Rosena's POV
Nakatingin lang ako sa lake habang paunti-unting bumababa 'yong araw. Nakatalikod lang ako sa may entrance ng Kubo namin bago yung pinto ng kwarto. Bigla ko na lang naramdaman na may humawak sa balikat ko.
Ano ba naman 'to, wala manlang salita-salita.
"Last night na natin dito mamaya" Bulong ni Adrie. "Uuwi ka na sa apartment mo bukas?"
"Yep." Sabi ko.
"Titanic ang peg?!" Sabi ni Paige habang nakatayo sa may Kubo nila at nakatingin sa amin. "Near far, wherever you are. I believe hmm hmm hmm..." Pagkanta ni Paige habang vinivideohan kami.
"Ano ano? 'Di mo na alam ang susunod 'no?" Pang-aasar ko.
"Alam ku ay." Sabi ni Paige. "I believe that the heart is go on." Pagkanta niya.
Natawa naman kami ni Adrie.
"...Every night in my dreams, I see you, I feel you..." Pagtuloy ni Paige ng kanta habang papikit-pikit pa at nagvivideo pa din. "...hmm hmm hmm hmm hmm hm go on."
"Pasok na tayo sa kwarto. Rest tayo." Bulong ni Adrie.
Pumasok kami sa kwarto at hinayaan namin si Paige na kumanta dun.
"Ay? Asan na 'yong dalawa?" Napatigil si Paige sa pagkanta.
Tumawa kami ni Adrie.
Naupo kaming dalawa sa may bintana. "Sa amin ka na mag-stay." Sabi niya
"Baliw ka ba?" Tanong ko.
"Mas malapit sa school, plus wala kang babayaran. Dalawa naman 'yong guest room namin or pwede ka naman sa kwarto ko matulog 'yong gamit mo sa guest room." Dagdag niya pa.
"Para kang si Mama." Sabi ko naman.
"Eh totoo naman ah." Sabi ni Adrie nang seryoso.
"Hindi niyo naman ako kaanu-ano." Sabi ko sabay talikod.
"Eh, they like you." Sagot niya.
"Ikaw, 'di mo 'ko gusto?" Bulong ko.
"Ano?" Tanong niya.
"Sabi ko pag-iisipan ko." Sagot ko.
"What if tayo nga talaga magkatuluyan like they always say?" Tanong ni Adrie.
Umm so ano? What if lang 'to? Para saan 'yong tanong na 'yon?
"Ha?" Pagkukunwari ko na hindi ko narinig.
"Inaantok ako tulog muna tayo." Sagot niya sabay higa at pikit.
"Punta muna ako kina Gico." Sabi ko.
"Dito ka lang." Sabi niya.
"Nagugutom ako." Sabi ko.
Siniksik niya naman ako sa gilid "Naiinis ka lang." Sabi niya.
Ay buti alam mo hayup ka.
"Hindi ah, gutom lang talaga ako." Sabi ko nang kalmado.
Pinakawalan niya ko, "Okay." Sabi niya.
Tumayo na ako, dumapa naman siya at sinakop 'yong buong kama.
Papalabas na 'ko ng kwarto nang bigla niya akong tinawag, " Ros"
"Oh?" Tanong ko.
"Walang kiss?" Tanong niya.
"Anong kiss?! Kiskis kita sa sahig diyan makita mo." Sagot ko.
Tumawa siya, "Hindi ka nga naiinis."
"Bakit naman ako maiinis 'di ba?" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Labo: Silent Mode
RomansaIn the whimsical setting of Kingdom College, a campus that resembles Disneyland, a love story unfolds between the quirky Rosena and the introverted Adrie. Rosena bursts into the scene as a transfer student. Determined to focus solely on her studies...