Rosena's POV
Gumising akong katabi si Adrie, hindi ko alam kung bakit parang may mali pa rin. Parang hindi pa rin ito para sa akin, parang hindi ko deserve. Tinitignan ko lang siyang mahimbing na natutulog.
Siguro nga, totoo na hindi niya naaalalang may nangyari sa kanila ni Rica dahil wala talagang nangyari. Kasi ang tagal na namin nagkakatabi sa kama, wala namang nangyayari sa amin.
"Hi, beautiful, good morning." Sabi ni Adrie na kagigising lang.
Beautifuuul? Tigilan mo nga.Saturday na ngayon at sure akong hindi ako pauuwiin ni Adrie dahil magsisimba kami bukas kasama ang buong pamilya niya. Ayaw kasi nila na mag-isa ako nagsisimba, matagal-tagal na rin akong mag-isang nagsisimba dahil sa pagkagulo ko kung ano ba talaga kami ni Adrie at dahil sa Rica incident kaya excited din naman akong makasama siy- sila, I mean sila.
"Bakit tulala ang magandang hon ko?" Pambobola ni Adrie.
"Tigilan mo nga, Adrie." Sabi ko naman.
"Bakit?" Tanong niya, nangalumbaba pa siya. "Are you still mad?"
"Siguro." Sagot ko.
Siguro galit pa rin ako dahil sa hindi ko siya nagegets at hindi niya ako nagegets pero eto kami magkasama ulit na parang walang nangyari. Hindi ko rin alam kung saan ako nanggagaling pero ang bigat pa rin ng loob ko.
"How can I make it up to you?" Tanong niya.
Ngumiti ako, "Hindi ko rin alam e."
"Breakfast na tayo." Sabi niya naman.
Rica's POV
"Gico hindi mo ako kailan buhatin pababa ng hagdan. Buntis ako, hindi ako pilay." I told Gico."Alam ko, gusto ko lang gawin lahat para sa inyo ni baby. E hindi ko pa mabubuhat si baby ngayon kaya bubuhatin kita." He answered.
Natawa naman ako "Hindi ba mabigat?" I asked.
"Hindi." He replied "Walang mabigat sa akin dahil ako si SUPER DADDY" Sabi niya tapos inilapag ako sa sofa.
"Sure nga talaga ako, magiging great daddy ka." I replied. "Thank you Gico"
"Thank you rin kasi dinadala mo si baby na super gwapo katulad ni daddy, 'di ba baby? Inumin mo 'tong milk niyo ni baby." Gico said habang hinihimas ang tiyan ko.
I laughed "Wow ha, ako nagdala tapos ikaw kamukha? Ayoko nitong gatas, gusto ko 'yong mocha"
"Mocha mo mama mo" Gico said while looking at me, napatingin lang din ako sa kanya.
We laughed. Pero medyo naiiyak ako kasi gusto ko talaga nung lasa ng mocha. "Sige na, mocha gusto ko ayaw ko ng plain milk."
"Iyak ka muna." Pang-aasar ni Gico.
Naiyak na talaga ako.
"Uy joke lang, ito na bibili na ng mocha maternity milk mo. Huwag ka umiyak baka maging iyakin si baby. Ano pa bang gusto mo?" Tanong ni Gico
"Bingo na Orange." Sagot ko.
"Got it." Sabi ni Gico tapos nagmadali nang lumabas para ibili ako nung gusto ko.Rosena's POV
Nag-luto ako ng breakfast para sa amin ni Adrie, umalis sina Mommy, Daddy, at Kuya kaya sabi ko kay Ate Maya ako na ang magluluto dahil dalawa lang naman kami ni Adrie. 'Di naman bumaba si Adrie kaya pakanta-kanta pa ako habang nagluluto. May paconcert ganun.
"'Di man tayo magkasama
Lagi mo sanang tandaan
Na ikaw ang dahilan
Bakit muli pang nagmahal
'Di man kita maramdaman
Maging saglit kang pagmasdan
Ayos lang
Minsan lang namaaaan"
( Minsan Lang Naman By: Gracenote )"Parang walang fever, ang hyper." Bulong ni Adrie, napaharap naman ako sa kanya tapos nagulat ako, sobrang lapit niya pala. Kaya hindi sinasadya nagkalips to lips kami.
"HALA!" Sabay naming' sigaw. "Ano, sorry hala." Sabay na sabay namin na dagdag. Nagkatinginan pa kami, "Halllaaa. Lagot."
Tumawa siya.
"ANONG NAKAKATAWA?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw first kiss ko!" Sagot niya sabay tawa ulit.
"MUKHA MO ADRIE NAGKISS NA TAYO NUNG NAKARAAN" Sabi ko sa kanya tapos tinuloy ko na 'yong pagluluto ko.
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomansaIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...