Heartbeat 33

1K 68 8
                                        

Heartbeat 33

Mom

Nasa kotse kami ni Rhein ngayon at ihahatid niya na ako sa aming bahay. Katatapos lang ng dinner namin kasama ang barkada. Inabot na rin kasi ng gabi sa mall kaya dun na rin namin napagpasyahang kumain. Tulad ng sinabi ni Rhein, libre niya. Hindi ko lang alam kung alam ng kanyang ama na naglabas siya ng malaki-laking halaga.

Hindi naman ako nahirapan kanina sa mall kahit laging abot ng tingin ko ang dalawang taksil sa buhay ko. Natatawa na lang talaga ako kapag sobrang galit ang naibibigay ko lalo na kay Elise. Siguro ay hindi na maiiwasan sa taong nasaktan tulad ko. Napairap ako.

Buti na lamang talaga at hindi ako pinapabayaan ni Rhein. Lagi siya ang taga salo sa akin kapag nasasaktan ako. He's always there for me to be my knight in shining armor.

Natawa ako sa naisip ko. Si Rhein na isang knight? I still don't think so.

"Thank you, Rhein." Ngiting sabi ko sa kanya pagkababa ko sa kanyang sasakyan.

Bumaba rin siya dito at lumapit sa akin.

"Jaja, kailan mo kong tatawaging babe?" Seryoso ang mukha niya nang sinabi niya iyon. Nangunot naman ang aking noo.

"Babe? Bakit kita tatawaging gano'n?"

"Kasi gano'n ang tawag ko sayo. Remember, Im your boyfriend." Sabi niya sa malalim na boses.

God! It's giving me shivers.

"Excuse me? Sabi mo noon, only two months? Three... four months na ang lumilipas. Still not getting over it?" Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Tinawanan ko naman siya dahil sa kanyang itsura.

"Yeah. But you said... panagutan ko 'yung ano."

"Yung?" Maang-maangan kong tugon. Napangisi ako.

"Yung... " Ngumuso siya. Nagbe-beautiful eyes habang nakatingin sa akin. Halata sa mukha niya na nage-enjoy siya sa ginagawa niya.

"Ano yan?! Mukha kang tanga, Gabriel!" Agad niyang itinigil ang ginagawa niya. Sumimangot siya at agad na nagsalubong ang mga kilay.

"Stop calling me Gabriel. Parehas kayo nung matanda kong ama."

"You're still calling your dad, matanda? Akala ko ba ayos na kayo? Bad, Gabriel..." Hinampas ko siya sa braso.

Pero imbis na siya ang masaktan ay ako pa ang nakaramdam ng sakit. Oh WTF~ Anong klaseng braso ba yan?

"Ouch!" Reklamo ko.

"Huy. Ayos ka lang?" Hinawakan niya ang kamay ko at sinuri.

"Wala. Ayos lang 'to. Tsaka nga pala. Bakit ayaw mo ng Gabriel? It sounds cute kaysa sa Rhein. Alam mo naman siguro na Ulan ang translation nu'n sa Filipino diba?" Tinawan ko siya pero inirapan niya naman ako.

"Ikaw na nga ang nagsabi 'diba? Tapos na ang two months. It also means no more pretentions. E 'di hindi ko na rin tatawaging daddy ang tatay ko." Nagtaas ako ng kilay.

"Seriously, Gabriel? Ganyan ka na ba talaga ka hard hearted? Kahit mismong daddy mo hindi mo matawag na daddy?"

"Pumasok ka na nga sa loob." Mukhang napikon niyang sabi.

"Ayoko." Sabi ko atsaka siya dinilaan.

"Ang tigas ng ulo mo, Jaja! Iyakin naman." Tinignan ko siya ng masama.

"Sige na. Pumasok ka na. Mukha ka na namang halimaw." Tinatawanan niya ako habang itinutulak papasok ng gate.

"Hindi ako halimaw, Gabriel! Ikaw yung kurimaw!" Nagpumiglas ako. Ayoko pang umuwi.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon