CHAPTER 37

820 31 4
                                    

NASA BALKUNAHE ulit ako at nakatanaw sa malayo. Kahit malamig na ang simoy ng pang-gabing hangin, hindi ko na lamang iyon pinansin. Naguguluhan pa rin ako. Ang dami ko pa ring iniisip na mga bagay tungkol sa mga napag-usapan namin ni Giuseppe kanina, maging ang tungkol sa pagkamatay ni papa. Ang sabi ni Giuseppe sa ’kin kanina... nakita raw nito si papa sa kotse nito na wala ng buhay. Ang sabi nito, inatake raw sa puso si papa. But I don’t want to believe him. Kasi, okay naman na siya. Ang huling beses na inatake siya sa sakit ng puso niya ay noong malaman niyang wala na si mama. Ayokong paniwalaan ang dahilan na iyon because I know healthy na ang papa ko. Simula nang atakihin siya sa puso niya five years ago, naging maingat at maalaga na siya sa katawan niya. I know and I’m sure na may pumatay lang sa papa ko. And I want to know who that person is. Kapag nalaman ko kung sino ang gumawa niyon sa papa ko, pagbabayarin ko siya.

I let out a deep sigh and I wiped the tears that streamed down my cheeks.

“Ysolde!”

Napalingon ako sa loob ng kuwarto nang marinig ko ang boses ni Hideo. Naglakad naman siya palapit sa ’kin. Tumikhim ako at inayos ang sarili ko.

“What are you still doing here? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?” tanong niya sa ’kin.

“Um,” I cleared my throat. “Hinihintay kasi kita.”

“Why?”

“May sasabihin sana ako sa ’yo, e!”

Saglit na nagsalubong ang mga kilay niya at tinitigan ako. Mayamaya ay inabot niya ang kamay ko at iginiya ako papunta sa upuang naroon sa gilid ng balcony. Magkatabi kaming umupo roon. Umangat ang isang kamay niya at masuyong pinunasan ang natirang luha sa pisngi ko. Inipit niya rin sa likod ng tainga ko ang hibla ng buhok ko.

“What is it?” malumanay ang boses niya.

“P-puwede ba akong...” tumigil ako sa pagsasalita ko at tinitigan ulit siya sa mga mata. Nag-aalalangan lang ako na baka hindi siya pumayag o hindi kaya ay magalit siya sa ’kin. Pero gusto ko talagang umuwi saglit sa bahay para mabisita si Manay Salve, para na rin makita ang puntod ni papa. “Puwede ba akong umuwi sa amin?” tanong ko sa kaniya.

At dahil nakatitig ako sa mukha at mga mata niya, kitang-kita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon niya. Ang malamlam na mga mata niya ay biglang naging seryoso. Nagtiim pa siya ng kaniyang mga bagang. Dahil doon, nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko. Mabilis akong tumungo at kinagat ang pang-ilalim na labi ko.

“I... I just want to go home kahit saglit lang. Gusto ko lang makita si Manay Salve, and...” suminghot ako nang hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Even though my vision was blurred because of the tears blocking my eyes, nag-angat ulit ako ng mukha and I looked at him again. “My dad was dead, Hideo.” Napaiyak na ako ng tuluyan. “Pinatay ang papa ko. G-gusto kong makita siya, k-kahit ang puntod niya lang gusto kong makita.” Hinawakan ko ang kamay niya at paulit-ulit iyong pinisil. I’m begging to him right now. “Please payagan mo sana akong makauwi sa bahay kahit saglit lang.”

Ang mga mata niyang kanina ay seryoso, ngayon ay muli na naman iyong nag-iba. Para bang may pag-aalala, pag-aalinlangan o takot doon na nababanaag ko. Why?

“Ysolde—”

“I just want to... to go home. Kahit saglit lang, Hideo. I, I promise babalik din ako. G-gusto ko lang bisitahin ang puntod ni papa.”

He let out a deep sigh. Kinabig niya ako at dinala sa kaniyang dibdib. Mahigpit akong yumakap sa kaniya nang ikulong niya ako sa mga bisig niya. Kahit papaano ay nakaramdam ulit ako ng kapanatagan dahil sa yakap niyang iyon. Oh, mabuti na lamang at nasa tabi ko ngayon si Hideo, dahil kung hindi... hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Lalo pa na nalaman kong wala na si papa.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon