Heartbeat 12
Your boyfriend
I texted Clara yesterday but she didn't reply. Tinanong ko naman si Lhieanne kung nakapag-uusap ba sila ni Clara at um-oo naman siya. Hindi ko alam kung iniiwasan niya o pakiramdam ko lang iyon. Ilang beses ko pa kasi siyang kinausap simula nung nagstay kami sa bahay nina Rhein pero hindi niya ako pinapansin.
I guess she's really mad. Though I don't know her reason.
"Who are you texting? Nangangaliwa ka na agad? Wala pa nga tayong isang linggo, nagtataksil ka na agad?" Napalingon ako sa hinayupak na Rhein Gabriel na ito. Talagang sinabi niya iyon habang naglalakad kami sa hallway! Paano kung may makarinig? Ayos lang sana kung totoo... pero gawa-gawa lang ang lahat ng ito.
"Pwede ba, Mr. Blackmailer, lubayan mo ko? Kanina ka pa a?" Iritadong kong bulong kay Rhein dahil hindi niya ako tinatantanan.
Papunta kami sa theater room para sa meeting. Nakakainis lang dahil siya pa ang nagsundo sa akin sa bahay. Naiirita pa rin kasi ako dahil sa pangba-black mail niya at palagi ko pa siyang nakikita.
Ikalawang linggo na rin naming nagpapractice para sa play na pagbibidahan naming dalawa. Sawang sawa na ako sa mukha niya sa totoo lang.
Nang nasa tapat na kami ng pintuan ng club ay inunahan niya akong buksan ang pinto. Nginisian niya ako.
Nagpapakagentle dog? Napaikot ang mata ko sa kawalan.
Lumingon ako sa likuran ng maramdamang hindi na sumusunod ang blackmailer na 'yun. Nagtaas ako ng kilay ng makitang nakatingin siya sa akin ng nakangisi.
"O? Bakit ka nakatingin?"
"Wala, nagagandahan lang ako sayo."
Biglang naghiyawan ang mga ka-member namin. Bigla akong nahiya sa pinagsasabi ng hinayupak na 'yun! Ano na naman bang pakulo ito?
"Hay nako, Jazz! Ang haba na talaga ng buhok mo! Pagupitan mo na nga iyan." Bigla akong namula sa sinabi ni Ma'am.
Humanda ka talaga sa akin, Rhein Gabriel ka.
Sunod-sunod na pang-aasar ang natanggap ko sa kanila. Napakunot ang noo ko. Wala na bang mas ikakainis pa sa araw na ito?
"Okay, tama na ang asaran. Kumusta ang play? Dama niyo na ba ang characters niyo?" Tanong ni Maam sa amin. Nagsitahimikan naman ang lahat.
"Ma'am Suzy, sobrang ganda na po ng play ngayon! Sayang nga po at hindi niyo nakita noong nakaraan. Damang-dama namin ang character nina Rhein at Jazz!" Sabi ni Lynzee.
"Totoo ba, Jazz?" Nakangiting sabi ni Ma'am. Para bang nanunukso.
"Ma'am, hindi naman..." Nahihiyang turan ko. Awkward pa nga para sa akin ang role ko e. Kapareha ko kasi si Rhein.
"Opo, ma'am. Damang-dama namin." Nagulat ako nang magsalita si Rhein. Talaga lang a? At dinamay mo pa ako?
Tinignan ko siya ng masama. Nagkibit balikat siya atsaka nag-iwas ng tingin.
Rhein is really getting on my nerves! I really hate him.
Baka akalain pa nila na sobra akong nadadala sa lovestory na ginagawa namin ni Rhein. Psh. Lovestory.
Nang mag-uwian ay nag-announce si Ma'am Suzy na wala raw practice para sa play. May aasikasuhin pa rin daw kasi siya at ang isang teacher na nagbantay sa amin noong nakaraan ay wala rin.
Kaya imbis na maaga akong umuwi sa bahay, napagpasyahan kong puntahan na lang ang club nina Clarence. Sinabi niya sa akin kanina na may photoshoot sila doon ngayon.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Novela JuvenilTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...