Heartbeat 6
Fvck you
Prente akong nakahiga sa aking kama habang nanonood ng korean novela nang biglang nagvibrate ang cellphone ko.
Kinapa ko ang remote sa aking kama upang i-pause ang pinapanuod ko at tinignan kung sino ang nagtext pero isang unknown number. Saan ba nila nakukuha ang number ko?
Hey, miss perfect. Tomorrow morning, meet me on the cafe. We'll discuss about our task.
Naningkit ang mga mata ko. Alam na alam ko kung sino ang hinayupak na nagtext nito. Miss perfect~ Letse ka! The way na magtext pa siya a? So rude!
Binato ko ang phone ko sa kama at muling pi-nlay ang movie na pinapanood ko.
I'm always like this. Watching korean dramas alone everynight. Hindi kasi ako nanunuod sa t.v. dahil ayaw ko nang bitin at dahil may pasok din kami, di ko minsan naaabutan. Kaya mas prefer ko ang magdownload na lang at panuorin ito ng mag-isa.
Muling nagvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko ang phone ko na malayo sa akin. Tsk! Istorbo naman o!
Muli kong pinause ang pinapanuod ko. Nainis naman ako ng numero na naman ni Ulan ang bumungad sa harap ng screen.
Hey, miss perfect. Tomorrow morning, meet me on the cafe. We'll discuss about our task.
Nag-init ang dugo ko sa nabasa ko. Pinag-aksayahan ko pa ng panahon tingnan ito, yun naman pala inulit lang ng ulan na iyon ang text niya.
Imbis na lalong mag-init ang ulo ko ay tinapon ko na lang ulit ang phone ko at muling pinlay ang pinanunuod.
Maya't maya ang vibrate ng phone ko. Hindi tuloy ako makapag-focus sa pinapanuod ko. Nasa part pa naman din ako na magkikiss na si Lee Jong Suk at Park Shin Hye! Kikiligin na sana ako e!
Nang talagang wala nang pumasok sa utak ko, padabog kong pinatay ang t.v. at kinuha ang phone ko. Mabilis kong nireplyan ang last message na natanggap ko.
Ako:
Letse! Di ka titigil?
Binato ko ang phone ko sa kama at padabog na pumasok sa banyo para maligo.
Paglabas ko, may 2 new message sa screen ng phone ko. I open it at inexpect na si Rhein iyon pero nagulat ako nang 'yung isang unknown number ang nagtext.
I'm sorry, Audrey. I didn't mean to annoy you. Akala ko hindi ka busy. :(
I blink twice. He says Audrey. Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng ganito.
Totoo? I mean, si Clarence talaga yung nagtext? Clarence Adrian?
Agad kong binalikan ang last text message na nireplyan ko kanina. At ang tanga ko na naman talaga! Isa pa nga niyang number iyon!
Napahataw na lang ako sa noo ko dahil sa katangahan kong pabara-barang pagreply kahit hindi alam kung sino. Na-letse ko tuloy siya.
Waaahh! Naletse ko yung crush ko dahil sa Rhein Gabriel na iyon! Ang lakas kasing manggalit, bwiset!
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para makapaghanda na sa usapan namin ng Ulan na 'yun. Ayokong malate dahil baka kung ano na naman ang masabi sa akin. Naiinis na kasi talaga ako sa ugali nu'n at baka kapag hindi ako nakapagtimpi ay makatikim siya sa akin ng pananakit.
Bumaba ako sa sala nang bihis na at dala ang aking bag. Simpleng tops and skirt lang ako at flat shoes at handa na akong magtungo sa cafe. I also texted my two bestfriend para samahan nila ako.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Novela JuvenilTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...