Heartbeat 17
Taksil
Natigilan ako sa sinabi niya. Nawalan ako ng sagot do'n a?
"B-bakit? Hindi pa ba panliligaw ang ginagawa mo?" Nag-iwas ako ng tingin. Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad.
Naramdaman ko ang pagdausdos ng kanyang palad sa aking baywang. Hinigit niya ako papalapit sa kanya.
"Ibig sabihi'y pumapayag ka talagang ligawan kita? Akala ko hindi ka papayag. That's why I never asked that kind of question." Pinakatitigan niya ako. I almost lost for words for the second time.
Iba ang tama sa akin ng bawat salita, galaw at lahat ng galing sa kanya.
It's like my world is turning upside down.
Iba ang kaya niyang gawin sa akin.
"Sa tingin mo ba'y papayag akong sumama sa'yo at tanggapin ang mga binibigay mo kung parang wala lang sa akin ang lahat? I like you, Clarence...."
Nakita ko ang unti-unting pag-angat ng kanyang labi. Nakaramdam din ako ng hiya.
Hindi ko inaasahang masabi sa kanya ang gano'n. Dala na rin siguro ng nararamdaman ko.
"I like you more. And I'll wait until the day you'll answer. For now, kailangan ko munang maghintay..."
Bumalik kami sa table namin ng magkasabay. Nakatitig sa amin si Lhieanne habang ang iba naman ay titig na titig sa kuya ni Clara. Pinagtaasan ko na lang ng kilay si Lhieanne atsaka umupo sa tabi niya. Gano'n din ang ginawa ni Clarence.
Napatingin sa amin si Clara. "Kuya, kaibigan ko din. Si Jazz at Adrian." Tinuro niya kaming dalawa.
Tinignan ko ng mabuti ang mukha ng kuya niya. Wala silang gaanong resemblance pero parehas silang singkit. Gwapo ang kuya niya pero parang ang lambot gumalaw. Pinilig ko na lang ang ulo ko dahil baka mali ang naiisip ko.
"Jazz, Adrian, si kuya Patrick. Isa sa mga kuya ko." Nginitian niya kami.
Nagkasalubong ang kilay ko ng marealize ko na parang namumukhaan ko ang lalaking ito. Someone I know from the past? Nakita ko na siya e. Hindi ko lang marecognize.
Nakipagkwentuhan lang sa amin si kuya Patrick. Kaya pala dito kami pumunta ay dahil pagmamay-ari ito ng isa pa sa mga kuya ni Clara.
Ang alam ko lang ay tatlo silang magkakapatid. Nag-iisang babae si Clara at bunso pa. Pero hindi ko alam na successful na pala ang lahat ng kuya niya at tanging siya na lang ang nag-aaral.
I bet she's lucky to have two successful brothers. Wala lang, nasabi ko lang. Ako nga na isa lang ang kuya ay pakiramdam ko ay ang swerte ko na. Though sometimes, nagsisisi ako sa kasungitan ng kuya ko. Ewan ko pa sa kanya na dalawa. Two times ang pagmamahal at two times din ang kunsimisyon.
"Kuya, ilang taon ka na?" Tanong ni Niccolo. He's drinking his beer. Ewan ko lang kung pwede na silang uminom ng alak. Wala pa naman sila sa legal age.
"I'm already 26." Sabi ni kuya Patrick pagkatapos lagukin ang alak sa kanyang baso.
"Seriously, kuya? 10 years ang agwat niyo ni Clara?" Manghang-manghang tanong ni Lhieanne.
Pinagmasdan ko si kuya Patrick. Kung titignan ang kanyang panlabas na anyo, hindi mo siya mapagkakamalang nasa ganyang edad. Pero sabagay, may mga tao naman talaga na pinagpala sa itsura.
"Yup. Hindi naman talaga inaasahan 'yan si Clara e. Bigla na lang dumating sa amin." Ngumisi siya. Bigla namang nagsalubong ang kilay ni Clara habang nakatingin sa kanyang kuya.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...