Adrie's POV
After the Advertising Congress, our schedules were still busy but Ros sometimes stay at our house. I have been planning a lot of things for us ever since I knew that Rica's child wasn't mine.
"Oy dalhin niyo mga baby niyo sa bahay, bonding sila ni Waffle." Gico said when we entered the classroom.
"Baka daganan lang ni Waffle sina Roie." Ros answered.
"Hindi ah, ang bait kaya ni Waffle." Gico replied.
"Ang bait eh kinagat ka nga sa ilong. Buti hindi inano si Rica." Ros said.
"Si Rica nga pinoprotektahan ni Waffle kaya ako nakagat." Gico laughed. "Lalambing lang naman ako."
Ros looked at me, "Adrie nasaan pala sina Roie at Adie? Wala pagkagising ko." She asked.
"Umm, baka kinuha lang muna ni Kuya, nilagay sa room niya." I answered
"Wala tayong prof mamaya, absent si Ma'am Santos tapos may meeting 'yong iba." Gico said. "Movie Marathon tayo." He added.
"Sigiii!" Paige exclaimed.
"Nako mga be, hindi ako pwede, may work ako mamaya." Sharine replied.
"Edi kami na lang, ano Adrie?" Gico asked.
"Sige." I answered.
"Yes! May taga-luto ulit." Gico teased.
"Ikaw mag-luto noh, puyat kaya kami." Ros said.
"At bakit?" Gico asked.
"'yong mga tuta kaya ang kukulit." Ros answered.
"'yong mga tuta ang makulit o kayo ang nag-kulitan?" Gico teased.
Pinalo siya ni Ros "Bad."
"Patay, brown out pa ata." Gico said when he entered their house. He tried opening the lights, "Oo nga brown out."
"Edi foodtrip na lang." Paige said.
"Tara Ros, luto na tayo." Gico said.
Gico and Ros went to the kitchen, I was about to follow but then Paige pulled my polo. "Kuya kuya, dito ka lang takut aku ih."
"Okay." I said then I sat down.
Gico and Ros suddenly became oddly quiet.
Rosena's POV
"Ros, pagtripan natin si Paige." Bulong ni Gico habang naghihiwa ng sibuyas.
"Sige sige, paano gagawin?" Bulong ko pabalik.
"Pagkatapos natin mag-luto, papatayin ko 'yong main switch ng kuryente, ikaw naman punta ka sa banyo sa movie room. Record mo sarili mong boses na nagsusuka kunwari, tapos lagay mo do'n sa may pinto 'yong cellphone mo i-play mo lang, i-airplane mode mo na din baka mautakan tayo at i-lock mo 'yong pinto, may susi naman ako do'n, tas akyat ka, sa left na room, hanapin mo sa damitan ko 'yong costume ko na itim na parang pang-kulto. Nando'n si Rica, baka tulog 'yon pero kung gising siya sabihin mo huwag na lang maingay." Sagot ni Gico.
"Okay, kailan ko naman malalaman kung kailan ako bababa?" Tanong ko.
"Basta, 'pag narinig mo na yung 'wala sina Ate e.'" Sagot naman niya.
"Sige sige." Sagot ko.
Sinunod ko 'yong mga instruction ni Gico, buti na lang tulog si Rica. Umupo ako sa may pababa ng hagdan, nakinig ako sa kanila. Sobrang laki nung costume ni Gico, mukha na akong naglalakad na tela.
Narinig ko nang bumukas 'yong sliding door ng movie room.
"Nasaan si Ros?" Tanong ni Paige.
"Nasa banyo, nasusuka daw siya e." Sagot ni Gico."Ikaw Adrie ha, baka naman may tinatago kayo."

BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...