Rosena's POV
It has been two weeks simula nung nagkasakit ako at inalagaan ni Adrie. Akala ko magtutuloy-tuloy na 'yong pagiging close niya sa akin, pero mali ako, kasi lately, napansin ko na mas mailap na siya sa akin, in fact, sa amin nina Paige, Sharine, at Gico. Palagi din siya umuuwi o kaya may pupuntahan kapag breaktime.
Ngayon ang Prelims presentation namin kay Ma'am Elsa kaya hindi siya nakaiwas sa amin. Nasa bahay nila kami ngayon at nagpreprepare ng dishes na Cebu Lechon tapos Mango Halo-halo.
Nagprapractice naman sina Paige at Sharine nung jingle na ginawa ko.
"Be, parang wala sa tono." Sabi ni Sharine. Si Sharine 'yong tipo ng tao na sasabihing wala sa tono 'yong mic at hindi siya.
"Tara na sa Balay Kaunan diri sa Cebu
Oh tara na.
Lechon Cebu't Mango Halo Halo, Puso, at marami pang iba.
'Di ka na magsisi 'pag dito ka kumain dahil mura na at sulit pa
Tara na, kaon na, diri na." Pagkanta ko sa kanya.
(In the tone of the chorus of You and I By: Ingrid Michaelson)
"Sintunado talaga be." Sabi niya.
"Bakit hindi kasi ikaw ang gumawa?" Bulong ni Adrie na parang nababadtrip na sa kanya.
Pagkatapos namin mag-prepare ng mga pagkain, naglakad na kami papunta sa Kingdom College. Habang naglalakad kami, nagtatawanan sina Paige at Sharine.
"Paige, quiet." Saway ni Adrie. Nanahimik naman agad si Paige.
Pagkarating namin sa school, dumiretso na kami sa room, kami na pala 'yong magprepresent, wala man lang nag-chat sa amin.
Si Gico nagpresent nung pagkain, sina Paige at Sharine nag-explain nung ingredients, si Adrie nag-explain nung location, ako naman do'n sa inspiration. Nung kakantahin na 'yong jingle, si Gico ang naggitara tapos kami na lang ni Adrie ang nag-duet dahil panay ang reklamo ni Sharine, tapos si Paige panay ang tawa.
Pagkatapos namin magpresent, ibinigay na agad kung ano ang Midterms, para sa Midterms namin kay Ma'am Elsa, we have to make these booths of different places sa mga region sa Pilipinas sa Pasinaya or opening ng Buwan ng Wika. Napili namin na probinsya nina Paige, Gico, Sha, at Adrie ay Bohol and we have one more week to prepare. Nagmeeting kami sa bahay nina Gico kung anong mga pakulo namin, kasi nung nasa classroom kami, panay daldalan nagawa namin at wala kami na-accomplish.Naupo sina Paige, Sharine at Adrie agad sa sofa pagkadating namin. Si Gico naman dumiretso sa kitchen. Paupo pa lang ako, tinawag agad ako ni Gico. "Rosena, tulungan mo 'ko magluto dito."
Sabi ko nga e tutulungan kita.
Sumunod naman si Adrie sa akin.
"Oh kayo na magluto, dalawa na kayo nandito e. Carbonara lang naman 'yan, kaya niyo na 'yan at mag-usap na rin kayo." Sabi ni Gico.
Wow Gico ang talino.
"Sino magluluto?" Tanong ni Paige.
"'yong mag-asawang may LQ" Sagot naman ni Gico. Napairap na lang ako sa narinig ko.
Buti na lang talaga na ang tawag namin kay Gico, Gico lang, hindi Angelico. 'Di bagay e. Masimulan na nga mag-luto at nang matapos na 'to.
Sabay namin ni Adrie nahawakan yung knob ng kalan. So parang nagkahawak kami ng kamay.
Tinanggal niya agad ang kamay niya, "Ako na magboboil ng pasta mag-slice ka na lang ng ingredients." Sabi niya sa malamig na tono.
"Okay." Sagot ko naman then kumuha ako ng kutsilyo at nag-start na mag-hiwa ng bawang.
"Ayos naman pala talaga kayong magkasama e." Out of nowhere, nasa bungad ng kitchen na bigla si Gico.
Nahulog ko 'yong kutsilyo sa sobrang gulat ko, nahulog naman ni Adrie ang kaldero na hawak niya.
"Gico naman e." Sabi ko habang hinuhugasan yung kutsilyo.
"Nagdadabog kayo diyan?" Pagsilip ni Paige sa may pinto ng movie room.
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...