Heartbeat 39
Mahal
Nagpaiwan ako sa classroom dahil may aasikasuhin pa ako. Ayokong malaman nila na pupunta na akong ospital. Lalo na si Lhieanne. Magpapatingin lang naman ako.
Tinext ko na si kuya para sabay na kaming magtungo doon. Matatapos na raw ang klase niya para sa ngayong araw. Hihintayin ko na lang siya.
Papalabas ako ng classroom nang may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito. Si Adrian na may seryosong mga mata. Titig na titig siya sa akin. Mula sa kanyang mata ay bumaba ang aking tingin sa kamay niyang mariing nakahawak sa aking braso. Maya-maya'y binitawan niya ito.
"Anong kailangan mo?" Ito ang unang beses na makakaharap ko siya matapos kong sabihing ayoko na noong bagong taon.
Nakuntento akong tingnan siya mula sa malayo. Nakuntento akong tingnan siyang kasama ang babaeng ngayon lang sa akin nagpakita. Babaeng gumulo sa dapat na maayos na takbo ng buhay ko. Marami nang nagbago. Maaaring pati ang nararamdaman ko sa kanya'y nagbago na rin. Napalitan na ng galit ang dating pagmamahal. And I'm waiting for the day when I don't have to feel betrayed and jealous when I saw them. Dahil nakakapagod. Gustong kong lumaya ang puso ko.
"Audrey... let's talk." Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
"Huwag mo na akong tawaging Audrey. Jazz is fine... really." Sarkastiko akong ngumiti. Hindi ko pa alam kung naging ngiti ba iyon o ano. Hindi ko maitago ang inis ko sa kanya. Umiling ako.
Mas lalong naging seryoso ang tingin niya. Napansin ko rin ang pag-igting ng kanyang bagang. Na para bang sinusuri ako. Napailing na lang ako. Noon ay gustong-gusto kong makita ang bawat ekspresyon niya. Bawat galaw niya. Ngayon ay wala na akong pakialam. Wala na akong nararamdaman.
"Okay, Jazz. Can we talk? I want to explain things. Just hear me out." Umiling muli ako.
"Para saan? Para mapaasa mo na naman ako? Adrian... natuto na ako. Nasaktan na ako. Para saan pa? Hindi ka pa ba masaya? Nakakalimot na ako! Bakit mo pa gustong makipag-usap!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Marahas ko itong pinunasan. Hindi mo dapat hinahayaang makita ng taong nanakit sayo ang luhang iyan. Pinapakita mo lang na mahina ka!
"I'm sorry, Audrey... gusto ko lang talagang makausap ka." Nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang siko ko pero agad ko itong iniwas.
Narinig ko ang pagring ng phone ko mula sa bag. Si kuya na marahil ito. Tinapunan ko muna ng masamang tingin si Adrian bago ko kinuha ang phone sa bag. Kuya is calling.
"Dalian mo. I'll listen." Matabang kong turan. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kasabay ng pagtipa ko ng text sa aking kuya. Nanginginig ang kamay ko.
"Again. I'm so sorry, Jazz. Sorry for hurting. Hindi ko sinasadya." Agad na nalipat ang tingin ko kay Adrian nang sabihin niya iyon.
"You're sorry for hurting me at hindi mo sinasadya? Ano 'yun, Adrian?" Umikot ang mata ko.
"Jazz..." Natahimik siya. He can't explain what happened! Sana talaga hindi ko na lang siya pinakinggan.
Naglakad na ako palabas. Wala ng gaanong tao sa hallway. Lahat marahil sila ay nakauwi na.
"Wait, Jazz!" Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Anoman ang nangyari noon ay binura ko na sa isipan ko. Ayoko nang maalala. Pero ngayon na binuksan niya na naman sa akin ay nagbalik ang lahat. Masakit pa rin. Kaya ako napaiyak. But I can say that I don't love him anymore. Naglaho iyong pagmamahal na naramdaman ko sa kanya. Siguro tama nga ang sinabi nila sa akin na tiningnan ko si Adrian bilang nasa kanya ang lahat ng katangian ng taong gusto ko. That I made him perfect to my eyes.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Ficțiune adolescențiTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...
