Gico's POV
Mag-iisang buwan na mula nung umalis si Rica. Ang alam ko lang, nasa LA siya pero hindi ko alam kung saan siya nakatira do'n, anong trabaho niya, at kung ayos lang ba siya. Ang alam ko lang, si Ros ang ginagawa niyang tulay para makita si Galaxy. Hindi lang 'yon, halos si Ros na rin ang pumalit sa kanya sa pag-aalaga sa anak namin.
"Gico, kain na. Tulaley ka diyan." Sabi ni Ros na buhat-buhat ang chubby kong anak.
Nasa Kingdom Park Café kami ngayon, Valentine's Day kasi at dito kami nag-celebrate magtrotropa. Kasama rin si Kairo na boyfriend ni Sharine, kasi sure kami na hindi namin siya maisasama kung hindi.
"Axyyy." Laro ni Ros kay Galaxy habang si Adrie naman titig na titig sa kanila ni Galaxy at nakaabang ang isusubong pagkain kay Ros.
"Hoy, anak ko 'yan ha, gawa kayong inyo" Pang-aasar ko kay Ros.
"Pakyu" Bulong niya habang tinatakpan ang dalawang tenga ni Galaxy.
"Anu ba 'yan? Ang babagal niyu naman kumain." Reklamo ni Paige na nasa pagitan ko at nina Sharine at Kairo na naghaharutan habang kumukuha ng Nachos."Bispren, magjowa ka na kasi" Sabi naman ni Sharine.
"Ayuku, ew." Sabi naman ni Paige.Nagtawanan kami.
"Oy Rosena, kanta ka nga." Sabi ko kay Ros. "Amin na muna si Axy."
"Sandale." Sabi ni Ros na puno pa ng pagkain ang bibig akala mo kuneho e.
Maya-maya pa, umakyat na siya sa stage at namili ng kanta."Muling lalapit ang liwanag sa paligid
At ang tinig na sa aking nagsasabing
Hindi mapipigil ang mundo
Papatunayan ang pangako
Dahil kailangan ka, kailangang pakita natin tayo'y iba
At kahit pa hindi papipigil sa mundo... Let's go!
At sa umagang darating, lahat ay aking kakayanin" Hyper na pagkanta ni Rosena sa stage ng Kahit Pa ng Hale.
"At ang ihip ng hangin ay darating
Bigla lang titigil ang mundo
At ang lahat ay maglalaho. Sabay-sabay!" Patuloy na pagkanta niya.
"Dahil kailangan ka, kailangang pakita natin tayo'y iba
At kahit pa hindi papipigil sa mundo
At sa umagang darating, lahat ay aking kakayaninAt kahit pa ikaw lang at
At kahit pa ikaw lang at..." Sabay-sabay naming kanta.
Ang iingay namin, palibhasa panay couple nasa paligid namin at kami ang pinakamaraming magkakasama.Pagkatapos kumain, pumunta kami sa thrift shop para mamili ng susuotin para sa College Night. Pwede naman kaming mag-rent o kaya sa mall bumili pero masyadong mahal 'yon para sa isang gabing suotan lang. Nakababy carrier si Galaxy sa akin habang namimili ako ng susuotin. Si Rosena pinapakita kung anong mas bagay sa kanya na long dress kay Adrie, ganun din si Sharine kay Kairo. Nagkatinginan kami ni Paige.
"Sa akin, Gico, ano mas bagay?" Paggaya ni Paige kay Rosena at Sharine.
Napatingin sila sa amin. Natawa naman ako, kasi chicken costume at fairy costume 'yong hawak ni Paige.
"Mukhang mas bagay kang maging manok." Sagot ko.
"Sige susukat ko." Sabi niya naman tapos dinala 'yong chicken costume sa fitting room.
"Hoy! HAHAHA, ito bagay sa iyo na dress." Sabi ni Ros na sumunod kay Paige sa fitting room habang hawak rin ang isusukat niya.
Kami namang tatlo nina Adrie at Kairo, namili lang ng polo dahil ganon lang naman ka-simple ang buhay ng lalaki, si Kairo sobrang simple lang ang pinili dahil hindi naman siya taga-school namin. Pagkatapos namin mamili ng damit, tumambay kami sa park.
"Anong tagalog ng orange?" Tanong ni Paige.
"Orends" Sagot naman ni Ros.
"Gagi 'di ba kahel?" Tanong ko naman.
"Wala akong alam diyan." Sabi ni Adrie.
"Dalandan ata be." Sabi naman ni Sharine.
"It's easier said, Dalandan." Sabi naman ni Ros.
"Ano ba talaga? Wait." Sabi ni Adrie na nag-Google na. "There's a lot to unpack here."
"Nga pala, Happy Valentine's Day!" Sabi ni Ros tapos binigyan kami ng paper roses at mga letter galing sa bag niya.
Ito na naman si Rosena sa mga letter niya.
Itim at pula sa akin, pula kay Sharine, yellow at pula kay Paige, pula at green kay Adrie. Tig-tatatlo kami ng bulaklak.
Rosena's POV
College Night ngayon, inaantay ko si Adrie na sunduin ako. Suot ko ang binili namin sa ukay na white lace knee length dress at nakatingin ako sa salamin. Bigla naman lumapit sa akin si Adie, may dala siyang white na rose, si Roie naman may dala na sunflower.
"Halaaa, ang cute naman ng mga baby namin na 'yan. Thank you." Sabi ko habang kinukuha ang flowers sa mga anak namin ni Adrie.
"Hi, beautiful." Sabi naman ni Adrie.
Pagtingala ko, nakita ko siya. Nakagray na suit, puti na polo, gray na necktie, gray na pants. Ayos na ayos ang buhok niya tapos nakangiti pa siya sa akin.
"H-hi, h-h-handsome" Sabi ko tapos tumayo na ako.
"Why are you stuttering? Huh?" Sabi niya tapos niyakap ako.
K-kasi k-kasi ang gwapo gwapo moooo, ano ka baaaaaa?!
"Wala. Need ko lang ng water." Sabi ko tapos pumunta ako sa kusina kasi homayghaaad.
"Tara na." Pag-aya ni Adrie.
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...