Rosena's POV
Hay salamat! Nakabalik na rin ako sa normal activities.
"Ros pakiabot naman ng Doublemint" Sabi ni Waldo.
Nagpapack kami ng lootbags para sa biggest event ng FMPA, ang nationwide seminar na Marketing and Advertising World. Nasa isang warehouse kami along Taft.
Inabutan ni Adrie si Waldo ng isang box ng Doublemint tapos tinignan ako nang masama.
Problema neto?
"Salamat Sir Adrie." Sabi ni Waldo.
Hindi ko pinansin si Adrie, nagtuloy lang ako sa pagpapack ng lootbags. Paunti nang paunti ang volunteers na nasa warehouse habang palalim nang palalim ang gabi. Maya-maya tumunog ang phone ko, si Mama BR tumatawag.
answers call
"Hi Ma." Sabi ko.
"Nasaan ka? Bakit ang ingay?" Tanong ni Mama BR.
"Nasa warehouse po dito sa Taft, nagpapack kami ng lootbags kasi may event kami na paparating." Paliwanag ko.
"Rosena ano ba naman 'yan? Bakit ka naman nagpapagod? Alam mo naman 'di ba na kakaopera lang sa'yo? Ang kulit mo rin talaga e 'no?" Cermon ni Mama BR.
"Ma, ngayon na nga lang po ako nakatulong ulit e." Sabi ko.
"Puñeta, diyan ka magaling talaga 'no? Sa pagpapahamak sa sarili mo?" Dagdag pa ni Mama BR.
"Ma. Kalma. Bukas na kasi 'tong event, kaya need ko na talaga tumulong." Sabi ko.
"Heh! Umuwi ka na gabing-gabi na. Taft pa naman 'yan madaming loko-loko diyan." Sabi ni Mama BR tapos binabaan niya na ako.
Naiyak naman ako nang bahagya, kasi ang tagal ko talagang hindi nakalabas at hindi nakatulong sa event namin sa FMPA.
"Uy bakit ka umiiyak?" Tanong ni Waldo.
"Napagalitan ako ng Mama ko." Sagot ko naman.
"Walds, tara na!" Sabi ni Ashley, volunteer.
"Sige, aalis na 'ko, ihahatid ko pa si Ashley. Tumahan ka na ha." Sabi ni Waldo tapos tinapik niya ang likod ko.
Nagtuloy ako mag-pack nung lootbags hanggang sa patigilin na kami nung mga officer.
"Bye Ros." Sabi ng mga co-trainees ko na sina Marielle, Aly, Daniel, at Ben na sabay-sabay uuwi.
"Bye!" Sabi ko naman.
Pagkaalis nung mga officer, kami na lang ni Adrie ang natira, ni-lock na ni Adrie ang warehouse. Umiiyak-iyak pa akong naglakad papunta sa kabilang direksyon. Napatigil ako sa pag-iyak at nagulat ako nung hawakan ni Adrie ang kamay ko at itakbo ako patawid ng kalsada.
"Saan ka naman pupunta? Sabaw ka pa rin talaga." Sabi niya habang hawak pa rin ang kamay ko at hindi ako tinitignan.
Sumakay kami sa jeep papuntang Quiapo, hawak pa rin ni Adrie ang kamay ko. Hinatak-hatak ko naman nung napansin kong nakasakay namin sina Sir James at Sir James, parehong James ang pangalan nila, ang isa VP for Community Development, and isa VP for Marketing ng FMPA.
Hinawakan pa rin ni Adrie ang kamay ko kahit na tinanggal ko na ang pagkakahawak niya kaya natulog na lang ako sa balikat niya.
Pagkagising ko, amoy na amoy ko na ang Quiapo, kahit hindi sabihin na nasa Quiapo kami, alam ko na. Nagpaalam kami sa dalawang Sir James tapos sumakay na sa jeep papunta sa Cubao.
Naiyak ulit ako nang maalala ko na pinagalitan ako ng Mama ko. Binigyan ako ni Adrie ng panyo.
"Huwag ka na nga mag-cry." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...