In the beningging

165 134 53
                                    

Rosena's POV

Pagkapasok ko sa room, tinanong ko kung 'yon 'yong room para sa subject na Advertising. This guy caught my attention, he was wearing the complete school uniform, maputi siya, kulot ang buhok, pogi siya pero mukha siyang medyo malambot, nakasuot siya ng napakakapal na glasses.

Pero 'di ako nakatitig sa kanya dahil pogi siya. Nakatitig ako sa kanya dahil nakatitig siya sa akin. 'Di ako papatalo!

Pero teka...Habang tumatagal, papogi siya nang- AY ROSENA SNAP OUT OF IT!

Luckily nagsalita 'yong madaldal na nakasalubong ko kanina. 'Di pala nakasalubong. BUMUNGGO!

"Oo! Kaklase mo kami!" He welcomed me na parang nagtratrabaho siya sa Jollibee. Bagay siya do'n, kamukha niya e.

"Dito ka oh, sa tabi namin." Turo niya naman sa upuan sa gitna nila ni pretty boy.

Sinara ko ang pinto sa likod ko, nang 'di ko naman sinasadya na may mauntog sa pinto, at bahagyang napatumba pa siya, "Aray kuuu! Huhuhu!" Sabi ng isang babae na matinis ang boses.

Parang animé ang boses niya. Hinarap ko naman siya, "Naku, sorry! Sorry talaga! 'Di ko alam na nandyan ka, sorry!" Natulala naman sa akin 'yong babae, chubby, morena, maganda ang mga mata niya, very bright, mukha talaga siyang animé na binuhay, 'yong maliliit na chubby na bata. Sa tantsa ko 4'8 siya.

"Bagong classmate natin 'yan." Patawa-tawang sabi ni Gico.

"Eh bakit kamukha ni Kuya Ad?" She asked then pointed at me.

"Hello, Babe? Ah oo nga, nasa school na ako. Oo papasok na sa room bumili lang ako ng inumin namin ni Paige..." 'Rinig ko naman sa isang babae na paparating.

Bakit pay-gi naman ang pronounciation niya sa Paige ba 'yon?

Tinulungan ko naman tumayo ang natumbang girl. Patayo na sana si girl nang dumating 'yong nagsasalitang babae, 'di siya tumitingin sa dinadaanan niya kaya nadapa naman siya dahil kay girl at napaliguan kaming lahat ng iniinom niya na chocolate drink. "AY! PUKI MO!"

Bakit naman ngayon paaa?! Meron ako e!

Tumawa naman silang dalawa nung chubby girl sa 'di ko malaman na dahilan. "Bispren sorry. Punta nalang tayo sa uniform loaning station." Patawa-tawa niyang sabi kay Girl.

"Ikaw din ate sama ka sa amin." Sabi naman ni girl.

Hingang malalim, pigilan ang hormones.

Nakangiti naman akong sumama sa kanila.

Uniform Loaning Station

Students ang namamahala sa station na ito, mukhang project ng student council. Sa kasamaang palad, dalawang uniform na lang na saktong-sakto sa dalawa kong kasama ang natira. Pero may mga costume naman daw sa drama club room na pwede ko suotin.

Good news ba 'yon o bad news?

"'Uy ano pala name mo?" Sabi nung chubby girl. "'Di ko natanong ih, dumami 'yong kaganapan."

Ngumiti naman ako sa kacutan niya. "Rosena D'rio. Short nalang for Ros."

"Ha? Short?" Tanong niya.

"Ros nalang for short, I mean" Sagot ko.

Napahagikgik naman siya. Nalulutang na kasi ako. Gusto ko na lang umuwi since may red tide na nga ako, natapunan pa ako ng chocolate drink.

"Ako si Paige Carenina ito naman si Sharine Jacob." Sabi niya sa akin, sabay turo sa katabi niya habang naglalakad kami papuntang drama club room.

"Nice to meet you. If you don't mind, Pay-gi talaga?" I asked.

"Do'n ako nasanay ih." Sagot niya.

Pansamantala kaming nanahimik.

Pareho sila ng height nung Sharine, kaibahan lang payat naman si Sharine at naka-bright red na lipstick, 'yong Pay-gi kasi, walang make-up pero cute naman siya. Medyo matured na tignan si Sharine.

"Alam mo ang ganda mo, bagay kayo ni Kuya Adrie, 'yong nakaglasses kanina." Sabi ni Paige nang pagbuksan niya 'ko ng pinto ng drama club room. Kasalukuyan na may practice ng play.

Mukhang dress rehearsal pa nila, mukhang pauuwiin ako ah wala ako mahihiram na damit, yehey!

Lumapit naman agad sa amin ang isang lalaki, matangkad, kalbo, payat, maitim at manyak kung tumingin. "Anong maipaglilingkod ko, tres marias?" Tanong niya.

"Hiram lang sana kami ng damit Kuya Van. Nabasa kasi si Rosena." Sabi ni Paige sabay turo sa akin.

Tumingin si Van sa akin. Simula ulo hanggang paa.

Kadiri naman tumingin 'to.

"Naalala niyo ba 'yong play na about sa overseas worker?" Sabi ni Van "'yong mga pang-Bella na lang ang natira diyan, pinadry clean ang mga costume."

Bella? Teka? Parang familiar.

"Pwede na 'yon! Sexy naman si Ros! Halika Ros sa backstage!" Marahan naman akong hinatak ni Paige, dinaanan lang namin si Van na malagkit pa rin ang tingin sa akin.

Backstage

"Huy wala ba mas mahaba dito?" Tanong ko kay Paige nang makita 'yong inabot niyang damit.

"Piru hanggang sahig na 'yong nandito ih" Sabi naman ni Paige.

"Mas okay 'yan, masyadong sexy 'yong hawak ni Ros." Sabi naman ni Sharine.

Ampotek, sinasabi ko na nga ba eh! 'yong bella, grupo ng mga dancer na nagbebelly dance. Jusko.

Inabutan naman ako ni Paige ng mahabang flowy na chiffon skirt at ng top na de zipper sa likod na kulay mint green, sa kabaliwan niya pati head dress inabot, na syempre hindi ko sinuot. Nagpalit na ako sa CR.

Classroom ulit

'Di ko alam kung paano ako nakapaglakad sa buong school nang ganito ang suot, ang alam ko lang, in 5 hours uwian na, makakawala na din ako sa suot ko. Pagkabukas ni Paige ng pinto ng classroom, napatulala lahat, madami nang tao sa room at nandito na din ang prof.

"Naknampucha Princess Jasmine! Adrie! Tapunan din kita ng chocolate para ikaw si Aladdin." Pang-aasar ni Gico with his loud voice.

"Artemisa, don't be rude sa new student natin." Sabi naman ng prof. "Please sit girls"

Nag-walk of shame naman ako sa isle ng classroom papunta sa upuan ko na sa gitna ni Gico at ni Adrie.

Huhu bakit nakatingin pa din kayo? Ma'am bakit pati ikaw nakatingin?

Mabait naman 'yong dalawa, nilagay na 'yong bag ko sa desk ko.

Nagulat ako nang ilagay ni Adrie ang green na jacket niya sa likod ko at inayos ang buhok ko. Naramdaman kong namumula ang mga pisngi ko pero syempre 'di ako nagpahalata.

'Di man lang siya nagsasalita, Silent mode?

Actually, maayos itsura ko kasi napagtripan ako ayusan nung dalawa bago kami pumasok sa classroom. I was not expecting na ganun ka-head turner.

"Okay, nasaan na ba ako, ayun, in the beningging... ay in the beggining..." Nagtawanan naman ang lahat sa nasabi ni Ma'am.

This will be a long year!

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon