Rosena Raketera

110 132 10
                                    

Rosena's POV

Pagkauwi ko, pinrepare ko na lahat ng orders, nagbihis, at 'saka nagsimulang magdeliver. Napansin ko na malapit lang ang isang idedeliver kaya nag-decide ako na ihuli na lang.

Nang papunta na ako sa huling pagdedeliveran ko, biglang umulan nang malakas na malakas kaya nainis na ako, kasi wala din akong dalang payong. Buti na lang secured ang order at hindi nabasa. Wala naman akong nagawa kaya inenjoy ko na lang ang ulan kahit pati underwear ko nababasa na.

Nang makarating ako sa address ng umorder, napansin ko na bahay ni Adrie ang napuntahan ko.

Aba nga naman. Akalain mo 'yon dito pa ako napunta talaga.

Nag-doorbell ako. Si Adrie ang nagbukas ng pinto at napatitig siya sa akin.

Shit! Dahil ba mukha akong basang sisiw? Dahil ba mukha akong tangang nagpaulan?

AY! BLACK NGA PALA ANG BRA KO AT NAKAPUTING SHIRT AKO!

Napatakip ako sa dibdib ko at 'saka ko lang napansin na nakakuha agad siya ng towel at robe.

"What are you doing? Bakit ka nagpaulan? Do you want to get sick? Pumasok ka nga dito" Ayun ang pinakamadaming tanong na narinig ko mula kay Adrie.

Sumunod na lang ako sa sinabi niya since nilalamig na rin talaga ako, tinanggap ko ang towel at robe na binigay niya. "S-salamat Adrie h-ha." Sabi ko. "B-by the way, may Maya ba na nakatira dito? Umorder kasi siya sa akin"

"Yes, that's one of our helpers, just put the package on the table by the door. And change your clothes upstairs. Use mine." Sabi niya na parang naaasar pa rin na nagpaulan ako.

Sorry a, napakainit naman kasi kanina, hindi ko naman alam na uulan.

"Having that job, I assume that you know about the weather tracker app, you should have checked first." Dagdag pa niya.

Napatingin naman ako sa phone ko. Nakita ko sa weather tracker na oo nga, nakalagay nga na uulan.

Natulala na lang ako kasi hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko naman alam kung saan ang kwarto niya. Nagulat ako nung hinatak niya ako paakyat. Pagpasok namin ng kwarto niya, may isang parang entertainment room na I assume nando'n sina Gico dahil naririnig ko mga boses nila mula dun. Hiwalay pa dun ang tulugan niya. Inabot niya sa akin ang isang short at tshirt niya at pinagpalit ako ng damit sa CR niya.

Para sa lalaki, I would say na malinis ang kwarto at ang CR niya.

In all fairness. Malinis sa katawan at mabango. Ahi.

Nagulat naman ako nang may kumatok "Tara na" Sabi ni Adrie.

Pagkalabas ko ng banyo pinuntahan namin sina Gico.

"OOOOOOY ANONG GINAWA NIYO? BAKIT SUOT MO DAMIT NI ADRIE?" Bungad ni Gico.

"It's for us to know and for you to find out." Biro ni Adrie.

"Mga buset." Sabi ko naman sabay irap.

"Guys, si Rosena kung hindi niyo pa kilala" Sabi ni Paige sa iba pa naming kaklase.

"Si Maine, Zarra at Nicole" Pakilala niya sa tatlong babae na taga-school din.

"Hi" Sabi ko.

Napansin ko naman na masama tingin sa akin nung Nicole kaya napagdesisyunan ko na kay Gico na lang tumabi habang tinutuloy ang horror movie na pinapanuod nila.

"Oooy, takot" Pangangantyaw ni Gico.

"Hindi ako takot 'no!" Sagot ko naman.

Nasa gitna ako nina Adrie at Gico. Napansin ko naman na habang tumatagal napapasandal sa akin si Adrie.

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon