Lion

82 71 18
                                    

Rosena's POV

Since 'family' weekend naman namin, kahit hindi ako kinakausap ni Adrie, pumunta ako sa kanila, nandun din kasi sina Adie at Roie. Walang ibang tao kundi sina Ate Maya kasi umalis si Mama Aline at Papa Drake, kaya umakyat na lang agad ako sa kwarto ni Adrie.

Sumalubong sa akin sina Adie at Roie, nakaupo naman si Adrie sa may desk niya. Napansin ko na sobrang daming papel sa desk ni Adrie tapos 'yung pictures naming dalawa na nakaframe, wala na.

"Good morning, Ads." Sambit ko.

"Morning, Ros" Sagot niya.

Ros na lang? Wala nang "beautiful"?

"Mamaya na natin asikasuhin sina Adie at Roie ha, may ginagawa pa ako. Pahinga ka muna diyan if you want." Sabi niya.

"Sige, gawin mo na 'yan, ako na magdadala kina Adie at Roie sa vet." Sabi ko.

"No." Sagot niya naman tapos niyakap ako nang mahigpit.

"Sus" Sabi ko.

"Galit ka?" Tanong niya.

"Hindi. E busy ka 'ka mo." Sagot ko.

"Kaya nga, tatapusin ko lang tasks ko. Then done na." Sabi niya tapos binitiwan ako.

"Sige na, gawin mo na 'yan." Sabi ko.

Kinuha ko 'yung laptop ko tapos nag-simula na akong gumawa ng malupitang presentation para sa thesis ko.

Patapos ko na sana 'yung presentation nang bigla naman may kumatok kaya tumayo ako para buksan 'yung pinto, kasi busy na busy si Adrie sa ginagawa niya.

"Yes, Ate Maya?" Tanong ko.

"Ay Madam, may mga tao sa baba. Hinahanap si Sir Adrie." Sagot naman ni Ate Maya.

"Sige po, Ate sabihin ko po sa kanya." Sabi ko.

"Sige po, salamat." Sabi ni Ate Maya tapos ngumiti siya.

Tinabihan ko naman si Adrie. "Ads, may mga tao daw sa baba." Sabi ko.

"Pakientertain naman muna, malapit ko na matapos 'to" Sabi niya.

"Nyek, 'di ko naman ata kilala 'yon." Sabi ko naman sa kanya.

"Kaya mo 'yan." Sabi niya.

"Sige na nga, bababa na ako." Sabi ko.

Bumaba ako tapos nakita ko ang officers ng FMPA kaya gusto ko na lang sana bumalik sa kwarto, kaso nakita ako ni Kuya Kenny.

"Hi Ros. Si Adrie?" Tanong ni Kuya Kenny.

"Hello po, nasa taas lang po, may ginagawa lang. Kain po muna kayo biscuit, or inom ng juice, tubig, water." Sagot ko.

Nag-tawanan sila.

"Guys, sabi sa inyo e, si Ros ay kay Adrie" Sabi ni Kuya Kenny sa mga officer.

Nag-decide ako na maki-ride na lang since inutusan din naman ako ni Adrie na i-entertain sila. Lumapit ako sa kanila tapos, naupo ako sa tabi ni Kuya Kenny.

"Hi Ros." Pagbati nila.

"Hello." Sagot ko.

Ayos, Sir Ian a, 'kala mo 'di ako pinag-initan kagabi e.

"So kaya pala super hard working 'yun. Inspired lagi." Sabi ni Pres Nina.

"Ay hindi po, kahit 'di ako dumating ganun talaga siya, masipag talaga 'yun." Sabi ko naman.

Maya-maya bumaba na si Adrie dala-dala 'yung mga papel. "Hello." Sabi niya.

"Hi" Sabi naman nila.

"Ros, akyat ka na dun." Bulong sa akin ni Adrie.

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon