Award

88 71 15
                                    

Rosena's POV

Paulit-ulit nagrereplay sa utak ko 'yong moment na tinanong ko si Adrie kung ano ba talaga kami. Pagkatanong ko, tinitigan niya ako nang matagal tapos tumakbo siya palabas ng apartment ko. Hindi pa ulit kami nag-uusap pagkatapos mangyari 'yon.

Hindi sa pagiging OA pero nasasaktan ako kasi kasabay nun sinabi niya pa sa akin na sa US muna siya nang mahabang panahon. Hindi ko maintindihan pero sana man lang meron siyang iniwang good news, kahit gaano kaliit na good news. Pero panay mabibigat 'yong iniwan niya sa akin.

Nakasakay ako sa jeep papuntang Cubao, hindi ko maintindihan kung bakit nakatingin sa akin 'yong mga nakasakay ko sa jeep. Kung hindi pa ako nauntog, hindi ko marerealize na may twalya pa pala sa ulo ko. Pero wala akong pakialam kasi naiisip ko pa rin si Adrie. Binibigyan ko siya ng dahilan kahit wala naman siyang dinadahilan, iniisip ko lahat ng posibleng rason kung bakit siya tumakbo.

"Kuya, itigil na natin 'to" Sambit ko nang nasa Cubao na kami. "-Ay para po." Sabi ko.

Nagtawanan 'yong mga kasabay ko sa jeep. Lutang pa rin akong naglakad papunta sa tren para sumakay papuntang Ortigas.

Ngayon 'yong defense naming mga wild card trainees sa FMPA. Pagkatapos ng defense ay ang last namin na team building, sa team building na rin iaannounce kung sino sa amin ang officer na sa susunod na term at sino ang lalaban pa sa susunod na defense para maging officer.

"Good morning Ros." Bati ni Sir Ian sa akin.

"Good morning Sir." Bati ko.

Pumasok na kami sa FMPA office, si Sir Ian sa meeting room. Sa waiting room, nando'n ang mga co-trainee ko na sina Aly, Daniel, Marielle, Ben, Moises, Isaiah, John, Tina, Grace, Alby, Hiro at Nelly. Nagkakagulo sila kung sino ang unang magprepresent ng General Plan of Action nila sa officers. Ako naman, dahil nga lutang, naupo lang sa gilid.

"Uy, Ros, ready ka ba?" Tanong ni Aly.

"Hindi ko sure haha." Sagot ko.

"Gagi kaaa, magreview ka na, ikaw 'yong pangatlo utos ni Sir Ian." Sabi pa niya.

Wala akong drive mag-review, wala nga rin ako drive mag-defend ng GPOA ko, wala rin akong gana makipagkulitan sa mga co-trainee ko. Wala, lahat wala.

"Hindi ka kinakabahan?" Tanong ni Alby.

"Hindi naman." Sagot ko.

"'To si Rosena akala mo easy lang ang defense e." Sabi ni Moises.

Wala, wala talaga akong kahit anong nararamdaman.

Pagkatapos namin magpresent ng mga GPOA namin, kinongratulate na kami ni Pres Nina tapos nagkanya-kanya muna kaming alis para mag-prepare para sa last naming team building. Napagdesisyunan kong uuwi muna ako.

Nung pasakay na ako sa may SM Megamall, may tumawag sa akin na pamilyar na boses, si Adrie, nakasakay sa kotse nila. "Ros sabay ka na sa amin." Sabi niya.

Sumakay na agad ako kasi traffic pa. Tinignan ko siya, tumingin naman siya sa ibang direksyon. Pagkahatid niya sa apartment ko, tumulala lang ako. Pero na-realize ko na last ko na palang makakasama ang co-trainees ko at magbabakasyon na. Kaya nagpatugtog ako at kumanta nang malakas.

"Sa tagal ng panahon
Lalong lumalalim ang pagtingin sa'yo
Kaya labag sa 'king loob
Kapag magiging kayo

Ako naman ang unang nagmahal sa'yo
At ang pag-ibig ko naman ay totoo
Pero 'di patas ang mundooooooo!
Dahil hindi ako ang pinili mo
Ang isang tulad ko
Ay ang dahilan kung bakit hindi naging tayo..."

('Di Naging (Tayo) By: Sleep Alley)

Pagkaprepare ko ng gamit at pagkabihis ko, pumunta na ako sa meeting place namin, sa MOA. Pagkarating ko, kinuha agad ni Sir James ang bag at cellphone ko, at 'saka isinakay sa bus na nirentahan nila para sa amin.

"Ayos a, baliktad agad t-shirt hindi pa tayo naliligaw" Pang-aasar ni Sir Ian.

"Style 'yan Sir." Sabi ko naman.

Nagulat ako nang piringan ako ni Adrie at isakay sa bus.

"Sino 'yang dumating? Ros? Naaamoy kita." Sambit ni Aly.

"At paano mo naman nakilala amoy ko?" Tanong ko.

"Amoy vanilla ka kaya palagi." Sabi niya naman.

"Nakatakip din mata niyo?" Tanong ko.

"Oo!" Sigaw ng mga co-trainee ko.

"Ano 'to kidnap?" Tanong ko.

"Basta, manahimik lang kayo diyan." Sabi ni Sir Ian.

Buong biyahe, nakapiring mga mata namin, kahit habang kumakain ng merienda, bawal tanggalin 'yong itinakip nilang panyo sa mga mata namin. So ayun, ramdam ramdam na lang kung ano na 'yong kinakain namin, kung may uod man na ipakain sa amin e hindi namin malalaman.

Nang makarating kami sa venue, nakapiring pa rin kaming ibinaba sa bus at kung saan-saan pinwesto.

"Rosena! Kaya ka lang ba sumali sa FMPA dahil may ulterior motives ka?!" Sigaw sa akin ni Sir Ian.

"Hindi po." Mahina kong sagot.

"Lakasan mo!" Sabi niya.

"HINDI PO!" Sigaw ko.

"Sige nga sinong pipiliin mong president ng susunod na term?" Tanong niya.

"Si Grace po." Sagot ko.

"Ang hina." Sabi niya.

"SI GRACE PO!" Sagot ko.

"Ikaw, Grace, sino ang pipiliin mong tanggalin?" Sigaw niya kay Grace.

"Wala!" Sigaw ni Grace.

"Kapag wala kang pinili uuwi ka na." Sabi ni Sir Ian.

"Wala pa rin!" Sigaw ni Grace.

Para kaming nasa initiation ng frat, kung ano-anong masasamang words sinisigaw sa amin at tinitignan kung anong magiging reaksyon namin. Pagkatapos nung parang initiation, pinatanggal na 'yong piring ng mga mata namin at nakita namin na scripted lang pala lahat.

Nag-sorry sa isa't-isa tapos nagdinner na kami. Para naman akong nawalan ng gana kasi sinumbat sa akin na hindi ako nagbubuhat ng x-deals at nawala ako nang matagal, meron naman kasi akong sakit non kaya wala ako. Halatang-halata na ginamit ni Sir Ian 'yong pagkakataon para ibuhos lahat ng cermon sa akin.

Pagkatapos ng dinner, nag-inuman 'yong mga officer, kami namang mga trainee, sa kwarto lang.

"Uy Rosena, utos lang sa akin 'yong sinabi ko kanina habang nakablindfold tayo a." Sabi ni Tina.

"Wala 'yon" Sagot ko.

"Tingin niyo sinong matatanggal?" Tanong ni Moises.

"Ako siguro." Sabi ni Ben. "Wala ako halos naitulong e."

"Hindi a, madami ka kaya naitulong." Sabi naman ni Grace.

"Basta si Rosena ang VP for Comms ko." Sabi ni Aly.

"Kung voting lang ang basehan e, hindi, sila pa rin na officers." Sabi ni Daniel.

Lumabas muna ako dahil feeling ko naiiipit ako sa sobrang dami namin sa room.

Pagkalabas ko, nando'n si Adrie sa CR, bukas ang pinto at nagsusuka siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko habang hinahagod ang likod niya.

Nagsuka lang siya. Pagkatapos niya magsuka, napaupo siya sa sahig, inalalayan ko na siya papunta sa kwarto na tutulugan nila dahil 'yong ibang officer busy pa rin sa pagwawalwal.

Pagkalapag ko sa kanya sa may kama niya, nagsalita siya. "Ros?"

"Hmm?" Tanong ko.

"Please don't go." Sagot niya.

Tinignan ko siya, nakapikit siya at lasing na lasing pa rin.

"Please don't go, e ikaw nga 'yong aalis." Sabi ko naman.

Hinatak niya ako papunta sa pwesto niya at niyakap. "Please don't leave me."

Natawa ako, "Adrie ano ba?"

"Hindi mo na ako mahal e." Sabi niya.

"Hindi mo sure." Pang-aasar ko.

Bumitiw na ako sa pagkakayakap niya at iniwan ko siya do'n sa kwarto. Naglakad-lakad ako sa paligid ng venue, panay naman palaka kaya bumalik rin agad ako sa kwarto namin.

Pagkagising namin, agad kaming tinawag palabas, pinaglaro kami ng games, girls vs. boys. Takbo rito, takbo doon. Pero pinapatigil nila ako sa ibang part ng obstacle kasi iniingatan nila 'yong tahi ko baka bumuka. Pagkatapos ng laro, piniringan kami ulit. Naramdaman kong hinatak ako papunta sa kwarto. Maya-maya pa may sumunod sa akin na dinala sa kwarto.

"Sino 'to? Rosena?" Tanong ni Moises.

"Oo." Sagot ko naman.

"Sabi na e amoy sampaguita e." Sabi niya nang natatawa.

Narinig namin na nag-iingay sa labas, na-curious kami kung ano 'yon. Nasagot 'yong mga tanong namin nang puntahan kami ni Sir James sa kwarto. "Kaya kayo nandito at sila nasa labas kasi hindi kayo naging officer. Na-appreciate namin ang participation niyo sa activities pero onti lang kasi ang pwedeng maging officer at 'yong mga nasa labas ang napili namin. Pwede pa rin naman kayo mag-run as chairman." Paliwanag niya.

Naiyak si Moises at napayakap sa akin. Ako naman wala nang naramdaman kundi pagod at gusto ko nang matulog. Pagkalabas namin, sumalubong sa amin ang co-trainees namin, niyakap nila kaming dalawa.

"Hindi pwede, magiging officer din kayo." Sabi ni Grace. "Ilalaban ko 'yan." Sabi niya.

"Okay lang naman ako." Sabi ko.

"Suuuuuuuuuuuus. Ikaw 'tong pinakaclingy sa pagtetext at pagchachat sa amin e." Pang-aasar ni Daniel.

"Sorry, Ma, I'm sorry. Nung nagkaroon kasi ng crisis sa Spain, isa ako sa mga teachers na natanggalan ng trabaho kasi sabi nila 'di naman daw talaga ako magaling." Paggaya ko kay Toni Gonzaga habang umiiyak.

Natawa silang lahat.

Pagkatapos ng iyakan, kumain na kami, nagkantahan at nag-swimming. Kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko, nakipagkulitan pa rin ako sa kanila. Kasi mamimiss ko nga naman talaga sila.

Kumanta na lang ako para gumaan ang pakiramdam ko.

"Hey, hey, hey, heyOoh, woahWon't you come see about me?
I'll be alone, dancing, you know it, baby" Nagsayaw sina Daniel at Grace habang kumakanta ako.

Natawa ako kasi buhat-buhat ni Daniel si Grace halos ibalibag na.

"Tell me your troubles and doubts
Giving everything inside and out and
Love's strange, so real in the dark
Think of the tender things that we were working onSlow change may pull us apart
When the light gets into your heart, baby

Don't you, forget about me
Don't, don't, don't, don't
Don't you, forget about me...." Pagtuloy ko ng kanta. Napansin kong napatigil si Adrie sa pagkain ng lumpia pero hindi ako tumigil sa pagkanta

"Will you stand above me?Look my way, never love me
Rain keeps falling, rain keeps falling
Down, down, down

Will you recognize me?
Call my name or walk on by
Rain keeps falling, rain keeps falling
Down, down, down, down

Hey, hey, hey, hey
Ooh, woah..." Sumabay sa pagkanta si Sir Ian.

"Parang alulong lang ng aso a." Sabi ni Sir James.
Kinabukasan, awarding na kaya natulog na rin kami pagkatapos namin magsipagbanlaw. Para makapaghanda kami nang maaga, at maaga rin makabalik sa Manila.

Pagkagising ko, nakita ko si Adrie na nakatingin sa akin. "Pahinging toothpaste" Sabi niya.

Bumangon ako, nag-inat tapos binigay na sa kanya ang toothpaste. Lumabas naman agad siya ng kwarto. Nakita kong 4am pa lang pero gising na ang lahat at kumikilos.

Ano nangyari do'n, bakit need pa sa akin humingi ng toothpaste? May kakaiba ba sa toothpaste ko?

Pagkatapos namin maggayak, sumakay na kami sa bus at bumyahe papunta sa Manila. Pagkarating namin do'n sa hotel na paggaganapan ng Marketer's Award 2019, nagbihis na kami into formal clothes tapos nag-make up.

Awarding din kasi ng mga magagaling na marketing student mula sa iba't-ibang parte ng Pilipinas kaya todo prepare kami. Ang daming gumamit ng pang-plantsa ko sa buhok pero nung ako na 'yong gumamit 'saka sumabog. Ang galing.

Habang nagbibihis ako, hindi ko maiwasang makita na sumisilip-silip si Adrie sa room naming mga wild card trainee.

"Yes?" Tanong ko.

"Baliktad dress mo Ros." Sagot niya nang natatawa.

"Style 'yan" Palusot ko.

"Pahingi ng perfume." Sabi niya.

"Perfume ko?" Tanong ko.

"Hindi, perfume ni Grace, who am I talking to ba?" Pambabara niya.

"Oh." Sabi ko sa kanya tapos inabot ko sa kanya ang pabango ko na inispray naman niya sa sarili niya.

Nang mag-start na ang awarding, pumunta na kami sa kanya-kanya naming pwesto. Taga-post ako sa IG kaya nasa may harap ako ng stage.

Pansin ko ang pagtingin sa akin ni Adrie kahit saan ako mapunta kaya nagtago ako sa ilalim ng lamesa.

"Hoy Rosena, anong ginagawa mo diyan?" Sabi ni Sir Ian nang natatawa.

"Good angle Sir." Sabi ko.

"Goods ang bigayan a." Sabi naman niya.

Nung inawardan na kami bilang official wild cards, huling-huli akong tinawag.

"Last but not the least, Rosena D'rio from Kingdom College." Sabi ni Ms. Nina.

Nung binigay sa akin ang certificate, sa sobrang nerbyos ko, si Ms.Nina pinaghawak ko nung certificate nung pinipicturan na kami sa stage.

Nung sina Adrie naman ang inawardan bilang officer ng FMPA, ako ang nagpost sa story sa Instagram, naglalakad ako pero 'yong mata ni Adrie nakasunod sa akin. Weird tuloy tignan do'n sa video. Pero wala e, isang beses lang ako makakakuha ng video, hindi naman pwede na ipaulit ko sa kanilang do'n lang sila.

"Rosena." Pagtawag sa akin ni Waldo.

Inabutan niya ako ng paper bag na Miniso. "Congrats." Sabi niya tapos kinamayan ako.

"Thank you." Pasasalamat ko nang nakangiti.

Pagbukas ko nung paper bag, nakita ko na sleeping mask na panda design 'yong nakalagay. Naappreciate ko naman kasi bakasyon na, makakatulog na ako nang mahimbing, ata.

Pagkatapos nung awarding, niyakap nung mga officer ang mga co-trainee ko, ako nagvivideo sa gilid. Gulat ko nung yakapin ako ni Adrie nang mahigpit na mahigpit at may pagbuhat effects pa siya sa akin.

"Ayiiiieeee" Sigawan ng mga co-trainee ko at ng mga co-officer ni Adrie.

"You don't deserve everything that happened." Bulong ni Adrie. Pumatak na ang luha ko, pinunasan niya tapos niyakap ako ulit.






Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon