Seng

85 71 8
                                    

Rosena's POV

Pagkahatid sa akin ni Adrie, hindi na siya pumasok kaya tinuloy ko nang mag-revise ng thesis hanggang sa makatulog ako.

Pagkagising ko, na-realize kong sa sahig ako nakatulog dahil dinilaan nina Adie at Roie ang mukha ko. "Hi, good morning" Pagbaby talk ko sa kanila. "Miss niyo na ba si Daddy? Ako rin miss ko na. Check-up niyo na nga pala ulit 'no?"

Kingdom College Classroom

Pagkapasok ko, nakita kong sobrang busy ni Adrie sa laptop niya. Sa harapan ako nakaupo kaya nadaanan ko lang siya. 'Di man lang siya tumingin o napalingon. Nung breaktime na, dinalhan ko siya ng pagkain nakaupo lang kasi siya sa room at nag-aasikaso ng mga task niya online at thesis niya.

Naupo ako sa tabi niya, "Adrie, kain ka na o." Sabi ko tapos inabotan ko siya ng pagkain.

"Salamat, I love you." Sabi niya tapos kinuha niya yung pagkain sa kamay ko at kumain siya habang nagtatype.

"I love you?" Tanong ko.

"Thank you pala, sorry typo." Sabi niya habang nagtatype pa rin.

Typo?

"Nga pala, check-up na uli nina Adie at Roie sa weekend, makakasama ka ba?" Tanong ko.

"Mamaya na a, nalilito ako 'pag may kausap e. Sorry." Sagot niya.

So ayun, nanahimik lang ako sa tabi niya. Sobrang laki na ng eyebags niya, mas malaki pa sa mata niya. Naluluha na din siya 'pag humihikab siya. Gusto ko man siya palitan sa ginagawa niya alam ko naman na hindi siya papayag kasi ayaw niya na ako ang mapagod.

"Matunaw naman ako." Sabi niya.

Ngumiti lang ako. "Eheh"

Nung uwian na, dire-diretso siya palabas, 'di man lang niya ako kinibo o kahit nilingon para magpaalam.

Ang cold ha.

Tinext ko na lang siya kasi ayoko na humabol, baka may gagawin pa siya na importante. At isa pa, sobrang sakit na naman ng puson ko kaya umuwi na lang ako. Wala naman akong magawa sa bahay kaya nag-paint ako tapos pinagtripan ko sina Adie at Roie.

"Sorry, Adie at Roie, wala muna kayong Daddy." Sabi ko sa kanila.

Naupo lang sila tapos tumingin sa akin.

Akala mo talaga naiintindihan ako o.

Adrie's POV

We are deciding if uuwi kami sa US for good or until lang gumaling si Dad nang tuluyan, nagkaroon kasi siya ng neurological problems after nung accident and masyado na nagiging toxic ang environment dito sa Philippines.

"Ako na lang ang uuwi kasama si Dad, ikaw na lang mag-asikaso ng business natin dito Kuya." I told Kuya Andrin.

"How about Ros?" He asked.

"What about her?" I asked back. "I will stay with Dad muna sa US, then if okay na siya I will come back na lang here, besides, mas malaki ang money dun, compared dito."

"Kinausap mo na ba siya about that?" Kuya Andrin asked.

"No. Why would I?" I asked.

He laughed. "Classic Adrie." Then went inside his room.

My phone rang, it was Bianca, calling.

answers call

"Yo." I answered.

"Can we play Mobile Legends? Or busy ka?" She asked.

"No naman, tara." I answered.

"Sige, mag-online na ako." She said then hung up.

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon