Rosena's POV
"Adrie, pwede bang huwag mo ako masyadong hawakan? Nanonood si Rica oh" Bulong ko kay Adrie na nakahawak sa bewang ko.
"Mag-asawa 'yong role natin, right?" Pang-aasar niya naman.
Siniko ko siya. "Aray."
"Huy, wala sa script 'yon." Sabi ni Elle na nagdidirect sa amin. "Sweet moments sabi, hindi bugbugan, tsaka bakit parang naiilang kayo?"
"See? I told you, mag-asawa tayo." Bulong ni Adrie
Nagkunwari kami ni Adrie na sweet, lambingan dito, lambingan do'n. Si Rica naman kitang-kita ko na 'yong pagkapikon sa mukha kaya lumalayo-layo ako kay Adrie.
"Okay na, 'yong Scene 2 naman." Sabi ni Elle.
"Musta ang a-" Sasabihin ko na sana ang first line ko nang tawagin ni Rica si Adrie.
"Adrieee"
"Just a sec." Sabi ni Adrie tapos umakyat na siya papunta sa guest room kung nasaan si Rica.
"Adrieee" Paggaya ko kay Rica.
Natawa naman sina Elle, Casey, Leanne, Shine, at Ate Maya sa paggaya ko kay Rica.
"Hindi ka nagseselos Ros?" Tanong ni Casey.
"Hindi naman." Sagot ko. "Bakit naman ako magseselos?"Tanong ko.
"Magjowa kayo ni Adrie 'di ba?" Sagot naman ni Elle.
Ay, oo nga pala.
"Oo. GF ng pinsan niya si Rica." Sabi ko naman "Inaalagaan niya kasi buntis."
Pagkabalik ni Adrie, tinuloy namin ang taping, nakakailang take kami dahil sa kakatawa naming dalawa.
"Malapit na ang birthday ni Derla. HAHAHAHA wait lang. Bakit kasi Derla?" Sabi ko. "Derla you eat na."
"Dali na Rosena, kaunti na lang e." Sabi ni Leanne na nasakit na ang tiyan katatawa.
Nagpatuloy kami sa pagtetaping, buti na lang at nakatulog na si Rica kaya wala nang mang-iistorbo.
"Hon, alam mo ba Top 1 si Derla sa school." Sabi ko habang hinahagod-hagod ang braso ni Adrie. "Tapos nanalo pa siya sa Quiz Bee. Very good and anak natin."
Sinunod naman ni Adrie masyado ang nasa script na absent-minded siya, ako, hindi ako sumusunod sa script hinampas ko siya ng unan para mas genuine 'yong resulta ng scene. Kamot ulo namang kinuha ni Adrie ang remote ng TV para kunwaring buksan.
Pagkatapos ng scene na 'yon, 'yong ibang scene naman ang ginawa nila. Ako, nagpapahinga lang dahil hindi naman ako kasali do'n sa scene. "Didn't I tell you to get out of his life?" Tanong ni Rica na hindi ko alam kung saan nanggaling. Nagulat ako.
"Ano ba Rica, nakakagulat ka naman." Sabi ko. "I am getting out of his life, it just so happened na magkaklase kami. Calm down."
Sinampal at sinabunutan ako ni Rica, "Tigilan mo si Adrie."
"Rica, stop it." Kalmado kong sabi "Mas malalayo sa iyo si Adrie kapag nakita niyang sinasaktan mo ako."
"Fine." Sabi niya tapos binitiwan ako. "But after ng semester na ito, lalayuan mo na si Adrie."
"Okay. Chill." Sabi ko naman. Pumasok na siya sa guest room ulit pagkatapos nun.
"Ros, 'yong next scene na", sabi sa akin ni Casey.
"O, ang aga mo ata gumising." Sabi ko kay Adrie na naghahanda ng almusal.
"Pinagluto kita ng umaga" Sabi ni Adrie.
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...