Rica's POV
"Anak, ayan ba talaga ang gusto mo gawin sa buhay mo?" Tanong ni Daddy sa akin, kakauwi lang ni Adrie.
'Di ko naman alam kung bakit iniwan pa ako dito, pwede naman akong isama pauwi.
"Opo." Sagot ko. "Kaya ko na po as long as I'm with Adrie"
"Anak, huwag mo sana masamain 'tong tanong ko, kay Adrie ba talaga ang bata?" Tanong ni Mommy. "Huwag mo sana pahirapan 'yong tao kung hindi naman sa kanya 'yan, what if kay Gic-"
"Hayaan niyo na po muna ako, mommy, daddy. Sana po gusto muna namin ni baby ang masunod.""Okay, anak mabuti at mabait ang nakadali sa iyo at papanindigan ka. Magpapakabait ka duon a, dadalaw kami ni Mommy mo." Sabi ni Daddy na naiiyak na.
"Bakit po kayo naiyak? Hindi po ba kayo masaya na magkakaapo na kayo?" Tanong ko.
"Happy kami anak, it's just that hindi ka pa tapos sa pag-aaral." Sagot ni Mommy.
"Mommy, mag-aaral pa rin ako, matatapos ako sa pag-aaral ko, I promise." Sabi ko kay Mommy.
I packed my things at hinintay ang message or tawag ni Adrie if susunduin na niya ako, pero hindi siya dumating or tumawag at nag-message man lang kaya natulog na lang ako.
Morning
opens chat
DADDY ADRIE: Hi, I have a school project muna that I need to attend to, please send na lang sa akin 'yong Doctor's Prescription so that I can have Ate Maya buy you the vitamins that you need. Kuya Andrin will be picking you up there, stay muna sa guest room. I'll be home later.
ME: Pero, you said you will stay with me, bakit sa guest room ako? 😔
DADDY ADRIE: I said, you can stay sa house. Take care. I'll be busy.
ME: I love you.
DADDY ADRIE: I love the child.
closes chat
Napairap na lang ako sa pagiging ice king ni Adrie.
Dapat inaalagaan niya ako e. Dapat hindi siya umalis.
Maya-maya, sinundo naman ako ni Kuya Andrin as promised, hindi niya ako pinasakay sa passenger seat, bawal daw ang buntis sa unahan.
"Hey Rica, how are you?" Tanong ni Kuya Andrin.
"I'm fine Kuya Andrin." Sagot ko naman.
"Are you sure na sa brother ko 'yan?" Tanong ulit ni Kuya Andrin habang tumatawa. "I mean, his or Gico's, either way pamangkin ko 'yan."
"Yes Kuya, sa brother mo ito." I rolled my eyes
Pagkarating namin sa bahay nina Adrie kinuha nung mga maid ang mga gamit ko, nag-relax na ako sa guest room tapos binigyan ako ni Ate Maya ng vitamins at milk. Nag-crave naman ako sa patatas at popcorn na sinawsaw sa chocolate kaya nagpahanap na rin ako sa mga maid. Tinrato nila akong parang prinsesa.
Ahh. What a life.
Rosena's POV
Kagrupo ko si Adrie sa Advertising project namin, kung saan kailangan namin gumawa ng commercial.
Kagrupo namin sina Elle, Casey, Leanne, at Shine. Hindi kasi namin kaklase sina Gico, Sharine, at Paige sa subject kaya hindi rin namin sila makakagroup.
"How about 'yong atin candy na nagbibigay ng energy?" Sabi ko out of nowhere dahil lahat kami nakatulala pa.
"Baliw ka talaga." Sabi ni Elle habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...