Rosena's POV
Sabi nila, kapag daw nasa bingit ka ng kamatayan, makikita mo ang buong buhay mong nangyayari sa harapan mo, simula pagkapanganak, hanggang sa pagtanda.
Pero bakit para sa akin iba?
Gico's POV
"Ros, wake up. Please." Sabi ni Adrie kay Rosena. Dumidilat-dilat si Ros pero parang hindi na talaga kaya ng katawan niya.
First time kong makasakay sa ambulansya, hindi pa sadya, nahatak lang ako nitong pinsan ko. Wala naman na akong magawa kundi titigan sila, ang mga nurse na ginagawa ang lahat, makahinga lang si Rosena, ang pinsan kong nagdadasal habang kinakausap si Ros. Masyadong mabilis ang pangyayari para sa akin. Lalo na at kanina lang tumatalon-talon ako sa music festival sa school, ngayon nandito ako pinapanood si Ros na mag-agaw buhay.
"Sir, please po, pakibitawan si patient para magamot na siya sa loob." Sabi nung nurse kay Adrie na hindi pa rin nabibitawan ang kamay ni Ros.
Hinawakan ko si Adrie at nang mapakawalan na niya si Ros. Dinala na nila si Ros sa loob ng Kingdom Hospital. Dinala ko naman si Adrie sa lobby, para makapagbigay ako ng impormasyon habang si Adrie ay tulala pa rin.
Adrie's POV
"Adrie. Sabi nung doctor kailangan na daw..." Gico said, but I'm still in shock so I can barely understand him.
"Huy!" He said as he shaked me "Ihaheart transplant na raw si Ros at severe na ang heart rhythm problem niya."
I had nothing to say but, "Yeah, okay."
"Tinawagan ko na rin kapatid niya para pumunta sila ng mama niya dito." Gico said. "Magiging okay lang si Ros, Adrie, ginagawa ng mga doctor lahat ng makakaya nila." He said as he pat my back.
Lord, I really am grateful for my life so grateful that I have nothing else to wish. Pero please, can Ros stay longer?
Rosena's POV
Nagising ako dahil sa sobrang liwanag na ilaw, pagkagising ko may dalawang bata na nakatingin sa akin, "Hi pretty mommy" Sabi nung isa.
"Beautiful daw si mommy sabi ni daddy hindi pretty." Sabi naman nung isa.
"Pareho lang 'yon! Tanong mo pa kay Kuya Galaxy!" Sabi ulit nung isa.
"Mommy ang ganda-ganda mo po today." Sabi nung isa.
Sino 'tong dalawang bata na ito? Bakit parang sobrang kamukha ni Adrie? Sino si Galaxy?
"Huwag niyo nga muna guluhin si mommy niyo." Sabi naman ni Adrie.
Ang gwapo-gwapo talaga ni Adrie, pero bakit parang tumanda siya?
"Hi, maganda kong asawa." Sabi niya sa akin. "Pasensya na sa kulit ni Aden at Ambrose ha."
"Asaw-asawa kita?" Tanong ko.
Natawa naman siya, "Oo ito oh ring natin." Pinakita niya sa akin 'yong singsing nakasuot sa daliri ko at singsing niya.
"Hindi 'to prank?" Tanong ko.
"Ito na po si baby Vallins" Sabi nung nurse na pumasok.
Huuuuh?
Adrie's POV
"Pwede po muna kayo umuwi at bumalik na lang later. Aabutin pa po ng around eight hours ang surgery ni Ma'am" The nurse told us.
"Go na kuya, magpahinga din muna kayo, ako na bahala dito." Boyd told me.
"Thank you ha." Gico said.
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomansaIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...