Heartbeat 7

1.7K 100 17
                                        

Heartbeat 7

JaRhein

Hinila ako ni Clara papasok sa CR. Sabi niya ay aayusan niya ako para magmukha naman daw akong tao. Kung ano-anong bagay ang pinaglalagay niya sa mukha ko kaya naman binatukan ko siya pagkaharap ko ng salamin.

"Ano bang ginawa mo sa mukha ko Clara?! Mukha kang timang!" Naghilamos ako ng mukha. Pootek na Clara! Tama bang lagyan ng make-up e haharap lang naman ako kay Clarence?

"Ang shunga mo talaga, Jazz! Hindi ka marunong umappreciate ng make-up!"

"Edi nagtaka naman sila kung bigla akong nagmake-up? Tabi nga!"

Nanakbo kami sa locker room para kunin sa locker ko 'yung cake na binake namin kanina sa baking class. Kinakabahan pa ako habang inilalabas yun. Hindi ko kasi alam kung paano ko iaabot kay Clarence.

"Dalian mo, Jazz. Iaabot mo lang naman. Ayun sila o! Sa usual spot." Turo ni Lhieanne sa bandang pintuan ng cafeteria.

Saktong pagtingin ko 'dun ay ang paglingon ni Clarence kaya nagkatagpo ang mga mata namin.

Shemmmay! Biglang nanginig ang tuhod ko!

"Hey! Dito na kayo, Audrey!" Tawag ni Clarence at iminuwestra na pumwesto kami sa table nila. Nakangiti siya! My god! Feeling ko sasabog ang puso ko sa kilig.

Gusto kong lumapit na agad doon pero nandoon ang kumag na Rhein na 'yon! Feeling ko kapag nakikita ko talaga ng malapitan ang panget na 'yun ay awtomatikong nag-uumapaw sa galit ang emosyon ko.

"Dali lapit na." Tinulak ako ni Lhieanne.

"Sabi niyo sasamahan niyo ako." Nakipaghilahan pa ako sa kanila bago kami nakarating sa table nila Clarence.

Dahil baka kapag wala akong kasama ay walang aawat sa akin na magulpi 'yang Rhein na 'yan.

Nagkasalubong ang mata namin ni Rhein. Biglang nag-init ang ulo ko. Pinandilatan ko siya habang siya naman ay nakakunot ang noong nakapangalumbaba.

"Huy! Ibigay mo na!" Siniko ako ni Clara sa tagiliran.

"Oo na, saglit lang!" Bulong ko.

"U-uhmm.. Cl-clarence o. Para sa'yo!" Nahihiyang inabot ko sa kanya ang kahon ng cake.

Lalong lumawak ang ngiti ni Clarence at iminuwestra na umupo daw kami. Nakangiti naman kaming umupo sa bakanteng upuan.

Pero nawala ang ngiti ko ng makitang nakatingin pa rin si Rhein sa akin ng masama. Ginantihan ko din siya.

"Bubuksan ko na a?" Hindi pa rin mawala ang ngiti ni Clarence kaya doon na lang ako tumingin sa kanya. Gusto kong malaman kung anong magiging reaksyon niya kapag natikman niya ang binake ko.

Alam kong hindi ako marunong magluto pero ibahin mo ang kakayanan ko kapag nagbake na ako.

Sinimulang buksan ni Clarence ang kahon at aktong titikman niya na ito ng si Rhein pa ang unang sumundot sa cake.

Nagulat ako sa ginawa niya. Nanlaki ang mata ko. Maging si Clarence ay hindi na nakadukot sa cake dahil sa gulat.

Dire-diretsong inilagay ni Rhein ang daliri niyang may icing sa bibig niya. "Ang sarap a? San mo nabili?" Painosenteng turan niya.

Biglang nag-init ang dugo ko. Hindi na talaga ako makapagtimpi sa lalaking ito!

Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko at hinarap ang walanghiyang Rhein Gabriel.

"Ano ba, Rhein?! Hindi ka na ba talaga titigil?" Singhal ko sa kanya. Inaawat na ako ni Lhieanne at Clara pero hindi na ako magpapaawat pa.

"Easy, Jazz. Hayaan mo na!" Kalma sa akin ni Lhieanne.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon