Heartbeat 28
Mine
Iniuwi ko si Clara sa kanila nang lasing na lasing. Nasermonan pa ako ni Tita Alejandra dahil hinayaan ko daw ang anak niya na uminom. Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil sinamahan ko hanggang pag-uwi ang kanyang anak.
Kinabukasan, maaga akong pumasok upang magawa ang planong matagal ko nang pinag-isipan.
Nagrecord ako ng kantang alam kong magugustuhan niya at inilagay ang usb na may copy nito sa kanyang locker kasama ang isang pulumpon ng pulang rosas.
Ngiting-ngiti ako ng makita ko siyang pumasok sa room na dala ang rosas at usb. Binabasa niya ang letter na kasama habang naglalakad siya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magkasalubong ang mga mata namin. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko nilagay ang pangalan ko. Tanging greetings lang iyon at iyon lang.
Ayaw niyang nagbabasa. Mas gusto niya ang nanonood at nakikinig. Kaya ko naisipang magrecord na lang ng kanta.
"Niccs..." Nagulat ako sa pagkulbit sa akin ni Adrian.
Akala ko ay si Clara na! Kinabahan ako.
"What kind of expression is that Niccolo? So priceless!" Humagalpak siya ng tawa at tumabi sa kinauupuan ko.
"F*ck you, bro!" 'Yun na lang ang nasabi ko at napatingin sa babaeng tinapon ang sulat sa basurahang nasa tapat ng classroom.
"Damn it!" Bigo na naman ang ginawa ko.
Matapos ang klase ay dumiretso ako sa practice ng basketball. Si Adrian ay nandoon na sa court at nagi-stretching. Hindi ko makita si Rhein at paniguradong babae na naman ang inuna no'n.
Mabilis akong nagbihis ng panglaro at pumasok sa court para masimulan na ang practice. May larong gaganapin laban sa kabilang school sa susunod na linggo. Patayan na naman kami dahil ilang linggo din kaming hindi naglaro miski nag-ensayo.
Ipapasok ko na ang bola sa ring ng mahagip ng mata ko si Clara na nakasuot ng rashguard at ang iba pa niyang kasama patungo sa swimming pool. Fit na fit sa kanya ang kanyang suot at kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan.
Nasa swimming naman ang interes ni Clara maliban sa pagiging fangirl. Ilang taon na din siyang nasasali sa kompetisyon dahil sa passion niya rito.
Nakalugay ang basa niyang buhok habang nakangiting nakikipagkwentuhan sa kasama niyang lalaki. Bigla akong nairita.
Ang bolang ipapasok ko sana sa ring ay marahas kong ibinato patungo sa lugar ng lalaking halatang tuwang-tuwa na makipag-usap kay Clara. Sakto naman napaharap siya sa paparating na bola at tumama sa mukha niyang may hawig sa aso. Napangisi ako.
Nagsigawan ang mga babaeng nakakita at pinalibutan ang lalaking aso na 'yon. Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Clara habang nakataas ang kilay. Alam kong alam niya na sinadya ko iyon.
Lumapit siya sa akin ng nakakunot ang noo. Nawawala ang tingin ko sa kanyang mukha at nalilipat sa katawan. Fuck, Niccolo! Sa mukha ka tumingin.
"What was that?" Taas kilay niyang sabi.
"Nadulas ang bola sa kamay ko." Ngumisi ako. Tinatago ang kaba sa dibdib ko.
"Ang galing naman. May force." Sarkastiko niyang turan. Nakangiti siya pero ang kilay niya ay nagtaaasan.
Nawala ang ngisi ko. "Okay, sorry! Ang sarap lang kasing bangasan ng mukha ng ugok na 'yun!"
"Wait, Nics, are you jealous?" Matawa-tawa siya ng sinabi iyon.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...