Rosena's POV
Planning ngayon ng magaganap na Kingdom College, Lights On Music Festival. Ka-meeting namin si Ma'am Dimples at the moment. Nasa kabilang side ng lamesa si Adrie, katabi nina Elle, Casey, Leanne, at Shine. 'Di ko naman mapigilang mapansin na nagtatawanan sila dahil may pinakita si Adrie. Nag-chat sa akin si Elle.
opens chat
Karelle: Ros ang cute mo dito mukha kang espasol.
Me: Alin?
Karelle: (Picture na pinapakita ni Adrie 'yong pic ko na panay harina ako sa mukha.)
Me: 😾 Parang tanga 'yan si Vallins.
closes chat
"Care to share with everyone kung anong pinagtatawanan niyo?" Sabi ni Ma'am Dimples kina Adrie.
"Uhm, Ma'am may suggestion po ako." Pagdistract ko kay Ma'am, "What if duon po sa concert magbenta din tayo ng light sticks pati tubig? For extra income na rin po."
"Brilliant idea, Ms. D'rio. Kuha lang tayo permission sa admin." Sabi ni Ma'am Dimples. "If you have time, make ads with the Incredivlogs para ma-promote ang concert na gagawin."
"Yes Ma'am, will do that agad." Sabi ko kay Ma'am Dimples.
Pagkatapos ng meeting, lumabas na ako galing sa meeting room at naghanap ng kwek kwek dahil nagutom ako sa meeting. Humabol-habol naman si Adrie sa akin.
"Ros, wait." Sabi niya.
Wait mo 'to
"Hala, are you mad Hon?" Tanong niya.
Huwag mo ako dinadaan sa paHon Hon mo litsi ka.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa Kingdom Park. Nagsalita lang ako nung makahanap na ako ng kwek kwek. "Kuya, siyam na piraso po." Sabi ko.
Binigay naman sa akin nung tindero agad 'yong mainit na kwek kwek na nilagyan ko naman ng maanghang na sauce. Naupo ako sa isang bench. Sa sobrang inis ko kay Adrie at ayaw kong magsalita, sinubo ko agad 'yong kwek kwek. Napaso ang dila ko. Agad naman ako inabutan ni Adrie ng gulaman. Naalala ko naman 'yong pick-up line niya sa gulaman kaya nabulunan na rin ako. Para akong 'yong pusa na meme na nagchochoke.
Walangya, nakakahiya.
Pagkatapos ko mabulunan, tumawa si Adrie, "Galit ka pa?" Tanong niya.
"Oo! Hmp!" Sabi ko tapos tinalikuran ko siya.
"You want pa ba more quail egg waffles?" Tanong niya ulit.
Quail egg waffles?!
Nabulunan ako ulit, "Ahk-ahk-hindi, solve na ako." Sagot ko.
"Ano ka math problem?" Tanong niya pa ulit.
"Ano ka prof? Bakit ang dami mong tanong?" Sagot ko sa kanya.
"Sorry na, beautiful." Sabi niya tapos pinisil niya pisngi ko.
"OK." Sabi ko.
"Weh?" Sabi niya "Sorry na, ang cute mo kasi do'n sa picture."
"Talaga, kahit kamukha ko do'n 'yong sa The Conjuring?" Sabi ko naman.
Natawa na lang siya at inakbayan ako. "Ang pretty mo kaya."
Kinabukasan
Ngayon 'yong Business Plan Competition, kagrupo ko si Shine at Nica. Dinelegate ko na 'yong tasks since ako naman magluluto ng lahat ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...