Rosena's POV
Thank you, Lord kasi kahit na medyo rumupok na naman ako, hindi ako bumigay agad. Kung sumunod na naman pala ako sa nararamdaman ko, mauulit lang 'yong nangyari sa akin noon. Never again.
Pagkauwi ko, kumuha ako ng canvass at paint at nagsimulang magpinta habang nakikinig sa lesson about Social Engagement Management. "Hindi ako iiyak para sa taong 'yon. Hindi nga ako mabigyan ng label, tapos iiyakan ko? HMP!" Bulong ko sa hangin habang nagpepaint.
Pero tumulo ang mga luha ko nang maalala ko lahat, bakit kailangan niya pa ipakitang special ako kung hindi naman pala niya ako gusto? Bakit kailangan pa ipakita niya na ipinaglalaban niya ako, kung wala lang rin pala ako? O baka naman kasi assuming lang ako. Baka naman kasi wala lang.
Patulog na 'ko nang tuksuhin ako ni Facebook na mag-check ng notifications. Napansin ko na inadd ako ni Rica. Kaya inaccept ko nalang, 'yong fact na wala na talaga. Wala na talagang chance na maging kami ni Adrie. I mean 'yong friend request ni Rica. Inaccept ko yung friend request ni Rica. Wala rin naman kasi akong karapatan maging bitter 'no?
Nilapag ko na 'yong phone ko sa desk ko, tapos nahiga na ako. Nakapikit na ako nung bigla naman tumunog 'yong phone ko. Parang nakaprogram 'yong katawan ko na mag-reply agad, kaya kinuha ko 'yong phone ko at chineck kung sino ang nag-chat. And yep, si Rica.
start of conversation
RICA LIU: Hi girl!
ME: Hello.
RICA LIU: Sorry ha. Matutulog ka na ba? About sa last night, it's really not what it looks like. Sorry you had to see that.
ME: Wala lang 'yon. Okay lang sa akin. Wala naman sa lugar if magagalit ako over that.
RICA LIU: Sorry ulit ha. Btw, ang hirap mo hanapin sa fb. Kailangan ko pa tignan yung tagged photos kay Adrie.
ME: Ay ganern, haha.
RICA LIU: Inaantok ka na ba?
ME: Nawala na nga antok ko e.
RICA LIU: Ang cute niyo ni Kuya Adrie na magkasama in fairness.
ME: Kuya Adrie? Hindi pa ba kayo?
RICA LIU: Hindi pa.
RICA LIU: I mean hindi.
ME: Oh I thought you were together. Kasi 'yong kagabi.
RICA LIU: Ah no, wala lang 'yon.
ME: Sige.
RICA LIU: How do you feel about it ba?
ME: Wala, wala naman.
RICA LIU: San ka pala nagwowork?
ME: Umeextra-extra lang ako e so iba't-iba. 'Di ba dun tayo unang nag-meet? Sa bar.
RICA LIU: Uh. Yea, I remember. Sorry for that too. G.R.O ka?
ME: Hala no! HAHA. Waitress at singer lang.
RICA LIU: Ahh. Waitress. Mukha nga.
end of conversation
Mukha nga? What do you mean mukha nga? Makatulog na nga, mukhang walang kwenta kausap 'to e.
Pagkagising ko, chat agad ni Rica 'yong tumambad sa akin, tinatanong niya kung saan ako nakatira para daw makapag-hang out kami. Um-oo nalang ako kasi wala namang pasok tapos nag-send ako ng mapa para makapunta siya at 'di siya maligaw. Bumangon na ako tapos nag-start na ako mag-prepare at mag-ayos.
"Hi girl! Good Morning!" Sabi ni Rica pagkabukas ko ng pinto.
"Good Morning, tuloy ka." Sagot ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...