Heartbeat 27

1.1K 68 1
                                    

Heartbeat 27

Mahal

Pinagmamasdan ko si Clara habang masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.

Nakapwesto ako sa di kalayuang mesa mula sa kanila. I'm always like this. Looking at the girl I really love the most.

Nakasanayan ko na siguro na ganito palagi kahit naman pwede ko siyang lapitan at makipagkaibigang muli sa kanya. Pero dahil sa takot ko na hindi niya na kayang ibalik ang dati naming pagkakaibigan ay hindi ko na ginawa.

"Hey, dude." Bati sa amin ni Rhein pagkarating niya sa table namin.

Awtomatikong napatingin ako kay Clara. She's looking at our table, partikular kay Rhein. Alam kong may gusto siya sa kaibigan ko but I can't do anything. Hindi ko naman pwedeng ipagbawal sa kanya. I'm a nobody to her.

Nagulat ako nang makitang nakaupo na si Clara sa tabing upuan ko. Nakangiti siya ng malawak at nakipag-usap kay Rhein.

I missed her. I really missed her.

Gusto ko siyang yakapin at kumustahin pero hindi ko magawa. Hanggang tingin na lang ako.

"I'll introduce you all sa bestfriends ko. Kung okay lang sa inyo." Nakatingin lang ako sa tasa ko. Nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Sure." Sabi ng dalawa.

"How about you, Niccs? Game ka?" Napatingin akong bigla sa kanya.

Hearing her say my name is happiness. Ngayon ko lang nalaman na alam pa rin pala niya ang pangalan ko.

"Huh?" Wala sa sarili kong turan. Hindi maproseso sa utak ko ang tanong niya.

"I said if it's okay to you na ipakilala ko kayo sa bestfriends ko." Nakangiti siya. I miss even her innocent smiles.

"Yeah. Sure. Walang problema."

Doon ko narealize na hindi pa pala huli ang lahat para maibalik ang closeness naming dalawa.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap at makasama siya dahil sa pagsasama ng grupo ng mga kaibigan naming dalawa. Sobrang saya ko dahil lalo siyang napalapit sa akin pero hindi ko lubusang magpakasaya lalo na't ang taong gusto niya ay ang kaibigan ko.

Pinapanood ko lang siya. Kung paano siya mapasaya sa mga simpleng text at pag-uusap nilang dalawa ni Rhein. Hindi ko maiwasang magselos sa kaibigan ko pero katulad ng dati, wala kasi akong karapatan.

Lumabas ako ng bahay nila Rhein matapos kong kumain ng breakfast. Clara didn't ate kaya hinanap ko siya. Nakita ko siya sa garden na nakayuko. I heard her sobs.

"What's wrong, Clara?" Lumapit ako sa kanya. Humarap siya sa akin nang nakasimangot at may luha at uhog na tumutulo sa kanyang mukha.

I suddenly remembered memories from the past. Ganito rin siya noon kapag umiiyak. Lahat ng likidong pwedeng lumabas sa kanyang mukha ay nakikita.

"Nicnic..." Napangiti ako.

Namiss ko ang tawag niyang iyon. Hinila niya ang kamay ko papalapit pa lalo sa kanya.

"Bakit?"

"Nasasaktan ako sa ginagawa ng mga kaibigan natin. Hindi ko sila maintindihan."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Anong ikinalilito niya sa mga kaibigan namin?

"Kagabi, sinabi na ni Rhein na may gusto din siya sa akin. Not totally na sinabi niya kasi knowing Rhein, he doesn't express his true feelings. Pero kagabi rin, nung bumaba ako para uminom ng tubig, I saw Jazz and Rhein talking about their relationship. Nasaktan ako."

Nagtaka ako. Jazz and Rhein together?

Si Adrian ang nanliligaw kay Jazz a? Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

Pero mas hindi ko matanggap ang sinabi niyang sinabi sa kanya ni Rhein ang nararamdaman nito para sa kanya.

"Baka naman mali ka lang ng dinig."

"No. I heard it clearly. Merong sila."

"So, anong balak mo?" Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luha sa kanyang mata.

"Hindi ko papansin si Jazz. Inagaw niya sa akin si Rhein."

Hindi na nga niya pinansin si Jazz. Natatawa ako sa pagiging childish niya pero mas ikinasisiya ko na kami ang madalas na magkasama.

"Ihahatid na kita sa inyo, Clara, gabi na kasi."

"Hindi na. Kaya ko naman."

"I insist. Malalim na ang gabi. Hindi ko hahayaan na mapapano ka."

Pumayag siyang magpahatid. Pero nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang magbago ang isip niya at nagpahatid na lang papunta sa bar. Noong una ay hindi ako pumayag dahil delikado pero sa huli ay siya pa rin ang nasunod.

Sa pinakamalapit lang na bar dito sa taguig kami nagpunta. Hindi pa gano'n kalalim ang gabi kaya naman nang pumasok kami sa isang bar ay halos wala pang usok gawa ng sigarilyo at mga lasing na tao ang nasa dance floor. Iilan pa lang kami, hindi pa lalagpaas ng dalawampu.

Pinapasok kami ng nagbabantay dahil kilala ako bilang pinsan ng may-ari. Sinadya ko na dito talaga siya dalhin para alam kong safe siya. Mahirap na at baka kung ano ang mangyari. Hindi ko rin kasi alam saan ang bar ng kanyang kuya. Pero kung doon ko siya dadalhin, baka magalit pa sa aming dalawa iyon.

Dumiretso siya sa bar counter at doon umorder ng pinakamalakas na tama ng alak. Pinigilian ko siya at inutos sa bartender na 'yung light drink lang. Aangal pa siya pero wala na siyang nagawa.

Pinanood ko ang pag-inom niya. Bawat inom niya ay ang paglalabas ng inis niya sa bestfriend niyang si Jazz. I know that she's not really angry. Nagseselos lang siya sa nalaman niya.

"I can't believe Jazz, Niccs! Buong akala ko ay patay na patay siya kay Adrian pero anong naging ending? Sila na ni Rhein?" Muli niyang ini-staight ang alcohol mula sa kanyang shot glass.

"We don't know the true story. Sana nagtanong ka muna sa kanila. Malay mo, isa lang palang palabas ang lahat?" Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Hindi makapaniwalang iiling-iling.

"Ano? Hinire niya bilang girlfriend si Jazz para lang may ipantakip sa Daddy niya? That's impossible! 'Tsaka, of all people? Si Jazz pa?!"

Nabakas ko na ang kalasingan sa kanyang sistema. Ang kanyang tingin ay kung saan-saan na napupunta. Wala na itong pokus maging ang paghawak niya sa shot glass.

Matagal ko nang gustong itanong ito sa kanya. Wala lang akong lakas ng loob na tanungin siya dahil hindi tulad ng dati ay sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nagbago na kasi, hindi na kami tulad ng dati.

"Gano'n mo ba talaga kagusto si Rhein?"

Masakit para sa akin ang tinanong ko. Alam kong maari akong masaktan sa ginawa kong iyon pero paano mabibigyang kasagutan ang aking mga katanungan kung hindi ako susugal?

"Yeah, hindi man halata sa akin pero I'm freaking serious! Minsan lang ako maging ganito. Gusto ko, ako ang palaging hinahabol."

She finally answered all the questions in my mind.

Parang libo-libong kutsilyo ang tumusok sa aking dibdib nang marinig iyon mula sa kanya. Ang sakit pala talaga. Ang sakit-sakit.

Ngunit biglang nabuhay ang aking damdamin nang mapagtanto ang kasunod na katagang kanyang binitiwan kanina.

"...Gusto ko, ako palagi ang hinahabol."

Biglang may umusbong na kasiyahan sa puso ko. May namumuong ideya sa isip ko.

"Pwede ka namang makalimot e. Kung hahayaan mo lang ang akong muling pumasok sa puso mo."

Alam kong pananamantala itong aking ginagawa sa kanya pero gusto kong gamitin ang pagkakataong ito upang hindi masayang.

Hindi na ako mag-aaksaya ng panahon kagaya ng mga sinayang ko noon. Hindi na ako papayag na muli na namang mahulog sa iba ang puso ng taong mahal ko.

Oo. Mahal ko si Clara, matagal na. Matagal ko nang gusto ang kababata ko. At kahit na matagal kaming pinaglayo ng panahon at pagkakataon, gagawa ako ng sarili kong paraan para muli lang siyang maibalik sa buhay ko.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon