Heartbeat 32
Salamat
Bumalik kami sa room matapos niya akong pakalmahin. Pinaiyak niya ako. Gusto niyang hindi niya na ulit ako makikita na umiyak dahil sa iisang rason. Tumango-tango ako sa bawat sinasabi niya. Ayoko na ring umiyak. Nakakapagod. Nagmumukha lang akong tanga.
Sinalubong ako ni Lhieanne kanina nang makapasok kami sa loob ng room. Bakas ang pamamaga ng aking mata. Isang tabo rin siguro ang naiyak ko. Parang pinutakte ng ipis ang mata ko.
"Bakit ang tagal mo? Akala ko ba bibili ka lang? At bakit namamaga ang mata mo?" Pinaningkitan niya ako. Nag-iwas ako ng tingin. Si Rhein na kasabay kong pumasok ang tiningnan niya.
"Nag-away na naman ba kayo?" Hinila niya ako paupo sa pwesto ko
"Hindi a. Magkaibigan na kami niyan!" Pagtatanggol ni Rhein sa sarili niya. Tinitigan muna siya saglit ni Lhieanne bago niya ako binalingan.
Inikot ko sa paligid ang mata ko. Wala pa rin silang dalawa. Mabuti na rin. I don't want to see the both of them.
"So, Jazz. Anong nangyari diyan sa mata mo? Wala ka na lalong mata." Binalingan na rin kami nina Clara at Niccolo na kanina'y nag-uusap. Tinuturuan pa rin ata ni Niccolo si Clara sa lesson namin sa math.
"Napuwing ako. Tapos ayaw lumabas kaya umiyak na lang ako." Nagkunwari akong pinunasan ang mukha ko. Naiiyak pa rin ako. At hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Ayokong nagsisinungaling sa kanila. Pero kailangan.
"Ang babaw ng luha niyan. Binasa pa nga niyan ang polo ko." Sabat ni Rhein. Ngayon ay hinuhubad niya ang kanyang polo. He is wearing a white shirt under it.
"Magkasama kayo simula kanina?" Napabaling ako kay Niccolo. May sinusulat siyang kung ano doon sa papel ni Clara.
"Oo..." Bulong ko.
"Akala namin si Adrian ang kasama mo. Hinahanap ka niya kanina. Akala namin nagkita kayo." Napairap ako. Hinahanap niya ako? Talaga lang ha?
Maya-maya'y pumasok si Adrian sa loob ng klase. Kasunod niya ay si Miss Divina na nakangiti. Natahimik ang lahat. Adrian even smiled at me. Walang pag-aalinlangan ko siyang inirapan.
"You have a new classmate!" Masiglang sabi ni Ma'am. May hinala ako kung sino. Totoo pala talaga ang sinabi niya? Napairap ako.
"Pero, ma'am. Hindi na pwede 'yun diba? Mage-end na ang class. And we're graduating." Sabi ng president namin. Nagtanguan naman ang iba naming kaklase.
"Yes, miss president. Nakiusap lang ang pamilya Irie. Hindi naman siya kasali sa ga-graduate this year." Nagsitanguan ulit sila.
Does it mean she's a catcat? Dapat hindi na siya nag-enroll. Sinasayang niya lang ang oras niya.
Pumasok nga ang isang babaeng angelic ang panlabas ng anyo pero demonyo naman sa loob. Napataas ang kilay ko nang nakangiti siyang kumaway sa harap.
"Hello! I'm Elise Irie. Nice to meet you!" Nag-akyatan ang dugo ko sa mukha. Naiirita talaga ako. Pwede bang masabunutan siya kahit isa lang?
Naramdaman kong kinalabit ako ni Clara sa gilid ko. Nakakunot ang noo niya.
"Talagang sinundan niya si Adrian dito? Hindi ko na siya gusto." Napatango ako sa sinabi niya. Kahit papano'y may alam naman sila ni Lhieanne sa nangyayari. Hindi nga lang tulad ni Rhein na alam ang lahat-lahat.
Pinapwesto siya ni Ma'am sa gilid ni Clara. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.
Bitch
Abala kami ngayon sa pagsasaayos ng school para sa gaganaping intrams ngayong buwan. Ang section namin ang naatasan na i-organize ang event na to kaya busy. Ang halos lahat naman ng boys ay naghahanda na para sa laban nila next week.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...