Heartbeat 1

4.5K 177 29
                                    

Heartbeat 1

Clarence Adrian Lopez

Naniniwala pa rin ako na kahit magkalayo ang dalawang tao ng napakatagal na panahon, magkikita at magkikita pa rin kayo kung iyon ang itinakda ng tadhana.

Pinalis ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. Naiiyak pa rin ako. Masyado akong nadala sa movie na pinanood ko.

Kahit na nagkalayo ng sobrang tagal na panahon si Kenjie at Athena ay pinagtagpo pa rin sila. Nagkaroon ng katarungan ang pag-iibigan nila. At sa huli ay namatay si Athena na si Kenjie ang kasama.

This movie is one of my favorite. Feeling ko kasi ay iisa kami. Feeling ko ako si Athena at ang lalaking mamahalin ko ay si Kenjie.

Hindi sa sinasabi ko na gusto kong humantong sa patayan ang love story ko. Gusto ko lang naman na mayroong taong mamahalin ako kahit na magkalayo kami, lumipas man ang mahabang panahon.

Third year highschool ng makilala ko si Clarence Adrian Lopez. Isa siya sa mga 'princes' na hinahangaan ng karamihan. I know that he's just a typical school boy pero dahil sa katangian niya lalo na ang kanyang looks ay madami ang nahuhumaling dito.

Clarence Adrian is the captain of the basketball varsity team. Isa din siya sa tinitilian tuwing may laro sila. Kasama ang dalawa niyang bestfriend na sina Niccolo at Rhein.

Matagal niya nang naagaw ang atensyon ko. Katulad ng dahilan ng karamihan, nabighani din ako sa panlabas niyang katangian. He's handsome, talented and very friendly. Pero kahit na ganon, hindi pa kami nagkakausap. Natatakot ako. But then palagi akong updated sa kanya.

Nagulat ako ng sa pagpasok namin sa isang coffee shop ay agad na nahagip ng paningin ko si Clarence na nakaupo sa isang four seats table malapit sa pintuan. Kasama niya si Niccolo doon at sumisimsim ng kanyang inumin.

Kung hindi ako nagkakamali, he's drinking his favorite frappe at binibisita niya pa ito dito kahit na may kalayuan sa school maging sa bahay nila.

Umupo kami sa malapit sa counter. Kasama ko ang dalawang bestfriend ko. Sina Lhieanne at Clara.

"Couz, nakita mo ba 'yung lalaking nasa tabi ng pintuan? 'Diba si Adrian 'yon?" Inilapit ni Lhieanne ang mukha niya sa akin noong sinabi niya iyon. She's seating next to me.

Lhieanne Gutierrez is my cousin slash bestfriend. Sabay kaming lumaking dalawa at madalas na napagkukumpara. We're cousins pero walang pagkakahawig sa aming dalawa. Siya ay may mataray na mukha samantalang ako naman ay may soft features na mukhang hindi makabasag pinggan. Wala mang pagkakahawig sa aming dalawa, we share the same personality. Maldita kaming parehas pero may pagkabaliw kung minsan.

"I know Lhieanne. You don't have to say it." Pagsusungit ko. Ngayong binanggit kasi niya ay sinimulan na naman nila ang paninitig sa akin ng mapang-asar. And that's what I hate the most. Yung inaasar ako kapag nandiyan ang taong gusto ko.

"Hanggang ganyan ka na lang ba talaga Jazz? Hindi mo man lang ipapaalam ang feelings mo sa kanya?" Turan naman ni Clara at inilapag ang order kong chocolate frappe sa harap ko. Tinitigan ko siya ng masama.

Clara Geriane Abanero is my bestfriend since I started highschool. Hindi man kami magkaklase noon ay super close kami dahil nagkasama kami sa isang club noong first year. She's pretty. Hindi ko 'yon mapagkakaila. Maamo ang mukha niya and she's always smiling. Ang problema ay weird siya dahil na rin siguro sa labis na pagkahumaling niya sa KPOP. She's a fangirl. An ultimate fangirl.

"What do you want me to do? Sabihin sa kanya na matagal ko na siyang hinahangaan? Pagkatapos ano? Wala lang?" Inirapan ko siya at sumimsim sa aking inumin.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon