Prologue

317 138 78
                                    

   Rosena D'rio, 5'0, 21 years old, curly burgundy hair, fair skin, brown eyes, slightly tall nose, pinagpala sa hinaharap at nililikod at ayaw NA MUNA ULIT magkaboyfriend hangga't 'di gumagraduate.

First time niyang pumasok sa school na nilipatan niya matapos magkaroon ng hindi kaaya-ayang pangyayari sa huli niyang school, kasalukuyan siyang irregular 3rd year Marketing Student, working, raketera, online seller, you name it, basta marangal na pagkakakitaan nando'n siya. Matupad niya kaya na 'di na siya magboboyfriend hangga't 'di siya grumagraduate, o dito sa Kingdom College niya makikilala ang love of her life?

Rosena's POV

Okay, ito na. Onti na lang gra-graduate na ako, this is it. 'Di na muna ako magpapauto sa pathetic na love na 'yan!

Pahamak 'yong lintik na love na 'yan! Whether it broke you or not, mapapahamak ka. Kaya sinusumpa ko ang LOVE na 'yan. Sakit lang 'yan, gusto ko 'pag nag-volunteer ako masaktan 'yong worth it na. 'yong gwapo na gano'n. Charot.

Isa lang ang alam ko, 'di ko mahahanap 'yon habang nag-aaral pa ako.

This is it, Kingdom College! Prepare for Ms. D'rio! The small girl with big dreams! Kingdom College lived up to its name, it really looks like a castle from the outside and has different buildings that resembles a village around a castle. Mala-Disneyland.

Sobrang tahimik kong ninanamnam ang bawat sulok ng school sa magandang umaga na ito nang may sumira...

"ARAY! Nananadya ka ba?" I madly asked this guy who just bumped into me. AT RAMDAM KONG ON PURPOSE 'YON! Nahulog lang ng dala ko at nagkalat sa sahig.

"Sorry miss, sorry talaga, SORRY," paulit-ulit niyang sabi habang pinupulot ang mga nahulog kong gamit.

Nang tumingala siya, nakangiti siya, naging guhit na lang ang mga mata niya, mukhang siopao 'yong mukha niya, 'yong siopao na dinrowingan ng mata, ilong, at bibig? Gano'n.

Inabot niya sa akin ang mga gamit ko. At! Kasama na do'n ang napkin ko na nakaipit sa panyo.

Ba't ba kasi 'yon nasama sa nahulog?!

"Hey." Tinapik niya ang balikat ko. Mabilis ko naman kinuha ang gamit ko sa kanya. "Er... Ms. Rosena. Look, ililibre na lang kita ng lunch para- makalibre ka..." Sinamaan ko siya ng tingin.

Ano daw?! At paano naman nalaman ng mokong na 'to ang pangalan ko?

"I mean- para makabawi ako." Tuloy niya at napakamot siya sa ulo. "Nakita ko pangalan mo sa gilid ng books mo. Gico nga pala, short for Angelico Artemisa." Pagpapakilala niya then akmang makikipagshake hands siya.

Angelico... Psh dimunyu.

Dahil 'di ako bastos, nakipagkamay ako. "Rosena D'rio. Ros na lang para maikli." Sagot ko.

Ngumiti naman siya. Ayan na naman nawala na naman 'yong mata, baka nasa Lost and Found.

"So deal? Kita tayo mamaya dito?" Sabi niya.

Tinignan ko siya habang nag-iisip ako.

"Hindi naman 'to date. Katunayan niyan may kilala ako, bagay na bagay kayo. And also, you look new and alone anyways, kaya sa amin ka nalang sumama." Sabi niya pa.

"O'siya, sige. Kita tayo dito mamaya." Sagot ko sabay talikod. "Bye!"

Tumalikod na din siya at nag-lakad palayo pero narinig ko siyang tumigil, "'Nga pala Ros!" Sigaw niyang umalingawngaw sa hallway at MADAMING tumingin. "Kung need mo ng Rest Room to change napkin, nasa 2nd floor ang best na mga rest room dito sa school!"

Wow Gico. Very open.

Inirapan ko siya. "Wow, thanks for saying that out loud Gico!" Sagot ko.

Nag-sign siya ng "You got it".

Nice, but may pagkaasshole. Nice asshole. Ay teka parang tunog bastos naman ata.

Umakyat naman ako sa 2nd floor at tama naman siya. Ang ganda ng rest room, pangmalakasan.

Mukhang magic mirror 'yong salamin, 'yong doors, pangmalakasan din ang bigat. I did my business and then went to my first class.

Adrie's POV

"Sino nga kasi ituro mo na! Parang 'di sabay lumaki pututoy natin kung makapagtago ka sa akin a!" Gico complained.

I sighed. He's being impatient after 30 minutes of waiting for the girl who I had a little crush on when I passed by the registrar two days ago. E paano? Nung nalaman niya na papasok na 'yong girl ngayong araw dahil kakaenroll lang, sinundo niya ako nang super aga.

I just shrugged.

"Excited lang ako, first time e. Did you get her name?" Gico asked.

I answered with a 'no' gesture.

"How about program?" He asked again. I just looked at him.

Name nga I didn't know tapos program pa?! Gico?!

And then there she is, I looked at her direction and Gico looked as well, as the beautiful girl enters the hallway, wandering and appreciating the view of our school. Her curly burgundy hair, I couldn't make a mistake, it's her.

"Sigurado ka ba na college 'yan? Baka SHS ha o baka minor pa 'yan yari tayo." Gico teased.

Napafacepalm ako, I was shocked when Gico stood up and bumped into the girl ON PURPOSE. Minsan napapaisip ako kung pareho talagang dugo 'yong dumadaloy sa aming dalawa.

Classroom

"So ayun nga! Rosena D'rio whole name niya. Up close may mga pekas siya sa mukha, mukha siyang foreigner. Ros ang nickname niya."

"Okay? And?" I asked.

"'Di ko nalaman kung ano program niya, nakabalot kasi ng yellow lahat ng books niya. PERO niyaya ko siya mag-lunch, so we'll know." Said Gico. "You owe me one, glasses." Sabi niya sabay pitik sa noo ko.

I shrugged, as usual.

"Hi, is this the room for Advertising?" Asked a girl who just opened the door.

It's her!

We stared at each other for a really long time, it was almost like we're thinking of the same thing.

tape rewinding sound

"Oo! Kaklase mo kami!" Gico HAD TO speak.

Ugh Gico! How many cups of coffee did you drink today?

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon