Rosena's POV
"Ikaw 'yong mahal ko Ros, hindi si Rica" Sabi ni Adrie.
"Pero sa iyo pala ang baby at hindi kay Gico, kailangan ka nung bata, Adrie." Sabi ko naman kay Adrie.
"Please, Ros, give me a chance, I'd give the baby all his needs, but please Ros, ikaw ang gusto ko makasama" Niyakap ako ni Adrie habang umiiyak.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. "Mali 'to Adrie, panindigan mo si Rica. Hindi pwedeng makita ng anak mo na ganyan ang magulang niya, magkahiwalay. Please, para sa anak mo layuan mo na ako." Sabi ko.
Nakita ko si Rica na naglalakad sa isle ng simbahan papunta sa altar kung saan nag-aabang si Adrie at ang magulang niya, bumeso si Rica kina Tita Aline at Tito Drake. Nakatingin naman sa akin si Adrie all the while na naglalakad si Rica at umiiyak.
"You may kiss the bride" Sabi nung Pari.
Hahalikan ni Adrie si Rica pero sa akin pa rin siya nakatingin.
Pagkagising ko napatingin ako sa paligid at sa orasan.Shet! Late na ako nagising.
Nagmadali na akong maligo at magbihis.
Naku first subject pa naman si Ma'am Dimples.
Pagkarating ko sa classroom, lahat nakatingin sa akin.
"Ms. D'rio, you're late." Sabi ni Ma'am Dimples.
"Opo" Sagot ko naman.
"Anong opo?" Tanong ni Ma'am Dimples, natawa naman lahat ng kaklase ko.
"I mean, sorry po." Sabi ko.
"Anong sorry?" Tanong ni Ma'am Dimples "Officer ka, dapat hindi ka nalelate."
Napayuko na lang ako dahil sa sinabi ni Ma'am.
"Anyway, class, sino sa groups ang may pinakamataas na sales ng ticket?" Tanong ni Ma'am Dimples.
"Sa amin po Ma'am." Sabi ni Adrie. "Si Ros po halos nagbenta ng lahat ng tickets."
"Very good then." Sabi ni Ma'am Dimples.
Pagkatapos ng first set of subjects namin, pumunta kami ni Adrie sa park ng school para kumain. Nag-usap kami habang kumakain.
Adrie's POV
"So, nagawa mo na 'yong assignment?" I asked her.
"Hoooyyy wala namang assignment ha." She answered.
"Alam ko, tinitesting lang naman kita." I replied.
"Sus, gusto mo lang tanungin kung may assignment eh. Ayan, laro pa more." She teased.
"Hey nakikinig naman ako, ang boring lang kasi talaga." I responded.
She smiled at me, "Okay lang 'yan tanggap ka pa din namin nina Gico kahit ganyan ka." She said then pat my back.
I laughed and shook my head.
I really can't win an argument with this girl.
"Adrie, wala ka talagang girlfriend?" She asked.
"Wala, bakit?" I replied.
"Bakit din?" She asked again.
"Ikaw, halika nga dito." I said then I got her inside one of my arms then rubbed my fist on her head.
"Halaaa! Uy Adrie, baka mag-apoy 'yong ulo ko." She said.
I laughed then let go of her. "Grabe fire agad?"

BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...