Rosena's POV
Pagkauwi ko sa apartment ko galing sa galaan at raket ko, sobrang sakit ng ulo ko at ng katawan ko, tapos may tatlong oras na lang ako para matulog kaya dumapa na lang ako sa sofa at natulog kasi may pasok pa ako ng tanghali.
Pagkagising ko, nag-toothbrush na ako, nag-hilamos tapos nag-suot na ng uniform. Kahit sobrang sama ng pakiramdam ko, pumasok pa rin ako. Sayang attendance e, irregular pa naman ako, mahirap magsayang ng Semester.
Habang naglalakad ako papunta sa Tricycle Station. Pumasok naman sa utak ko si Adrie. 'Di ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit kahit sinabi ko nang naiintindihan ko, at okay lang, 'di ko pa rin siya makalimutan, nakikita ko 'yong pagmumukha niya sa utak ko. 'yong mukhang masungit na matangkad, maputi, makapal kilay, kulot, brown mata, medyo mabalbas, nakasalamin din at 'di bato-bato 'yong katawan.
Hay. Bakit ba 'ko namromroblema kay Adrie, 'yong iba nga 'di nakakakain e. Psh. Tsaka sino ba siya 'di ba? Kakabreak mo lang 'di ba Ros? E eight months palang kayo hiwalay ni Alex 'di ba Ros? Well not exactly, kasi on and off naman kayo ni Alex, pero just the same iwas love life 'di ba Ros?
'Di ko napansin na nakasakay na pala ako sa tricycle kakaisip ko. "Miss, saan po kayo?" Tanong ni kuyang driver.
"Kingdom College, kuya." Sabi ko naman.
Pagkadating ko sa school may 20 minutes pa bago 'yong start ng klase namin, kaya naupo muna ako sa lounge.
Naalala ko na naman si Alex, nagsimula kami sa trip lang at nagtapos na parang 'yong 4 years e trip lang din. And saya-saya namin e. Sobra. Alam ko naman na minahal niya ako kahit papaano, kahit na tatlong beses siya nagloko nung isang taon pa lang kami. Syempre, highschool, bata pa. Pero tumagal naman kami kahit na ganun. Hanggang sa makita ko siyang may kasamang iba. Isang buwan din 'yon, sobrang miserable ko, nakipaginuman ako sa mga tropa kong lalaki, at ayun na-rape ako. Nabuntis ako pero bumalik din sa akin si Alex, at tinanggap niya. Sabi niya tanggap niya, 'di ko lang sure kung pati yun trip lang din. Hanggang sa mag-hiwalay na kami dahil sa best friend ko.
Aray, 'yong puso ko. Kumikirot na naman. Uwi na kaya ako? Baka atakihin pa ako dito.
bell rings
Nevermind, baka kaya ko naman. Papasok na lang ako. May activity pa sa FMPA mamaya.
Eto na naman ako, naglalakad nang nakayuko. Nasa ibang klase kasi sina Paige, Gico at Sha kaya wala pa akong masyadong ka-vibes, si Adrie lang ka-classmate ko ngayon sa mga kilala ko so far at sobrang tahimik niya pa at awkward dahil sa hilaw namin na break-up.
bumps into glass, napatumba
"Ros? Okay ka lang. " Sabi ni Adrie.
"Oo, okay lang ako" Sagot ko tapos pumasok na ako sa classroom.
Klase na naman ni Sir JB, ako na naman halos magdidiscuss. Paborito kasi ako ni Sir JB, ako daw kasi unang nakaperfect sa exam niya. Pagkatapos ng regular reporting ko, chineck ko phone ko at sumalubong ang chat ni Gico. Since wala naman nang gagawin, nireplyan ko na siya.
start of conversation
GICOBEE: Oy panget, may sasabihin ako.
ME: Ano?
GICOBEE: Eh nandito kasi si Rica.
ME: E? Hindi ka pumasok?
GICOBEE: Malamang. May nangyari nanaman sa amin.
ME: Congrats, may aids ka na.
GICOBEE: Gago. Ano kasi...
ME: Ano?
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...