Gico's POV
Ako naman ang pumalit kay Adrie sa pagbabantay kay Rica, kahit nakakainis si Rica, madalas lang kami magdebate pero nagkakasundo kami.
"Umuwi na sina Mommy mo, Rica, matulog ka na kaya uli. Suggest ko lang." Sabi ko kay Rica.
"Hindi pa ako inaantok." Sagot niya, sabay hikab.
"Hindi ka nga inaantok. Okay, ako inaantok, good night." Pinatay ko ang ilaw, umupo sa tabi ng kama niya at yumuko sa tabi niya.
"Gico, open the lights, kundi bababa ako dito at ako magbubukas." Sabi niya.
Napabuntong hininga na lang ako. Binuksan ko ang ilaw at nakipagkwentuhan kay Rica. Nakinig kami ng mga kpop songs at sumasayaw-sayaw pa siya habang nakaupo. 'Di nagtagal, nalipat kami sa panonood ng mga kdrama na hilig din naming pareho. Nakatulog siya nang nakasandal sa akin. Tinignan ko siya.
Kapag tulog siya hindi siya mukhang demonyita. Malayo sa Rica na nanakit kay Rosena at baliw sa pinsan ko. Siguro nga tama ako na kaibigan ang kailangan niya at hindi si Adrie na kinababaliwan niya.
Kinabukasan
Pagkagising ko, nakayakap na sa akin si Rica at pinapalitan na ng nurse ang IV niya. Dumating naman ang Mommy at Daddy niya para bantayan siya ulit dito sa hospital. Nginitian nila ako. Dahan-dahan ko namang inangat ang braso ni Rica at pinalitan ang sarili ko ng unan para makawala ako sa yakap niya."Gico, umorder kami ng almusal, dito ka na mag-almusal." Sabi ni Tita Che. "Salamat sa pagpayag sa request ng anak ko hijo a. Hayaan mo bukas discharge na siya dito."
"Salamat sa tulong niyong magpinsan ha." Sabi naman ni Tito Rick.
"Wala po 'yon, maliit na bagay lang 'yon" Sagot ko.
Napakalaking bagay po 'yon, Tita at Tito. Napakalaking baliw po ng anak ninyo.Napagdesisyunan ko na samahan na si Rica hanggang sa ma-discharge siya kinabukasan. Nagpadala ako ng gamit sa ate ko, at 'saka naligo at nagpalit sa CR ng room ni Rica. Nang magising naman si Rica, itinuloy namin ang pinapanood namin na kdrama.
2 days later
Pagkalabas ni Rica ng hospital, palagi pa rin kaming nagkikita. Nando'n pa rin ang yamot at inis ko sa presensya niya pero medyo nagugustuhan ko na siyang kasama kahit papaano.Rica's POV
After recovery from overdose, I always hang out with Gico when he has extra time. Lagi siyang nandyan kahit na busy siya sa school works niya. Today, we are walking at the park to catch some fresh air.
"Gusto mo mag-milk tea?" Gico asked."Sure." I answered.
Nag-drive siya papunta sa isang cute na milk tea house.
"Ang ganda dito 'no?" He asked me while I'm looking around.
"Yeah." I replied.
"Pero mas maganda ka." He added. "Sapakin. Mas maganda ka sapakin" He said when he noticed that I was looking at him.
"Mas maganda kung oorder na tayo." I replied. "What do they have here ba?"
"Umm. Baka milk tea." He responded.
I just looked at him with squinted eyes.
We ordered then sat down. "Did you know that before he hated me, Adrie told me a lot about you." I said out of nowhere.
Gico let out a sigh, "Adrie na naman"
"I actually found you interesting." Pagtutuloy ko sa sinasabi ko.
He slightly laughed "Continue"Gico's POV
Ano kayang sinabi ni Adrie?
"You're his favorite cousin daw, mahilig ka daw sa korean music, drama etc. and you're also a gamer. We have a lot alike nga daw. Kaya lang, kapag nakakasama niyo ako, lagi kayong busy sa content kaya hindi kita nakakausap." Sagot niya.
Buti naman at maayos ang sinabi ng non ni Adrie, baka dagukan ko siya.
"Alam mo 'yong bagong drama ngayon? 'yong Revolutionary Love?" Tanong ko para maiba ang topic kasi alam kong papunta na naman kay Adrie.
"Ay oo, anong episode ka na?" Tanong niya.
"Episode 9 na 'ko." Sagot ko.
"OMG! Sabay pala tayo nanood? Tuloy natin sa bahay?" Tanong niya. Mukhang excited na excited siya.
"Sige, take out nalang natin 'yong mga food." Sagot ko nang nakangiti.
Pagkapabalot namin ng mga pagkain, bumyahe na kami agad papunta sa bahay nila.
Pagkapasok namin sa bahay nila nanonood yung mama niya sa sala.
"Hi Tita! Nagbabalik po ang ampon ninyo." Pagbati ko kay Tita Che
"Hello." Pagbati ni Tita Che sa akin na medyo may pagtawa. "May Pansit sa dining table kung gusto niyo mag-merienda ha."
"Sige po Tita, salamat po" Sabi ko naman."Tara dun tayo sa kwarto ko." Pagyaya ni Rica.
Sumunod ako papunta sa kwarto ni Rica. Panay kulay pink na mga gamit merch ng mga KPop group at KDrama. Tapos nakakulambo pa 'yong kama niya at may sarili pa siyang maliit na aircon. Palagi kasi kaming sa sala naghahangout. First time ko sa kwarto niya.
N aupo kami nang magkatabi sa harap nung laptop table niya tapos nagsimula nang manood ng Kdrama. Maya-maya sumandal siya sa akin,hindi niya nga lang maabot yung balikat ko kasi matangkad ako pero nakasandal siya.Bigla naman bumilis 'yong tibok ng puso ko at napatingin ako sa kanya.
May kuryente ba 'tong babae na 'to?
"Ang saya pag ganito 'no?" Sabi ni Rica habang nakasandal sa akin at nakatingin sa laptop niya.
"Ha? Alin?" Tanong ko dahil sa pagkagulat.
"'yong manonood ka lang ng kdrama na parang walang iniisip." Sagot niya naman.
"Ah. Oo." Sabi ko.
Ngumiti lang siya tapos hinawakan 'yong braso ko.
Pagkatapos namin manood ng tatlong episode, nagdesisyon na akong uuwi na ako kasi may pasok pa kami bukas at marami pa rin akong gagawin. Baka mapikon na naman sa akin si Rosena kapag wala ako."So, paano, bye na?" Tanong ko habang nakatayo na sa may pinto ng bahay nina Rica.
"Oo, malamang, nandyan ka na nga sa labas e." Sagot niya tapos nginitian niya ako.
"Uy!" Sigaw niya sa akin sabay kurot sa tagiliran ko "Umaambon na nakatulala ka pa diyan."
"Ay sige bye." Sabi ko tapos tumakbo na 'ko papunta sa sasakyan ko.
"Ingat ka ha." Sabi niya.
"Ikaw din." Sagot ko tapos sumakay na ako.
Pagkatingin ko sa kanya, nakangiti lang siya.
Rica's POV
After Gico left, me and Ate Queenie ended up playing Dare or Consequence. It is my turn and pinili ko to do a dare, to call one of the cousins, Gico and Adrie, at isa lang yung pwede ko piliin, and if 'di sumagot, ang consequence ay I have to buy my sister any food that she want.
Kahit na sobrang daming naitulong ni Gico at lagi siyang nandyan, I ended up choosing Adrie, kasi namimiss ko na siya. At gusto ko pa rin siya. It just rang and rang until it's done.
"'Di sumagot, paano ba yan?" Tanong ni Ate Queenie na nakakaasar
"Okay fine, you'll get your food bukas." I answered.
"Bakit kasi hindi si Gico yung pinili mo tawagan? E siya 'yong one call away mo. Siya 'yong final medicine mo." She asked again.
"IDK I chose randomly." I answered then I rolled my eyes while texting Adrie, asking him why he did not answer.
"Sus, liar. Si Adrie kasi 'yong gusto mo. Kumbaga sa gamot, siya ang branded, si Gico ang generic. Gi-neri-co." My sister teased. "'Di ka naman gusto."
ARAY.
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...