Heartbeat 9

1.3K 61 11
                                        

Heartbeat 9

Call me daddy

Kung dati, naiinis ako sa pagiging arogante at bully ni Rhein Gabriel, ngayon, sa katangahan niya naman.

Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa frustration. Kanina ko pa hinahanap sa kanya yung video na kinuhaan namin last week pero wala siyang maibigay. Sabi niya'y nawawala daw! Nakakainis! Editing na lang dapat kami e.

"Saan mo ba kasi sinave? Wala ka bang back-up copy? Nakakainis ka naman Rhein e..." Mangiyak-ngiyak na ako sa harap niya.

Isang linggo din namin iyong ginawa. Imbis na 'di ko na siya makikita next week, paniguradong bagong pakikisama na naman ito sa kanya.

Nagtitimpi lang talaga ako ngayon dahil sa teritoryo niya kami gumagawa kaya hindi ko siya pwedeng saktan. Baka mapalayas ako dito ng wala sa oras.

"Hayaan mo na. May two weeks pa naman tayo. Ang aga naman natin nagsimula e." Cool na cool na sabi niya.

Sa itsura niya, mukha siyang walang pakialam kung nasayang ang pagod namin sa pagvivideo. Sa pag-arte. Napahataw ako sa noo ko. Wala nga palang word na effort sa dictionary nito kaya malamang balewala sa kanya kung nasayang iyon.

"O? San ka pupunta?" Nakita ko na lang siya na nasa hagdanan na. Dala niya ang video cam niya at nanakbo.

"Dun sa lugar na walang panget na gaya mo. Nakakasawa na 'yang mukha mo." Hindi siya humarap. Pero bakas ko ang panunuya sa boses niya.

"Pakyu ka, Rhein! Mas nakakasuka yang ka-arogantehan mo! Akala mo kung sinong gwapo!"

"Gwapo ako. Ikaw pa nga nag-ayos ng buhok ko 'diba?" Humarap siya ng nakangisi.

"Anong kinalaman no'n?!" Nagtaas ako ng kilay.

"Basta." He winked at me at nanakbo na siya papunta sa lugar na wala daw panget na gaya ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong sala, ang daming kalat. Nangunot ang noo ko. Ako ang maglilinis nitong lahat tapos hahanapin ko pa ang nawawalang video. Aba! Sumosobra naman ata 'yung Gabriel na 'yun!

Umupo ako sa sofa. Nakakaiyak naman e! Imbis na tapos na kami sa task, ngayon back to zero na naman!

Sa inis ko ay umakyat ako sa taas, hinanap ang kwarto ni Rhein at nang makita iyon, kinalampag ko ito at pilit siyang pinababa. Bwiset 'yun! Ako ang maglilinis ng baba tapos siya nagpapakasarap sa kwarto niya? Ang swerte niya naman!

Pagkababa ko sa sala, naagaw ng pansin ko 'yung isang cabinet na may mga picture frame. Nilapitan ko ito, isang may katandaang lalaki, si Rhein at... sino 'yung babae? Kapatid niya? Pero bakit hindi ko nakikita?

Hinawakan ko 'yung frame. Pinagmasdang maigi. Kapatid niya? Mukha itong anghel samantalang si Rhein ay kabaliktaran.

"What are you doing?" Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko.

"Tinitignan ko lang naman." Hinigit niya sa akin ang frame na hawak ko.

"'Wag mong pakielaman 'yan. Lagot ka kay tanda." Nilapag niya ang frame sa pwesto nito kanina.

"Sino si tanda?" Sinundan ko siya. Papunta siya sa sofa na kinalalagyan ng nakakalat na mga gamit namin kanina.

"Bakit ba ang tanong mo?" Hinarap niya akong bigla kaya nagulat ako. Muntik na akong ma-out of balance. Buti na lang nahawakan niya ang braso ko. 'Yung isang kamay niya naman ay pinang-alalay niya sa likod ko.

"M-masama bang magtanong?" Bigla akong namula. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Kitang-kita ko ang features ng mukha niya. May pagkakahawig nga sila ng kapatid niya.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon