Rosena's POV
Mock thesis defense namin ngayon, may activity pa mamayang gabi sa FMPA. Terror 'yong ininvite na panel ni Ma'am Dimples kaya naman halos lumuha na ako ng dugo dahil ang kagrupo kong si Nicole at Shine ay tahimik pa sa tahimik.
"Last question. Sinong nagpalit ng title ng thesis niyo? Mali ito." Sabi nung panelist na isa na hindi galing sa school namin.
Si Ma'am Dimples 'yong "nag-correct" ng title ng thesis namin kaya naman napayuko ako.
"Wala kayong isasagot?" Tanong ni Ma'am Dimples.
"Kayo po Ma'am, sabi niyo po palitan namin." Sabi ko.
Natahimik naman ang panel, nabilaukan naman 'yong isa naming panelist dahil polvoron 'yong binigay ko na snack nila. Hindi na sila nakapagtanong pa uli. Pagbukas ko nung sliding door ng room, tumambad sa akin si Adrie. Group kasi nila 'yong sunod na magdedefense, buti pa nga ang mga kagrupo niya, mga bibo. E ako, kumusta naman? Hays.
Pagkatapos mag-defense nina Adrie, nilapitan ko siya para tanungin kung paano pupunta sa venue ng FMPA mamaya, kaso naman hindi ako pinansin kasi nagdadaldalan sila ni Kuya Kenny. Tinext ko na lang siya na huwag nila akong iwan kasi maliligaw ako kapag mag-isa lang ako. Tatlo lang kasi kaming representative ng school namin sa FMPA.
"Hi Ros." Pagbati ni Rica, pumunta siya sa school namin para suportahan si Gico.
"Congrats Ros." Sabi naman ni Gico.
"Thank you, need ko na umuwi may pupuntahan pa kami mamaya." Sabi ko naman.
"Saan?" Tanong ni Rica.
"Sa Laguna." Sagot ko.
"Ay oo nga pala, sayang hindi ako makakasama." Sabi niya.
"Tali mo na si Adrie." Pang-aasar ni Gico.
"Oo, i-BDSM mo haha" Dagdag ni Rica.
"Mga baliw!" Sagot ko "Bye na."
"Ingat ka." Sabi nila.
Nagpaalam na ako kay Ma'am Dimples tapos umuwi na agad ako para mag-impake, nakita ko naman sa group chat naming trainees na madaming nakaiwan ng gamit, tulad ng toiletries at extra clothes. Kaya ipinag-impake ko na rin sila. Nauna sila sa venue kasi ako, si Kuya Kenny at Adrie may defense pa. Pagkatapos ko mag-impake ng maleta kong napakabigat, tinawagan ko na si Adrie para tanungin kung nasaan na sila.
Calling Adriemunyu...
answersMaingay ang paligid niya, mukhang nasa labas siya. "Adrie, saan kayo?" Tanong ko.
"Nasa bus station na, why? Ikaw? Where are you?" Tanong niya pabalik.
"Huh? Sabi ko huwag niyo ako iwan." Sagot ko.
"Wala ka naman sinabi." Sabi niya.
"Nagtext ako." Sabi ko sa kanya na may halo nang inis.
"Ay sorry. See you na lang." Sabi niya.
ends call
Nagmadali na akong umalis, iniwan sina Adie at Roie sa bahay nina Adrie at bumyahe na pa-Laguna dala ang maleta kong makapanlaglag-matres ang bigat.
Adrie's POV
Today is also the nationwide of the FMPA, the theme is greek gods and goddesses. We were all wearing costumes and having a fashion show at the moment. It's Rosena's turn to walk on the runway, she actually arrived very late to the venue because she was lost and had to ride different buses to get here. I was assigned to take pictures, so I'm seeing her through the lens of the camera.

BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...