Heartbeat 15
First
Wala pang ilang minuto ay agad na nagsulputan ang apat sa harap namin ni Clarence. Si Lhieanne ay agad na dumiretso kay Clarence samantalang si Rhein naman ay sinalubong ako ng ngisi.
Panira talaga ang araw ang lalaking ito.
"Kumusta date with my cousin? Ayos ba?" Kinindatan ni Lhieanne si Clarence matapos magtanong.
"Bakit ba kayo sumunod dito, Lhieanne? May kailangan ba kayo?" Iritadong tanong ko pero nginitian ko siya. Okay lang naman sana na sumundo sila e. Pero bakit kailangang kasama si Rhein?
Oh well, barkada bonding.
"Wala naman, couz. Namiss lang kita." She hugged me pero humagalpak din naman ng tawa pagkakalas ng yakap.
Baliw talaga ang pinsan ko. Naramdaman kong lumapit si Rhein sa pwesto namin. Iniwasan ko siya. Humarap na lang ako kay Lhieanne.
"Bakit ba mukha kang halimaw?" Nag-init ang ulo ko sa narinig ko. Hinarap ko siya ng nakataas ang kilay.
"I mean, bakit mukha kang IRITADO?" Ngumisi siya.
Talagang iniinis ako ng lalaking 'to e!
"Tinanong mo pa, e nakakainis kaya ang presence mo! Letse!" Umirap ako atsaka humalukipkip.
"Bakit? Sa tingin mo ako hindi naiinis sa presensya mo? Nakakainis kaya makakita ng ganyang mukha. Akala mo maganda ka sa suot mo?" Awtomatikong nanlaki ang mata at bibig ko sa sinabi niya.
My God! Pati ba naman ang suot ko iinsultuhin niya? Sa sobrang pagkainis ko ay nagwalk-out ako.
Letse naman talaga 'yang Rhein na 'yan! Tama bang punahin ang suot ko? Anong gusto niyang palabasin? Na ang panget ng suot ko? Na hindi bagay sa akin ang suot ko?
Nakakairita na talaga! Lahat na lang ba ng klaseng panggagalit ay gagawin niya?
Grabe! Hindi ko na talaga 'yan kayang pakisamahan. Ang sama ng ugali niya.
Sometimes he'll tease me being his girlfriend. Pero madalas na galitin niya ako sa paraang alam niyang ikaiinis ko ng husto!
Nang may nakita akong escalator ay agad akong bumaba. Kung saan man ako mapadpad, hindi ko na alam.
Basta ang alam ko lang, kailangan kong makaalis sa walanghiyang Rhein na 'yun.
Ang sama ng ugali. Playboy na nga, blackmailer, kumag, demonyo at gago pa! Shete siya! Lahat na lang ng sama ng ugali, sinalo niya.
Wala na. He already ruined our date. Akala ko ay magiging nakakakilig na ang araw na 'to but I was wrong. Because of that guy named Rhein Gabriel ruined my date with Clarence!
"Audrey!" Narinig ko ang malakas na tawag sa akin ni Clarence mula sa malayo.
Nilingon ko siya. Kakababa niya lang sa escalator habang ako naman ay nasa labas na ng mall. Huminto ako para maabutan niya.
"Audrey, akala ko hindi na kita maaabutan." Hinihingal siya habang sinasabi niya iyon. Bigla naman akong naawa.
He followed me from second floor up to here. Mabuti na lang itong bestfriend ng lalaking 'yun ay sobrang opposite niya. I don't know kung anong mangyayari sa buhay ko kung walang Clarence Adrian na palaging nagpapagaan ng loob ko. Unlike that Rhein Gabriel na palaging kinasisira ng araw ko.
"Are you alright?" Nag-aalalang tanong ko. He cupped my face using his both hands.
"Ikaw? Ayos ka lang ba? Sorry sa nagawa ng bestfriend ko. Alam ko namang hindi niya iyon sinasadya. Kung gusto mo, ituloy na lang natin ang date natin." He looked so worried. Mabuti pa siya ay kayang humingi ng tawad sa kasalanang hindi niya naman ginawa.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Novela JuvenilTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...