Not the day

89 71 28
                                    

Adrie's POV

I looked at the ring I had custom-made for Ros as I contemplate if this is the day that I will give it, or not. I just don't want to make it worse for her but I really don't know what I'm supposed to do. She's definitely worth it, but the timing is not in our favor.

"Ang gwapo naman ng brother ko na 'yan!" Kuya Andrin said. "Gragraduate na, naks naman."

It's my graduation day, and all my bags are also packed for my flight is already early in the morning tomorrow. I laid down on my bed, the bed that I used to share with Ros a lot. The bed that witnessed a lot of our moments together, the ups and downs. I am now surrounded by boxes ready for my move to the US, waves of nostalgia wash over me. This room holds countless memories, especially those shared with Ros. I can't help but smile as I remember our laughter echoing off these walls, our late-night conversations, and stolen glances.

"Tara na Adrie, baka ma-late tayo sa graduation mo." Mommy said.

I sighed then stood up.

Lord, give me a sign if this is the day or not.

Rosena's POV

Graduation nina Adrie ngayon, huling nakita ko siya nung graduation photoshoot dahil nagpapic kami na magbabarkada na kasama ako, na hindi gragraduate this year. Aawardan din kami nina Shine at Nica dahil kami ang champion sa business plan competition nung nakaraan, kaya kasama din talaga kami sa graduation.

Sinuot ko ang binigay ni Ate Anne sa akin na dress at sapatos, binitbit ang mga regalo ko kina Adrie na sunflowers, office supplies, at letters, at lumabas na ng apartment ko. Bumuntong hininga ako bago lumabas dahil parang bumalik sa akin lahat ng kulitan namin ni Adrie sa apartment kong 'to. Kung 'di ko lang narinig ang boses ni Gico, maiiyak pa ako.

"Yaya Rosena!" Pagtawag niya.

Sumakay na ako sa van nina Gico, pagkasakay ko binuhat ko si Galaxy na tawa naman nang tawa agad. "Axyyyy" Pagtawag ko sa kanya.

"Xyyyy" Paggaya niya, nagulat ako, ayun ang first word niya.

"Gico narinig mo 'yon?" Tanong ko.

"Galaxyyy" Sabi ko kay Galaxy.

"Xyyyyy" Paggaya niya, napalitan ang lungkot ko ng tuwa.

"Hindi man lang Daddy." Reklamo ni Gico.

"Ddy?" Sabi ni Galaxy.

"HALAAAA!" Sigaw ko.

Natawa naman ang mga ate ni Gico pati ang Mamay at Papay niya.

Bago bumaba ng sasakyan, binigay ko kay Gico ang gift ko sa kanya.

"O ano na naman 'to? Papaiyakin mo na naman ako?" Tanong niya.

"Hindi a. Ikaw talaga lagi kang may side comment bago thank you." Sagot ko naman.

"Thank you Yaya Ros." Pasasalamat niya, napairap na lang ako.

Pumasok kami sa Kingdom College na buhat ko si Galaxy at ang mga regalo ko sa iba pa naming mga kaklase na gragraduate na.

"Congrats." Pagbati ko kina Elle, Casey, Leanne, at Nica tapos inabutan ko sila ng regalo ko.

"Thank you" Sabi nila tapos kanya-kanya sila ng beso sa akin.

"Hi mga be, congrats." Pagbati ko naman kina Zarra, Nicole, at Jewel tapos inabot ko sa kanila ang regalo ko.

"Shariiiine, Paaaaige, congrats!" Bati ko kina Sharine at Paige na nasa likod nina Maine. Inabutan ko na rin sila ng regalo ko.

Labo: Silent ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon