Fur Parents

103 84 21
                                    

Adrie's POV

"Good Morning Kuya Ads! Good Morning Ros!" Pagbati ni Paige when we arrived at our classroom.

Ros smiled. "Good Morning Paige, musta long vacation?"

"Ayun may nawawala kaming isang batsa, pero oki lang 'yon." Paige said.

Ros laughed. "Okay lang 'yon at least 'di ikaw ang nawala."

"Wooh badtrip!" Gico said when he entered the room.

"Bakit?" Paige asked.

"Kaka-carwash ko lang tapos panay putik dun sa dinaanan ko." Gico said. "Sayang 'yong sabon."

Suddenly, my phone rang and it was Rica. I answered to know if it's important.

Rosena's POV

"'yong sabon talaga sayang? Hindi 'yong pagod mo?" Tanong ko kay Gico.

"Syempre both." Sabi niya "Pero mahal 'yong sabon ah."

Lumabas naman si Adrie, may kausap sa phone.

"So kumusta naman kayo ni Adrie?" Tanong ni Gico.

"Okay naman." Sagot ko.

"Paano 'yan? May threat ka na." Pang-aasar ni Gico.

"Threat na 'yon? HAHA." Sabi ko naman.

"Paano nga kung ano, alam mo naman na." Sabi ni Gico.

"Edi pakasaya siya dun, tsaka teka muna, wala namang kami e." Sabi ko.

"Oo pero parang meron, masakit 'yan." Sabi ni Gico. "

Gico, ano ba naman 'yan, umagang-umaga.

"Okay lang 'yon." Sabi ko then ngumiti ako.

"Okay, sabi mo e. Wala naman kaming choice kundi damayan ka lang. Alam mo naman na lab na lab ka namin kasi ikaw pinakamasipag sa amin." Sabi naman ni Gico.

"Sira." Sabi ko naman then tumawa ako. "Dahil lang talaga dun? So 'pag tamad na ako di niyo na ako lab?"

"Oo. Hindi." Sagot ni Gico sabay tawa nang sobrang nakakaasar.

"Buset!" Sabi ko.

Pumasok naman si Adrie at tumabi sa amin.

"Oy Adrie, hindi ka pogi ha." Sabi ni Gico.

"I know." Sabi naman ni Adrie.

Huh? Ang pogi mo kaya!

"Bumaha sa inyo?" Tanong ni Gico.

"Hindi naman." Sagot ni Adrie.

"Weh? Hindi bumaha ng pagmamahal?" Pang-aasar ni Gico.

Nagkatinginan lang kami ni Adrie.

Ano Adrie? Sagot!

"Hi mga bebe! Ang aga ata nating lahat?" Sabi ni Sharine pagkapasok sa room.

"Late ka na 'no!" Sabi naman namin nang sabay-sabay.

"Buti na lang wala pa si Sir JB." Sabi ko.

Adrie's POV

"Ano? Tara ba?" Gico asked.

It's dismissal time and we're deciding if sasama kami kay Gico sa over looking place sa Antipolo.

"Mukhang 'di naman uulan be. Tara?" Sharine asked too.

I checked the weather forecast first.

"Tara." I said. Ros smiled at me.

"Yeheeey! Kumpleto tayo!" Paige exclaimed.

"Oh 'yong mag-asawa na sa harap dun na kayong mag-bespren sa likod." Gico said. "Ayan na, matatakot na natin si Ros!" Gico said.

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon