Luh

83 70 8
                                    

Adrie's POV

It's been a month since Ros woke up, she has been in physical therapy. Luckily, the coma did not have any major effects on her, and her body is adapting very well to her new heart. Her recovery is just in time for enrollment for the second semester, and of course, our birthdays.

"Ako na mag-eenroll kay Ros, anak, samahan mo na lang siya." Tita Briar Rose said as I pushed Ros on a wheeled chair going out of Kingdom Hospital.

"Ma, sa bank ko kayo kumuha ng pang-enroll ha, baka kailangan ni Boyd ng pera, kuha na lang rin kayo sa akin." Ros said.

Little did she know, I offered to use my savings for her enrollment this semester to help her recover financially, the student council also helped with her hospital bills, and Gico's family also used her rent payments to them to help with the bills. Knowing how Ros would want to give the money back, we decided not to tell her.

When we got to my house, I carried Ros to the living room.

Rosena's POV

Saktong birthday ni Adrie ako inilabas ng hospital, hindi man totoo lahat ng napanaginipan ko, or kung anuman 'yon, masaya ako kasi kasama ko pa rin si Adrie.

"Adrie, hayaan mo ako maglakad. Baka makalas ka." Sabi ko.

Tumawa siya tapos nilapag ako sa sofa at pinisil ang pisngi ko, "Hindi ikaw si Wonder Woman, okay? You need to recover."

"Fine. Kumusta pala si Galaxy?" Tanong ko kay Adrie.

"Nakalabas na, pupunta sila dito in a bit." Sabi ni Adrie habang hinahanda niya ang gamot at tubig ko. "Drink na your meds."

"Thank you, Adrie." Sabi ko naman.

Pagkarating nina Gico, Rica, Paige, Sharine, Kuya Andrin, Ate Michelle, Papa Drake, Mama Aline, Mama Briar Rose, Boyd, Tita Hae, Tito Viel, buong student council, sina Ma'am Santos, Sir JB, at Ma'am Dimples may mga dala silang pagkain, balloons, at mga regalo.

Hirap na hirap sina Gico at Rica na patahanin si baby Galaxy, kaya nag-offer ako na kunin muna. "Amin na Par, lapag mo dito."

Pagkalapag sa tabi ko kay Galaxy, bumeso sa akin sina Gico at Rica. Nanahimik si Galaxy pagkahawak ko sa kanya, parang magic na tumigil na lang siya bigla sa pag-iyak.

"Abaaa, parang alam mo na 'yan 'yong pinagtritripan mo habang nasa sinapupunan ka pa ng mommy ha." Sabi ni Gico habang pinipindot ang pisngi ni Galaxy, tumawa naman si Galaxy.

"Hi Ros, happy birthday" Sabi ni Van tapos inabutan ako ng isang pirasong pula na rose.

"Thank you." Sagot ko tapos kinuha ko ang rose at inilapag sa lamesa sa tabi ko.

Binalik ko na ulit ang atensyon ko kay Galaxy. Kuhang-kuha ni Galaxy ang mata ni Gico pati pisngi. Ang cute cute na bata lalo na at mapula ang mga pisngi at labi pati sobrang puti niya din. Parang natutunaw 'yong puso ko kada ngiti ni Galaxy.

"Kumusta ka anak?" Tanong ni Sir JB.

"Oo nga, namiss ka namin sa school." Sabi naman ni Ma'am Santos.

"Okay naman po, wala naman na pong masakit sa akin, kaya ko na po uli." Sagot ko.

"Roooos" Sabi nina Paige at Sharine pagkayakap sa akin. "Namiss ka namiiin."

"Hi Ros." Sabi naman nina Elle, Casey, Leanne, at Nica tapos kanya-kanya sila ng abot ng regalo.

"Hi Nay! Hi Tay! Cute ng baby ha." Sabi naman ni Shine.

Inasikaso ko si Galaxy habang nagkakainan lahat ng bisita, sinusubuan naman ako ni Adrie.

Dumating naman sina Eli, Elaine, at Eros.

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon