Litrato

102 83 12
                                    

Rosena's POV

First Team Building ngayon ng FMPA para sa mga natanggap na trainee. Awkward para sa akin kasi sa iisang bahay kami umuuwi ni Adrie. Assigned siya sa documentation kaya hindi siya maglalaro ng nakakabaliw na games, pipicturan niya lang ang mga teams na kasali.

Bumunot na ang team mate kong si Daniel ng magiging unang challenge namin. "Caterpillar. Dali! Dali!" sabi niya habang hinihila ako papunta sa starting line. Ako ang nag-iisang babae kaya nakaladkad na lang ako ng team mates ko sa caterpillar line feeling ko nga, nabutas pa pants ko. Nakuha na namin 'yong unang clue kung nasaan 'yong susunod namin na challenge at isang piraso nung puzzle na bubuoin namin para sa huling challenge.

Nahirapan kaming hanapin ang susunod na challenge dahil sobrang laki nung campus na ginanapan ng team building namin. Nang makita na namin, ang susunod na challenge namin ay ang Pass the Message, pero may twist. Ang gagawin ay ipapasa namin ang tissue sa team mate namin gamit ang bibig at maishoot sa basket sa dulo, nakita ko naman si Adrie na vinivideohan kami kaya na-concious ako at nahulog ang tissue sa lupa.

"Pulutin, pulutin, pulutin" Pang-aasar ng mga team mate ko.

HAAAAAAAAA? EEEEEEEEEW Bakit ba naman kasi sa gitna ng damuhan 'tong challenge na 'to?!

Pinulot ko ang tissue na nahulog sa lupa gamit ang bibig ko at halos idura ko ito sa basket dahil may nasamang earth worm. "YUUUUUCK" sigaw nilang lahat na nakakita.

Ang susunod na game ay hahanapin namin ang candy na nakalubog sa tubig at gawgaw sa loob ng batsa, gamit ang bibig namin.

BAKIT NAMAN LAGING BIBIG?? HUHUHU

Lumuhod ako sa tapat nung batsa at hinanap na 'yong candy. Halos malubog ko na 'yong buong ulo ko dun sa batsa pero hindi ko pa rin mahanap 'yong candy. "Ros, dalian mo!" Sigaw nina Daniel. Nang mahanap ko 'yong candy, ewan ko kung adrenaline rush o pinagtritripan talaga nila ako. Binuhat ako ng team mates ko papunta sa finish line, binuo ang puzzle at team na namin ang nanalo.

Nagpalakpakan lahat ng volunteer at officers, at ang mga team naman na nahuli ay nagtatakbuhan pa rin papunta sa finish line at nag-uunahan para sa 2nd place, 3rd place, 4th place, at 5th place.

After the games

Naupo kaming lahat sa tapat ng isa sa mga lumang building ng campus at nagpahinga, nagbasa naman ako ng mga chat na dumating habang naglalaro kami.

start of conversation

PAGI (Paige Carenina) : Good Morning guys! Kamusta weekend niyo diyan?! HIHI

GICOBEE (Angelico Artemisa) : Mas okay pa kay @RosNiAdrie (Rosena D'Rio)

SHARINE CUNETA (Sha Rine) : Sira ulo ka talaga.

MR.SUNGIT NI ROS (Adrie Vallins) : Guys look.

PAGI (Paige Carenina) : Huh? Alin?

GICOBEE (Angelico Artemisa) : Huhulaan ko pa ba?

MR.SUNGIT NI ROS (Adrie Vallins) : *picture of me na puting-puti ang mukha dahil sa gawgaw*

PAGI (Paige Carenina) : Oh my gudnes! ANU GINAWA MU?!

GICOBEE (Angelico Artemisa) : Ayieee. Proud sa white lady niya HAHAHAHA.

PAGI (Paige Carenina) : Sila na ba?

MR.SUNGIT NI ROS (Adrie Vallins) : .

GICOBEE (Angelico Artemisa) : Tuldok mo noo mo.

cut conversation

Tinignan ko nang masama si Adrie na nahuli kong nakatingin rin sa akin, tumingin siya sa ibang direksyon.

continue conversation

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon