Nurse Adrie

122 130 8
                                    

"Dapat pala hindi muna kami umuwi. Nagluto pala si Adrie." Sabi ni Gico na nakavideo call sa laptop, kakain pa lang din sila nina Paige at Sharine sa kani-kanilang bahay.

Si Rosena naman hindi makapagsalita habang tinitignan ang mga nakahandang pagkain sa lamesa. Mayroong Red Rice, Ceasar Salad, Chicken Kelaguen, Chicken Soup, Strawberry Iced Tea, Strawberry-coated biscuits, Honey Biscuits at Strawberry and Mango Salad. "Hoy Rosena, magdadasal na." Sabi ni Gico kay Rosena na nakatingin pa rin sa mga hinanda ni Adrie na pagkain. Pumikit naman siya at sumabay sa pagdadasal ng mga kaibigan.

"Adrie baka pwede makawala na ako dito." Sabi ni Rosena na nakabalot pa rin sa kumot. Nagulat naman si Rosena nang subuan siya ni Adrie ng sabaw.

"Ayieeee." Sabi ng tatlo nilang kaibigan habang kumakain sa kanya-kanya nilang bahay.

Wala nang nagawa si Rosena kundi hayaan na alagaan siya ni Adrie. Natutuwa din siya kasi ang ibang mga dalang pagkain ni Adrie, mga paborito niya kainin. Dito talaga niya nakita na may pakialam naman pala sa paligid niya itong si Adrie. Matapos nila kumain, nagpaalam na sila sa mga kaibigan na nakavideo call.

"Ros, saan nakalagay mga medicine mo?" Tanong ni Adrie kay Rosena na nakabalot pa rin sa kumot at kating-kati nang kumilos.

"Sa cabinet sa loob ng cabinet sa kaliwa sa kusina." Sagot ni Rosena.

Kahit "kusina" lang ang naintindihan ni Adrie, hinanap niya pa rin ang mga gamot ni Rosena at pinainom siya ng gamot sa lagnat at iba pang gamot na kailangan niya inumin. Niligpit niya rin lahat ng pinagkainan nila at saka nagwalis.

"Pumirmi ka nga, Adrie." Sabi ni Rosena kay Adrie na patapos na magwalis.

"What's pirmi? Wait lang I will just throw this outside."

Napailing na lang si Rosena. Ayaw man aminin sa sarili, nahihilo talaga siya at nakakatulong ang ginagawa ni Adrie, nangingibabaw kasi ang hiya dahil hindi naman siya sanay na inaalagaan siya o kahit may umaalalay lang.

Pagkabalik ni Adrie, binuhat siya nito papunta sa kwarto niya sa second floor. Napasandal na lang siya sa dibdib ni Adrie dahil inaantok na din siya gawa ng sleeping pill na ininom. Nilapag siya ni Adrie sa kama niya at umupo sa tabi niya.

"Ros, do you want to watch a film or how do you get to sleep ba?" Tanong ni Adrie.

"Nanonood ako ng horror" Sagot ni Rosena sabay ngiti. "Gustong-gusto ko na binabangungot ako e"

"Really?" Adrie asked.

"Oo nga. Ayun talaga ginagawa ko para antukin lalo." Sagot ni Rosena.

Ipinagbukas ni Adrie si Rosena ng TV at naglagay ng nakakatakot na palabas. Iniwan niya si Rosena sa kwarto para maghilamos muna at magpalit ng damit. Pagbalik niya sa kwarto, tulog na si Rosena at nakanganga pa.

Naupo siya ulit sa tabi ng natutulog na kaibigan at naglaro naman ng video games para makatulog din. Matapos maglaro, napatingin siya sa mukha ni Rosena na inosenteng tignan at hindi mukhang nakikipagmurahan kay Gico. Maya-maya naman, nakatulog na rin siya sa tabi ni Rosena.

Rosena's POV

Kinabukasan

TEKA, MAY NAKAYAKAP SA AKIN?!

Dumilat ako para tignan kung sino ang nilalang na nakayakap sa akin at nakita ko si Adrie na masarap ang tulog. Mukha siyang bata na may yakap na teddy bear.

Aww ang pogi ni Vallins.

"Adrie." Pagyugyog ko sa kanya para gisingin. "Adriiiiiiie"

"5 minutes" Nakapikit na sagot niya.

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon