#PrincessJasmine

156 133 61
                                    

Adrie's POV

Kingdom Resto

We headed to the Kingdom Resto during our break time.

"Halaaa! Ano 'yong gray stuff nga? Masarap ba 'yon?" Ros asked Gico as she looked at the menu with him.

"Dessert 'yon, pero hindi ko sasabihin sa iyo kung ano 'yon, orderin mo lahat ng gusto mo, masyadong sumama umaga mo dahil sa amin." Sabi naman ni Gico na ikinalapad ng ngiti ni Princess Jasmine este ni Rosena.

"Hindi naman." Ros humbly said. "Medyo lang, nung sinadya mo bungguin ako."

"Oh sorry na nga" Mahinahon na sabi ni Gico.

Loko-loko lang talaga si Gico, but he was raised good enough to be a gentleman. Syempre nasa lahi na namin 'yon. 'Di lang kami mukhang mag-pinsan kasi may dugong Korean siya.

"Gico eto. Tapos eto..." Sabi ni Ros habang namimili ng mga pagkain. Amazed siya sa mga nakikita niya, fairytale-themed kasi 'yong pagkain kaya tuwang-tuwa siya.

Parang bata naman 'to.

"Hati na kami ni Gico para kayong tatlong girls libre na." Sabi ko naman.

"Iiiiih" Sigaw ng mag-BFF na sina Sharine at Paige.

"Edi itong barkada bundle na" Turo naman ni Ros.

While waiting for our order, a family approached us. "Hi! Sorry to interrupt you but can we take a photo with Princess Jasmine?" The mom asked us.

She's referring to Rosena.

Nag-pigil ng tawa si Gico.

"I'm sorry this is a mis-" Ieexplain ko sana na aksidente lang na suot 'yon ni Rosena nang pigilan niya ako.

"Sure!" Tumayo si Rosena then pi-nat sa head 'yong anak nung nag-approach sa amin. "Anything for this little girl."

Tinanggal niya 'yong jacket ko na suot niya then pinatong sa balikat ni Gico, na 'di naman nag-reklamo kasi may atraso siya kay Ros.

The family then, left, but may nakapila na mga bata at magulang na gusto magpapicture.

"HAHAHA PAANO BA 'YAN ROS?! IIWAN KA NA NAMIN DITO NIYAN" Pang-aasar ni Gico na 'di niya na napigilan.

Dahil tumawa siya, ginawa siyang taga-picture ni Ros.

Buti nga.

After picture taking with random people, the food arrived on our table. Paige lead the prayer then we started eating. Tradition na namin na magdadasal bago kumain kahit magkakabarkada lang kami, family na turing namin sa isa't-isa.

Rosena's POV

Napagkamalan akong nagtratrabaho sa resto ng school namin, pero okay lang, ang cucute nung mga bata eh. Siguro mga sampung pamilya din 'yong nagpapicture sa akin.

Kasalukuyan kaming kumakain ng dessert.

Putek na gray stuff 'yan! Lasang oreo lang pala. Pudding na may oreo na creamy ganun. Tapos ayaw pa sabihin ni Gico kung ano.

Medyo nanginginig ako sa lamig ah, nakakahiya naman manghiram kay Adrie ng jacket, pinahiram niya na kanina e.

Parang nabasa niya naman 'yong iniisip ko at nilagay niya ulit 'yong jacket sa likod ko, sinabit niya sa balikat ko.

"Tsk." Sabi niya sabay iiling-iling.

Hoy ang sungit mo ha, 'di ka naman ganun kagwapo!

"Oh teka tayo naman picture! Sayang naman ayos namin kay Rosena kung 'di namin siya makakasama sa picture." Pasimuno ni Paige.

Nag-compress kami para mag-picture, pinagitnaan nila ako. Pero dahil matatangkad sina Gico at Adrie, nagmukha akong bata na may gay parents at dalawang kapatid na babae.

Bumalik na kami sa classroom pagkatapos kumain.

After ng subject na magkakasama kami, pumunta na ako sa classroom, naiwan ko pa ang salamin ko sa room namin kanina kaya sobrang labo ng paningin ko.

Environmental Science ang subject, at ang kaklase lang na kilala ko dito ay 'yong Van. Nakatingin sa akin lahat, nang magsalita si Ma'am Abad.

"Para sa una ninyong activity, mag-drawing kayo ng functional environment sa loob ng aquarium. You have 15 minutes para mag-drawing." Sabi niya.

Boses parrot si Ma'am Abad, gegewang-gewang na rin maglakad dahil matanda na, pero lagi siyang nakangiti kahit na hindi kangiti-ngiti ang sinasabi niya kaya mapapangiti ka rin.

Nagdrawing ako ng hamster, ayun ang unang pumasok sa isip ko kasi ayun ang huling pet na naalagaan ko na nakalagay sa loob ng aquarium. After fifteen minutes, ipinapasa na ni Ma'am Abad 'yong mga drawing namin. Kinabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan.

"Tignan natin ang mga drawing niyo." Sabi ni Ma'am Abad. "O bakit naman duling ang isda mo Mark?" Sabi niya habang pinapakita sa lahat ang drawing ng classmate ko.

Natawa ang mga kaklase namin, ako hindi natawa kasi na-realize ko, isda nga pala 'no? Isda ang nasa loob ng aquarium. Parang gusto kong kunin ang drawing ko at tumakbo ng 43.99 kilometers per hour palabas ng Kingdom College.

"Oh, ito naman walang tubig, nalutang ang mga isda ni Valerie. Hay nako." Sabi ni Ma'am Abad.

"Aba! Ito ang pinakakakaiba!"

Napalunok ako nang sabihin 'yon ni Ma'am.

"Ang ganda ng pagkakadrawing pero bakit hamster? Kanino 'to D'rio." Sabi ni Ma'am Abad habang tawang-tawa halos mahulog na ang pustiso niya katatawa niya.

"Ma'am sabi niyo po functional environment." Sabi ko naman.

"Ohwah? HAHAHAHA" Pagtawa ni Ma'am.

"Oooooohhhh" Pagsabay ng mga kaklase ko.

"Ano ba ang AQUArium? 'Di ba aqua, tubig?" Tanong ni Ma'am.

"Oo nga po, may tubig naman siya a." Sagot ko.

Tawang-tawa 'yong mga kaklase ko, feeling ko hindi ako makakalimutan ni Ma'am at ng mga kaklase ko dahil sa nagawa ko.

"Hamster! HAHAHAHA" Pagtawa pa ni Ma'am Abad.

Uwian

Nasa labas na ako ng school, sa may parking, sina Paige at Sharine, tumawid na para do'n sumakay ng jeep.

Nakita ko si Gico sumakay na sa van niya kasama si Adrie. Nasa may gilid naman ako ng van niya.

"Oy hamster, sumabay ka na kaya sa amin?" Pang-aasar at offer ni Gico.

Ang bilis naman kumalat ng chismis sa Kingdom College.

"E saan ba kayo?" I asked, inantay ko mag-salita si Adrie kasi siya 'yong nasa may bintana sa side ko, pero kinalabit niya lang sa braso si Gico na kasalukuyang nagseaseatbelt.

Asan ba pindutan nito para ma-unmute?

"Kingdom Ville, ikaw ba?" Sagot ni Gico.

"Do'n din ako. Far Away Street." Sabi ko naman sa kanya.

Nagkatitigan kami ni Adrie.

"'Wag na kayo magtitigan, sakay ka na Hamster." Pang-aasar naman ni Gico sa amin.

Sumakay ako sa backseat.

Biyahe

"'Sena, saan ka pala sa Far Away?" Tanong ni Gico habang nagdadrive.

"Sa Fairy House 2." Sagot ko naman sa kanya.

"Weh?" Tanong niya.

"Oo nga, bakit?" Tanong ko pabalik.

"Paupahan namin 'yong Fairy Houses." Sagot niya.

"Oooh. Kaya pala parang familiar 'yong surname mo." Sabi ko naman.

Unang bumaba si Adrie, sa Charming Street. Malaki 'yong bahay nila, parang mansion na nga.

Wow naman, prince charming.

Tinititigan ko pa 'yong bahay nang mag-salita si Gico. "Hoy Hamster lumipat ka dito sa harap, ano 'ko driver?"

Lumipat naman ako sa harap. Habang papunta sa apartment ko, nag-Facebook muna ako. Nakita ko naman na may nag-add sa akin, si Paige.

Pinost niya 'yong picture namin, caption niya pa "Kumpleto na ang barkada namin! #Incredivlogs #PrincessJasmine"

Lahat nakatingin sa camera, except kay Adrie. Sa akin siya nakatingin...

Teka? Ano 'yong Incredivlogs?

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon