Heartbeat 37

1K 69 6
                                    

Heartbeat 37

Soulmate

Kinabukasan ay nakapasok din ako. Hindi ako sinundo ni Rhein tulad nang nakasanayan. Nagtaka ako dahil doon. Nang makarating ako sa school kasabay si kuya ay siya ang una kong hinanap.

Nakasalubong ko si Clara sa hallway nang papunta ako sa room. Nagmamadali siyang nanakbo papuntang hagdan.

"Claire, si Rhein?" Hinawakan ko ang kanyang braso para matigil siya sa pagtakbo. Nakakunot ang noo niyang tiningnan ako.

"Ayos ka na? Akala namin hindi ka pa papasok?" Ngumiti ako.

"Ayos na ako. Nasaan na nga si Rhein?"

"Nasa location na. Late na nga ako e. Ilagay mo na ang gamit mo sa locker tapos dumiretso ka na sa likod ng building. Sa linear tayo." Tumango ako. Muli siyang nanakbo pababa habang ako naman ay nagtungo nga sa locker room.

Hindi pala nila alam na papasok na ako. Ano namang sinabi ni Rhein sa kanila? Tinext ko siya kagabi.

Matapos kong ilagay ang gamit ko ay nagtungo nga ako sa likod ng building. Naka-set up na ang mga camera at ilang props doon. Ang mga artista ay nakabihis na rin ng kani-kanilang costume. Nilapitan ko ang assistant director at nagulat siya nang makita ako.

"Jazz! 'Diba may sakit ka? Bakit ka pa pumasok?" Sa lakas ng kanyang boses ay napatingin sa amin ang iba naming kaklase na nagpa-practice ng kanilang mga linya. Sumenyas ang aming director na tumahimik.

"Magaling na ako. May scene ba kami ni Rhein ngayon?" Binuklat niya ang makapal na script na kanyang hawak.

"Mabuti naman. Meron sana pero pinacancel ni Rhein iyon. Bakit hindi niya alam? Si Rhein talaga... sandali lang a?" Nagkakamot siya ng ulo nang talikuran niya ako. Lumapit ako sa mga medyo kalapit kong mga kaklase. Pinaupo nila ako sa monoblock chair na nandoon.

"Nagkita na kayo ni Rhein? Pinagalitan 'yun kanina ni Direk. Paano kasi wala sa sarili." Natatawang sabi ni Jonathan. Sumang-ayon ang iba pa naming kaklase.

"Tinanong ka kanina sa kanya. Ang sagot ba naman malala ka na. Tapos tinanong namin kung ano bang sakit mo sabi niya obsession sa kanya." Naghagalpakan sila ng tawa habang ako naman ay nakakunot ang noo. Anong pinagsasabi ng lalaking iyon? Siraulo ba siya?

Maya-maya lang ay nagpakita sa akin si Rhein. Mukha siyang wala sa sarili. Hindi niya nga ata ako napansin nang dumaan siya sa gawi ko. Dire-diretso siyang umupo sa gilid na may malaking bato. May hawak siyang paper cup na sa tingin ko ay may lamang kape.

"Sandali lang. Uupakan ko lang si Rhein." Paalam ko sa mga nagkakatuwaang kaklase ko.

Nakalapit na ako kay Rhein at lahat, wala pa rin siyang nagiging kibo. Malayo ang kanyang tingin. Naka-drugs ba ang isang 'to?

"Hoy!" Tinapik ko ang kanyang balikat. Halos itapon niya naman ang hawak niyang baso dahil sa gulat. Tinawanan ko siya. Tinabihan ko siya sa batong kanyang kinauupuan.

"O? Bakit ka nandito? Tinext ko si Josh kanina sabi ko 'wag ka munang pumasok. Pinagpaalam na kita." Imbis na intindihan ang sinabi niya ay nagtaas ako ng kilay.

"Anong pinagsasabi mo sa mga kaklase natin? Obsession pala a? Talaga?" Kinurot ko ang kanyang braso. Kung hahampasin ko kasi siya ay baka ako lang ang masaktan.

"Aw! Tigilan mo nga iyan, Jazz. Masakit." Hinimas niya ang parte na aking kinurot. Napangisi ako.

"Wala ka sa mood? Masama pakiramdam mo?" Tiningnan ko siya. Namumula ang kanyang tenga. Mukha rin siyang hindi nakatulog ng maayos dahil ang laki ng eyebags niya.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon