Heartbeat 16
You're making me crazy
Nagpahinga muna kami ni kuya sa isang park matapos naming magjogging. Masyado akong napagod ngayon dahil malayo ang tinakbo namin. Idagdag mo pa ang pambubwiset sa akin ni kuya tungkol kay Rhein. Talagang paniwalang-paniwala siya na magkasintahan kami.
"Kuya, magc-cr lang muna ako." Paalam ko kay kuya. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.
Pumasok ako sa isang cafe malapit sa park at doon nagbanyo. Kakapasok ko pa lang doon ay may narinig akong ungol.
"'Wag diyan, nakikiliti ako." Nanlaki ang mata ko. What was that?! Tama ba ang naiisip ko?
"Okay then, saan mo gusto? Here?" Narinig kong boses ng lalaki.
Oh my God! Talagang may naga-ano dito?
Nang marinig ko ang paulit-ulit na pag-ungol ng babae ay tinulak ko na ang pintuan. And I didn't expect him... here.
Nandiri ako sa nakita ko. Rhein is infront of the girl na halos hubo't hubad na! Masyado silang magkadikit na dalawa at hinahalikan ni Rhein ang boobies ng babae. Napanganga ako.
Dali-dali akong lumabas ng CR na ikinagulat naman ng mga babaeng papasok sa loob.
Hindi talaga ako makapaniwala! SI RHEIN? I mean, alam ko naman na playboy siya pero hindi ko inakala na nakikipag-ganon siya sa babae? And in all places, bakit sa CR pa ng girls? Bakit hindi na lang sila naghotel para hindi sila mabitin? My God, Rhein Gabriel! I can't believe you!
"JAZZ!" Narinig ko ang pagtawag ni Rhein sa pangalan ko.
Hindi ko siya nilingon. Binilisan ko pa ang paglakad ko hanggang sa makarating ako sa kinauupuan ni kuya. Nagtatakang ekspresyon naman ang isinalubong niya sa akin.
"JAZZ!" Muli ko na namang narinig ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"O? Tinatawag ka ni Rhein, Jazz. Hindi mo ba naririnig?" Nakatingin siya sa paparating na si Rhein.
Humalukipkip ako.
"I don't want to talk to a person like him!" Umikot ang paningin ko sa kawalan. My God! Hindi ko talaga matanggap ang nalaman ko ngayon. He's so gross! Nakakadiri!
"Jazz, let's talk." Hinawakan niya ang braso ko. Agad ko itong tinanggal lalo na't naaalala ko talaga yung nakita ko kanina.
"Don't touch me, Rhein! Nakakadiri ka!" Pinagkunutan niya ako ng noo.
"Wait. Mukhang may LQ. Una na ako, Jazz a?" Tinapik ako ni kuya sa balikat.
"Rhein, pakihatid na lang ang kapatid ko."
"Kuya! Hintayin mo na ako! Ayokong kasabay 'to!" Himaktol ko.
"No, Jazz. Sasabay ka sa akin." Tinignan ko ng masama ang sumabat na si Rhein.
"No!"
"Yes!" Hinila niya ang braso ko. Panay ang palag ko pero ayaw niyang bitawan ito. Huminto lang siya sa paghila sa akin nang maisandal niya ako sa puno.
"Ano bang problema mo, Rhein?!"
"No. What is your problem? Bakit bigla ka na lang nagalit sa akin? Sa nakita mo?" Tinignan ko siya ng masama habang kinakagat ang pang-ibabang labi ko.
Bakit nga ba ako galit na galit?
"Hindi ako galit, Rhein. Nandidiri lang talaga ako sa nakita ko." Tinalikuran ko siya. Bago pa man ako makapagsimulang maglakad ay muli na naman niyang hinila ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...