Pancit Canton

81 71 8
                                    

Rosena's POV

Isang linggo ko na hindi nakakasama si Adrie, kay Gico at Kuya Andrin lang ako nakakarinig ng balita tungkol sa kanya at kay Papa Drake. Okay naman na daw sila. Kalaro pa nga daw ni Kuya Andrin si Adrie habang ka-chat niya ako. Baka raw busy lang rin sa thesis.

So aakta na lang ba siya na hindi ako nag-eexist sa mundo? Ganun-ganun na lang 'yon?

"Ms. Ros..." Pagtawag sa akin ni Sir JB mula sa video call. Online class pa rin kasi ako hanggang bukas.

"Yes Sir?" Sagot ko.

Pagkatapos ng klase ko, dumating sina Gico, Paige at Sharine sa apartment ko.

Tulala pa rin ako kasi iniisip ko si Adrie.

"'Wag mo isipin 'yon, mahal ka non." Pang-aasar ni Gico.

"Talaga ba?" Tanong ko.

"Oo. Naguguluhan lang 'yon." Sabi naman ni Gico.

"Hindi, hindi ganun 'yon." Sabi ko naman.

"Ang ingay niyong dalawa, gumagawa kami ng thesis dito e." Sabi naman ni Sharine.

"Ay sorry ha. Tubig, gusto niyo?" Pang-aasar ko.

Nanahimik na nung silang tatlo na 'yong nakatitig sa kanya-kanyang cellphone at laptop at gumawa ng thesis. Kaya sinimulan ko na rin 'yong akin, kagrupo ko pa rin sina Shine at Nicole. Asar na nga ako sa pagiging complacent nila e, parang ako pa mahihiyang manghingi ng update 'ni hindi ako naipagluto ng pancit canton.

"Hoy Rosena, galit na galit sa keyboard?" Pang-aasar ni Gico.

"Hindi mo talaga kayang patapusin ang isang oras nang hindi ako inaasar 'no?" Sagot ko kay Gico.

"Dalawang oras na kaya." Sagot niya pa.

Binato ko na lang siya ng unan.

Adrie's POV

"So, Adrie, how are things between you and Ros?" Kuya Kenny asked as we're taking a break on doing our thesis.

"Can you ask an easier question?" I said.

"Bakit? Hiwalay kayo? Akala ko ba magpropropose ka na?" He asked again.

"There was never an us. There will never be an us." I answered.

"Sarah Geronimo? Maybe this time?" He teased.

I laughed a little, "Wala naman talagang kami. And I think it's better that way."

"Hmmm... Sinasabi mo lang 'yan." Kuya Kenny said.

When my thesis group mate, Kuya Kenny, went home I was left in the living room alone, no Ros that will run down the stairs to hug me, no Adie and Roie barking for my attention. There is a Kuya Andrin, though, that will ask the same question over and over until he's tired.

"Adrie, puntahan mo na ulit kaya si Ros?" Kuya Andrin said as he sat on the sofa while eating almonds.

"It's not her fault, you know that." He continued. "Hindi rin naman siya sinisisi ni dad."

"Let me finish my thesis first?" I answered.

"You're just making reasons for yourself, you're going to lose the lady." He teased then stood up to go to his room.

Maybe if it's easier for me this way, it would not hurt that much if I lose her. Or not. I don't know.

Rosena's POV

"Rosena, sunog 'yong hotdog mo ngayon." Pang-aasar ni Gico pagkakagat niya nung hotdog na niluto ko.

Natawa ako "Wala naman akong hotdog, ikaw hotdog mo sunog."

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon