Rosena's POV
"Oh baba na, nandito na tayo." Sabi ni Gico. Nakatigil na kami sa tapat ng apartment ko na apartment nila.
Ah ewan, gulo.
Sa sobrang lutang ko naman nag-mano ako kay Gico nasanay kasi akong tita ko ang naghahatid sa akin. Humagalpak naman siya ng tawa. Umiling na lang ako at bumaba mula sa kotse niya. "Salamat Gico" Sabi ko bago isara ang pinto.
"Walang anuman, apo kong hamster." Pang-aasar niya habang nakangiti pa din, nawala na naman 'yong mata, baka naiwan sa school.
Hayyy, ang hirap din pala na mag-isa. Parang kahit anong ganda nitong apartment e wala akong iloolook forward para umuwi, kundi pahinga.
Sinearch ko ang 'Incredivlogs' sa YouTube at nakita ko ang mga video nina Paige, Sharine, Gico at Adrie na magkakasama. Parang promotional vlog ng school but at the same time, trips nilang magkakaibigan sa kung saan-saan. Nalibang ako sa panonood ng vlogs nila lalo kapag pinaprank na si Paige na ang lakas-lakas kasi lagi ng boses pati tili at kasama nila ang iba pang classmates namin na hindi ko pa kabisado by name. May napansin ako na babae na kapag nasasama sa vlog e sobrang lapit kay Adrie, parang GF niya.
Ah, may GF siya, which is okay lang. Okay lang 'di ba? Siguro ganun lang talaga nila asarin si Adrie. Para mag-away sila ng GF niya? Hehe. Hehe. Hehe.
Kingdom College
Naglalakad ako sa hallway nang biglang may makabunggo na naman sa akin, without looking, inassume ko na si Gico na naman ang nakabunggo sa akin "Gico, ano ba?!"
"Sorry" Paghingi ng tawad ni Adrie, pagtingin ko sa kanya, sobrang dami niyang dala na libro at nagkalat ang iba sa sahig, wala rin sina Gico, Paige at Sharine.
"O-okay lang. Akala ko si Gico na naman. Sorry" Paghingi ko ng umanhin pabalik tapos tinulungan ko siya na pulutin ang mga nahulog na libro. Pagpulot ko ng isang libro, may nahulog na papel at may hindi tapos na drawing na babae. Bigla niya naman kinuha sa akin 'yon.
Ngumiti ako nang mapang-asar sabay tanong "GF mo?"
"H-huh? H-hindi. W-wala akong GF." Sabi niya sabay ipit nung papel sa libro.
Yeah sure, wala kang GF.
"C-can you go with me to the library so I can return these?" Pag-iiba niya ng topic habang naglalakad kami.
"Okay, matagal pa naman bago ang first na class" Sagot ko.
"Yeah, classmates tayo." Sabi niya nang nakangiti.
"Oo nga pala" Patawa-tawang sagot ko.
"Sabaw" Bulong niya.
"Narinig ko 'yon" Sabi ko sabay sundot sa baywang niya. Tumawa naman siya.
"AYIEEE!" Pangangantyaw na walang ibang pinanggalingan kundi si Paige. Papalapit sila sa amin at nakita namin na nagvavlog sila. Tinakpan naman ni Adrie ang mukha niya at ako naman tumalikod agad. Naglakad kami papunta sa library na parang walang naririnig habang nakasunod pa rin 'yong tatlo.
"Oh, hamster, BF mo?" Tanong ni Ma'am Abad na kasama ni Ma'am Elsa nang makasalubong namin sila. "Ito 'yong estudyanteng kwinekwento kong nagdrawing ng hamster sa loob ng aquarium" Kwento niya kay Ma'am Elsa.
Nag-bow na lang kami habang nakalagay ang kanang kamay sa dibdib bilang paggalang sa kanila.
"Alam niyo ba, kanina pa kami nakasunod sa inyo" Sabi ni Gico. "Ingay kasi netong si Paige"
"Sana tinulungan niyo si Adrie 'di ba?" Pagtataray ko naman habang patuloy na naglalakad.
"Oof" Pabulong na sabi ni Adrie.

BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomanceIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...