Heartbeat 13
I love you
(play the video while reading this chapter) Dear Mom by Girls Generation
"Jazz! Look at Rhein's eyes! Ipakita mo sa kanya na nakikilala mo siya sa pamamagitan ng pagtitig." Minuwestra ni Direk ang kanyang kanyang kamay at tinuturo si Rhein na nakatayo sa harapan ko.
Nag-aalangan akong tumingin sa kanya. Nakatitig siya sa akin at ang kanyang mga bisig ang nagsisilbi kong balanse upang hindi matumba. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya naman labis labis ang aking pagkailang.
"Tumingin ka sa mga mata ko, Jazz." Bulong niya sa akin na dahilan ng pagkagulat ko at pagtingin sa kanya. Kitang-kita naman sa kanyang mukha ang pagiging seryoso sa kanyang pag-arte.
"Very good! Tama nga at kayo ang gumanap bilang mga bida! Fantastic! Let's have a break first." Binitawan na ako ni Rhein at inayos ang aking pagkakatayo. Ngunit nanatiling ganun pa rin ang itsura ko.
"Jazz, ang galing niyo! Yiieee... Bagay talaga kayong dalawa!" Kinikilig na turan ni Jessica, isa sa mga kaclub namin.
Nginitian ko na lang siya at muling ibinalik ang tingin ko kay Rhein na ngayon ay nakikipag-usap kina Mathew at Dana.
Bigla naman akong nakaramdam ng guilt. Ilang araw na rin niya akong di pinapansin. Maaaring dahil ito sa walang kwentang pinagtalunan namin noong inihatid niya ako sa bahay. Hindi na nga ako nakapag-thank you, hindi pa ako makapag-sorry sa ginawa ko. I really feel guilty.
"Oo nga pala, Jazz. Bakit hindi na kayo magkadikit ni Rhein? LQ kayo?" Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko. Ngumiti na lang ako sa kanya ng pilit at muli na lang binasa ang script.
Tumayo siya sa upuan niya at siguro'y nakapansin na wala ako sa mood makipagkulitan ngayon.
"JAZZ! LUMAPIT KA NGA DITO." Sigaw ni Jessica mula sa malayo. Napatingin naman ako. Nandoon siya sa pwesto nina Rhein.
Umiling ako. Hindi naman nakatingin si Rhein. Siguro ay hanggang ngayon ay galit pa rin sa akin. Tsk.
"Ano ba naman, Jazz. Lapit nga kasi dito." Hinila na ako ng isa pa naming kasamahan at dinala ako sa mismong pwesto ni Rhein.
"O? Anong gagawin ko?" Sabi ko pagkaayos ko.
"He already said sorry. Patawarin mo na raw siya." Nagulat ako sa sinabi ni Jessica. Tinignan ko si Rhein na may earphones sa kanyang tenga.
"Ano? Tititigan mo na lang ba?" Pero wala akong nagawa kundi titigan siya. Gusto kong magsorry dahil alam kong ako ang may kasalanan ngunit siya pa mismo ang nagsosorry sa akin.
Ako na talaga ang maldita dito.
"Rhein, Im sorry." Sa wakas ay nasabi ko rin pagkapasok ko sa sasakyan nila.
Naghihintay ako na kausapin niya ako ngunit wala akong marinig ni isang ingay mula sa kanya. Nakahawak lang siya sa manibela at nakatingin sa kawalan.
"Rhein?" Agad siyang lumingon sa akin at animo'y nagulat.
"Bakit?" Napasimangot akong bigla.
"Wala. Di ko na ulit sasabihin sa bingi." Humalukipkip ako sabay nag-iwas ng tingin. Psh. Sincere pagkakasabi ko nun kanina yun naman pala ay hindi nakikinig.
"Okay." Nagsimula na siyang magdrive at hindi na siya tumingin muli sa akin. Halata sa kanya na mayroon siyang malalim na iniisip.
Nang malapit na kami sa bahay ay bumuntong hininga ako. I need to do this! Ako ang may kasalanan kaya kailangan kong mag-sorry.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Ficção AdolescenteTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...