Pasi-nuyo

102 86 9
                                    

Rosena's POV

Pasinaya na! 3am pa lang, gising na ako. Naupo lang ako sa sala while drinking my daily dose of creamer, creamer lang kasi 'di ako nagkakape, habang nagtatahi ng costume nina Gico, Sharine, at Paige. To be honest, kung anu-ano na lang ginawa ko kasi na-rush, you know #collegecramminglife.

Sobrang naguguluhan pa nga 'yong utak ko. Paano, ready na akong mainis na lang kay Adrie sa pagiging water dispenser niya, hot tas cold, yes and no, in and out, up and down, you're wrong when it's right, it's black and it's white, we fight we make ou- ay kumakanta na ako.

Pero ayun nga, bigla na lang bumalik si Adrie sa normal at si Gico naman biglang tumatawa habang nakatingin sa phone.

Pero naiinis pa rin ako kay Adrie.

You can't just do that to me. Hindi ako bag sa package counter para iwan at balikan kung kailan mo lang gusto! Hmp! - Pero baka nga kasi nag-aassume lang ako talaga at kasalanan ko lahat ng 'to? Ah ewan!

7am, nag-roll call na ako. Literal na tinawagan ko silang lahat.

Calling Paige...
answers

"Good Morning Pay-giiiiii. Prepare na punta na tayo school." pagbati ko.

"Sigi sigi, almusal lang ako kain ka na din hihi." Sagot ni Paige sa sobrang energetic niyang boses.

"Sige. Byeee."

ends call

Calling Sharine...

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later. The number you have dialed is ei...."

ends call

Baka kakagaling lang sa work at lowbatt.

Calling Gico...
answers

"Good morning Gico! Prepare n..." Pagbati ko na pinutol niya naman agad.

"Natawagan mo na si Ad?" Tanong niya sa inaantok pa na boses.

"'Di pa." Sagot ko.

"Siya muna" Sabi niya na humihikab-hikab pa.

"Oy Gi..." Sasabihin ko sana na bumangon na siya nang bigla niyang binaba.

hangs up

Bastos ka, Gico. Hays tatawagan ko pa ba si Adrie? Malamang gising na 'yon. Pero sige na nga.

Calling Adrie...
answers

"Adrie. Good Morning." Pagbati ko. 'Di kasi talaga ako mapakali 'pag di ako bumabati.

"Mmmorning." Sagot niya sa bagong gising niya na boses.

Akala ko pa naman gising na siya. Nakakadisappoint.

"Prepare na. 9am 'yong event."

* yawns * " Sige." Sagot niya.

May pahikab si Mayor.

"Byeeee"

hangs up

Calling Gico...
answers

"Oh ayan, natawagan ko na si Adrie, baka naman pwede na bumangon ka na diyan."Pambungad ko.

"Ano sabi?" Tanong niya.

"Sige daw." Sagot ko.

"Ayieee. Ayaw mo i-consider?" Pang-aasar niya.

Hay nako, bully.

"Tse. 엿 먹어. Bumangon ka na." I responded sa maagang pang-aasar niya.

"HAHAHAHA asar siya oh. Sige na maliligo na 'ko. Ikaw maligo ka ah." Pang-aasar ulit ni Gico.

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon