Practice Prenup

108 84 14
                                    

Rosena's POV

"Roooooooooos! Kuya Adriiiiiiiiie! Gising naaa!" Pagkalakas-lakas na boses ni Paige

Nag-inat naman ako, pagtingin ko kay Adrie, kumukurap-kurap lang.

Naghahang pa, kagigising lang kasi.

"Good morning Paige" Sabay naming sabi ni Adrie.

"Good morning! Tara na dun sa kabila." Sabi ni Paige.

"Okay" Sagot ko, unti-unti na akong bumabangon nang bigla akong hawakan ni Adrie.

"5 minutes." Sabi niya.

"E, hindi, tara na." Sabi ko tapos hinatak na siya para bumangon na rin siya.

Naglakad na kami pababa sa kubo nina Gico, pagdating namin, tinulungan ko agad si Gico sa pagluluto, si Adrie naman nagkape muna kasi tulog pa ang kalahati ng katauhan niya.

"Bro ang phone mo nand'yan sa tabi ng container na blue" Sabi ni Gico. "Naiwan mo kagabi."

"Thanks bro." Sabi ni Adrie nang nakakunot ang noo, iniisip niya siguro kung paano niya naiwan nang hindi niya napapansin.

Si Paige nagvivideo ng paligid habang nagluluto kami, matapos niya videohan ang paligid, kami naman vinideohan niya.

"Ros, okay na ba 'yong niluluto mo?" Tanong ni Gico sa akin.

"Oo." Sagot ko sabay tanggal ng kawali sa ibabaw ng siga.

"Gago, baliktad t-shirt mo." Sabi ni Gico nang patawa-tawa nang magkaharap kami.

Tumawa din si Adrie habang kumakain ng tinapay.

"Design 'yan, tanga." Pagpapalusot ko.

Pagkatapos namin magluto ni Gico, dinala na namin ang mga pagkain sa gazebo malapit sa pool, nilatag ang dahon ng saging, tapos inayos ang pagkain sa ibabaw ng dahon ng saging.

"Guys, tara na!" Pagsigaw ni Gico.

Nagpunta na sina Paige sa gazebo. Nagdasal muna kami, si Paige ang nanguna.

"Lord, maraming salamat po sa lahat ng pagkain na nakahanda sa hapag. Maraming salamat po sa panibagong umaga. Sana po'y maging maayos ang panahon ngayong araw. Sana po'y gabayan niyo kami. Amen." Dasal ni Paige.

"Amen." Sabi namin nang sabay-sabay.

Tumabi si Adrie sa akin at ipinaghiwa ako ng minatamis na saging. "Para hindi ka malungkot."

Natawa naman ako.

"Ay hindi 'yang saging na 'yan ang magpapasaya kay Ros." Pagbibiro ni Gico.

"Tantanan mo Gico ha." Sabi ko naman.

Nagtawanan sina Paige.

Pagkatapos namin mag-almusal at mag-ligpit, tumambay kami sa tabi ng lake. Sobrang ganda ng view dun sa lake kaya matagal-tagal din kami nanahimik na para bang may dumaan na anghel.

Binasag naman ni Paige 'yong katahimikan, "Pagkatapos kaya ng college magkakasama pa tayo ng ganito?"

"Oo naman." Sagot ko.

"Sus, kayo kasi ni Adrie magkasama na talaga non." Pang-aasar ni Sha.

Wala pa ngang kami e.

Nagkatinginan kami ni Adrie.

"Kita niyo, tinginan niyo pa lang alam na e." Sabi ni Sha.

"Pero 'di naman imposible na magkasama pa tayo nang ganito after college." Sabi naman ni Gico nang seryoso. "Willing naman ako maging driver." Dagdag niya pa.

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon