ang lahat.”
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romansa"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...